Sunday, December 20, 2009

Mayor Domingo: Christmas Greetings!


Monday, November 16, 2009

Purok Siyete




Humigit kumulang ay 80 na ang miyembro ng Licab Forum. Nakakatuwa dahil iba't-ibang kwento, iba't-ibang opinyon na ang narating ng mga simpleng kuwentuhan.


Isang post ang hindi man masyadong napansin sa kainitan ng kuwentuhan, ang nais kong ipabasa sa inyo ngayon dahil alam ko na kung tutuusin, ay isa itong bagay na dapat bigyang-pansin at bigyang-solusyon sa lalong madaling panahon. (Galing kay kabayang mhariz ang post na ito):




"Sa purok 7, Sta Maria Licab...
wala pa rin pong kuryente...
kasi mga estudyante po roon
may mga angking talino at
nagliliwanag na pangarap,
ngunit lumalabo
pagka't sa dilim nang paligid
librong binabasa ni hindi makita..."




Nakakalungkot (at nakakagulat isipin) na may lugar pa pala sa Licab na wala pang linya ng kuryente. Tama ang poster, maraming estudyante ang dapat sana'y mas natututo at mas nabibigyan ng tamang edukasyon kung kaakibat ng kanilang kagustuhang matuto ay maayos ang mga pasilidad ng paligid na ginagalawan nila.


Bakit nga ba walang kuryente sa Purok Siyete?


Nais sana naming maliwanagan.....

Tuesday, November 10, 2009

Pasko Sa Aming Bayan


(Sinulat ko ito noong december 2007, at orihinal na naka-lathala sa aking personal blog)

uuwi na naman ako sa licab. ika dalawampu't siyam na pasko ko na pala. paminsan minsan, hindi maiwasang magbalik-tanaw.
krismas tring gawa sa mga sanga ng bayabas at pinintahan ng puti.
sinasabitan namin ng iba't ibang kulay na palamuti para gumanda. mga parol sa bintana. christmas lights.

umpisa ng pasko ang simbang gabi. sa totoo, gustong gusto kong magsimbang gabi nung bata dahil sa bibingka. bitbit ang ilang pirasong itlog ng manok, lalakad na kaming magkakapatid kasama ang tiyahin namin papuntang simbahan. dumadaan muna kami sa nagbibibingka para ibigay ang itlog na isasama para maging espesyal ang bibingka namin.

pinipilit naming matapos ang siyam na araw na simba dahil sabi nila ay matutupad daw ang hiling mo kapag nakumpleto mong tapusin ang simbang gabi.

sa umaga pa lang ng ika-24 ng disyembre, kanya kanyang hanap na kaming magpipinsan ng pinakamatibay at pinakamalaking medyas na pwede naming isabit sa dingding ng bahay kinagabihan. darating kasi si santa claus. pero kahit na anong pilit ang gawin naming paghihintay, paniguradong makakatulugan din namin at magigising na lang kami sa ika-25 ng disyembre na puno na ng regalo ang medyas na nakasabit sa dingding. mansanas na mapula, sunmaid raisins, assorted candies. minsan ay may kasama pang 50 pesos. hinuhuli naming kainin ang mansanas dahil nung mga panahon na 'yon, tuwing pasko lang kami nakakakita ng mansanas.

pasko na!!! hindi na magkamayaw ang mga magulang ko, mga tiyuhin at tiyahin sa paghahanda ng pagkain. ekstra espesyal ang pasko dahil kaarawan din ng nanay ko. lechon, pansit, menudo, kaldereta, hamon, queso de bola, at kung anu ano pa.

buong umaga kaming nag iikot ng kapatid ko at ng mga pinsan para magmano sa mga ninong at ninang. sa huli, kanya kanya kaming bilang at paramihan sa nakolektang aginaldong malulutong na pera.

kanya kanyang pakulo na pagdating ng hapon. may kumakanta, may sumasayaw, may mga palaro para sa aming mga bata.

isa, dalawa, tatlo, dalawampu't walong pasko. umiinog ang taon at hindi ko namamalayan na nagbabago ang panahon. sabi ng isang kataga, "it's funny how day by day nothing changes; but when you look back, everything is different".

hindi na ako nagsisimbang gabi. bihira na ring makatikim ng bibingkang espesyal na may itlog. hindi na kami namamasko dahil kami na ang pinupuntahan ng mga inaanak namin. wala na rin ang ibang mga tiyo at tiya na dati'y abala sa paghahanda ng pagkain.

marami ng nagbago. pero sa ika dalawampu't siyam na pasko, siguradong uuwi pa rin ako sa licab.

Tuesday, October 13, 2009

Licab, Sinalanta ng Baha

Napakalaking pinsala ang inabot ng bayan ng Licab dahil sa nagdaang bagyong Pepeng na nanalasa sa Central at Northern Luzon nitong Oktubre 2009.


Napilitang magpawala ng tubig ang 5 malalaking dam sa Luzon na nagdulot naman ng malaking pagbaha sa mga karatig-probinsiya, kasama na ang Nueva Ecija. Isa sa pinakamalaking naapektuhan ay ang ating bayan ng Licab.


Makikita sa larawan sa ibaba ang kanto ng Don Dalmacio Esguerra (formerly Burgos St.) at ng daan papunta ng Villarosa/Tarlac:









Dahil sa malaki at biglaang pagbaha noong madaling araw ng Oktubre 9, napilitang magsilikas ang mga mamamayan at namalagi sa Municipal Gymnasium at sa ilan pang evacuation areas:





(Click Here More Pictures of the Flood in Licab)



Tinatayang 90% ng mga pananim at kabuhayan ng ating mga kababayan ang nasalanta ng bagyo at baha kaya naman umaapela ang ating Punongbayan, Willy Domingo, kasama ang ating Municipal Disaster Coordinating Council, sa bawat isa na magbigay nang anumang maitutulong para sa mabilis na rehabilitasyon ng bayan ng Licab.

Pangunahing kailangan ang makalikom ng pondo na pambili ng binhi ng mga gulay at mga halaman na madaling mamunga o madaling anihin upang magkaroon ng pagkakakitaan ang ating mga kababayan na nawalan o nasiraan ng mga palay at iba pang pananim noong kasagsagan ng bagyo at baha.

Tumatanggap din ng mga pagkain, damit, at kung anupaman ang ating maaaring itulong para sa ating mga kababayan. Maaaring makipag-ugnayan sa mga contact numbers na ating makikita sa sulat na mula kay Mayor Willy Domingo sa ibaba:

++++++++++

Isang apela sa mga kababayan sa buong mundo:

Sa loob ng limang dekada, muling naranasan ng mga taga-Licab ang malalim na pagbaha. Limang dam ang nagpakawala ng tubig sa kasagsagan ng Bagyong Pepeng, 500 metro kuwadrado ang pinakawalan sa bawat 1 segundo na naging sanhi ng mas malalim na baha sa bayang ito. Bagama’t sanay na sa ganitong pagbaha ang mga naninirahan dito. Hindi magiging madali ang pagbangon sapagkat ayon sa tala ng Pambayang Pananakahan ay umabot sa 90% ng Pananim (Agricultural Crops) ang lubhang nasalanata (Zero Production) o 17 Million ang halaga ng pagkalugi sa palay na pangunahing pananim ang idinulot ng bahang ito. Samantalang ang damage sa ibang ari-arian ay humigit-kumulang sa P 5 Million at tinatayang 3, 600 na kabahayan ang nalubog sa baha sa loob ng tatlong araw.

Upang mabawasan ang kagutuman, minarapat ng inyong lingkod na makipag-ugnayan sa NFA upang magsupply ng bigas sa ating bayan. Nang sa gayon ay makabili ang mga may pambili. Ngunit paano naman ang iba na umaasa lamang sa pagsasaka?

Ang calamity fund ng ating bayan ay 1 Milyon lamang at paubos na sapagkat marami na ang nagdaang kalamidad sa taong ito.

Sa kasalukuyan ay nagpupulong sa pangunguna ng inyong lingkod ang Municipal Disaster Coordinating Council upang bumuo ng mga hakbang para sa rehabilitation sa bayan ng Licab. Ang aking mungkahi ay ang pagtatanim ng mga gulay sa lahat ng bakuran upang may makain. Ang inyong lingkod ay ginagawa ang lahat ng makakaya upang matulungan ang ating mga kababayan.

Sa pagkakataong ito, sinuman pong nais magbahagi ng anumang tulong upang makaahong muli ang ating mga kababayan ay mangyaring makipag-ugnayan sa inyong lingkod o sa website na ito. Mayor Willy S. Domingo Contact Nos. 0917-811-5978, Admin Ariel J. Antonio (0063-927-443-8880), Sec. Raffy Borjal 0063-928-769-2350, Malou Calma (0063-921-507-9900).

Maraming Salamat at Pagpalain kayo ng Panginoon.


Para sa mga mamamayan ng Licab,



WILFREDO S. DOMINGO
Punong Bayan

++++++++++

also posted in: www.licab.net

Bangon, Licab!

Thursday, October 8, 2009

Flood Alert In Licab

Big part of the whole municipality of Licab is now in deep water, as people have started to evacuate in the Municipal Gym and High School Gym at San Cristobal.

Kindly contact your relatives in Licab and make sure they are okay.

Let us all pray that there wouldn't be any much damage from this calamity.


For those who have other updates and information, kindly share with us by adding your comments below, or by joining our forums at:

LICAB.NET FORUMS

Sunday, September 27, 2009

The Great Flood



Hindi po sa Licab kuha ang mga larawan sa itaas. Kuha po iyan bilang ilan sa epekto ng pagsalanta ng bagyong Ondoy sa Metro Manila kung saan inabot ng matinding baha ang malaking bahagi ng kamaynilaan.


Sa kasalukuyan ay wala naman akong natatanggap na balita kung ang Licab ba ay naapektuhan ng bagyo. Sana nga ay hindi naman nasalanta ang ating mga kabuhayan sa ating bayan.
Gayunpaman, nawa ay makiisa tayong lahat sa pananalangin na gabayan nawa tayo ng Panginoon bilang isang bayang Pilipinas habang dumaraan tayo sa pagsubok na idinulot ng bagyong Ondoy sa ating bansa.


Palakasin sana ang mga kababayan nating nasalanta at nawalan ng kabuhayan at mga mahal sa buhay.


Sunday, August 23, 2009

Telenobela ni Boy Kokak

Pagkatapos ng hapunan at madilim na ang paligid sa lahat ng sulok ng Licab, malamang eh nakatutok na ang ilan sa atin sa panonood ng Telenobela- maging Kapamilya ka man o Kapuso.

Ewan, pero di ba, mas madalas eh alam na natin ang kahihinatnan ng bawat istorya? Pag-ibig, paghihiganti, pagpatay, pag-ampon sa anak ng may anak.

Ano nga ba ang bago dito?

Alam na natin. In fact, kung minsan, mas magaling pa tayo sa direktor ng telenobela.

Narito sa ibaba ang isang plot ng istorya:


Kaya mo bang maisip kung ano ang mga susunod na pangyayari?

Ano ang kahihinatnan ng makulay na buhay ni Boy Kokak?

Tuesday, August 4, 2009

Message From The Mayor

You may please view our Honorable Mayor's Message for all of us.

Please click on the link below:



Friday, July 31, 2009

Burong Isda







Ewan ko sa inyo, mga kabaryo.

Pero pag ako ang hinainan ng ganitong pagkain, isa lang ang hahanapin kong sawsawan- BURO.

Narito ang recipe ng Burong Isda galing sa ating kababayang si May.

--------------------

Paghahanda ng Buro


• Maghanda ng 2 tasang kanin, itabi at palamigin.


• Linising mabuti ang isda (kahit anong isda pero mas masarap ang tilapia), alisan ng kaliskis,hasang, at bituka.


• Hatiin sa gitna ang isda, at pahiran ng maraming asin.

• Ilagay ang kanin sa isang ‘sealed container’. Ipagitna ang tilapia sa kanin at budburan ng 1 kutsaritang angkak.

• Itago ng 3 hanggang 5 araw. Kung malambot na ang tinik ng isda at maasim na ang amoy, maaari nang iluto ang buro.



Paraan ng Pagluluto:

Igisa ang buro sa bawang, sibuyas at luya.

Wednesday, July 29, 2009

Saint Jolina: Modelong Taga-Licab

Pinag-halu halo ko na ang title ng post ko :D


Anyway, kung nagtataka kayo kung ano ang ibig sabihin ng:

Saint Jolina: Modelong Taga-Licab, updates yan ng mga bagong additions sa LICAB.NET.


Isa-isahin natin:



• Mga Bagong Pictures na nai-upload sa ating sites. Bisitahin nating muli ang Saint Christopher Academy.





• Kilala mo ba si Jolina? Basahin natin ang nakakaaliw na kwento ni Livingstain, tungkol kay





• May bago tayong topic sa ating Forum.

May kilala ka bang tiga-Licab na nagkamit ng tagumpay at karangalan? Aba, dapat makilala siya at maipagmalaki! Ibalita ang kanyang kwento ng tagumpay sa topic ng ating forum na:





O, lipat-bahay muna tayo sa LICAB.NET. Doon tayo magkwentuhan, mga sangga!

Wednesday, July 22, 2009

Bago

B A G O


• Mahilig ka bang bumili ng mga bagong gamit na "branded" katulad ng Levi's at Nike? Bisitahin, basahin, usisain ang bagong article na pinamagatang: LEVI'S JEANS.

I click ang link na ito.



++++++++++

• Gusto mo bang makabasa ng mga bagong balita tungkol sa mga kaganapan sa Licab? Basahin sa ating forum ang mga bagong balita galing sa ating news correspondent na si Ding Gatmaitan.

I click ang link na ito.

Paalala lamang na yung mga members lang ng forum ang may access na mag comment sa ating forum.



++++++++++

• Maraming bagong kababayan na nag sign up na sa forum natin (humigit kumulang ay nasa 40 members na tayo). At kung hindi ka pa nagsa sign up, aba, eh marami kang nami miss na magagandang usapan.

I click ang link na ito para makasali at makigulo sa ating kwentuhan.



++++++++++

And this should encourage us all:

Nag open up tayo ng parang suggestion box sa ating forum kung saan ang bawat isa ay pwedeng pwedeng magbigay ng reaksiyon sa kung ano sa tingin nila ang gusto nilang magkaroon ng improvement sa bayan ng Licab.

Ikinalulugod naming ibalita na ang ating mga suggestions ay nakakaabot na sa mga lider ng bayan, at umaasa tayo na dinggin at bigyang pansin ng ating mga local officials ang ating mga suggestions.

Sunday, July 19, 2009

Letting Go



Hindi lang usaping kaunlaran o politikal ang namamayani sa bayan ng Licab.

Marami pang ibang kwento- isa na rito ang kwentong pag-ibig?

Sabi nga eh, 'Sino nga ba ang hindi umibig?'.

Lahat naman tayo ay nagmahal. Mayroong natuwa, mayroong nagalit, mayroong nasabik, at mayroon din namang nasaktan.


Narito ang isang mahikling tula na ipinadala ng isa nating kababayan, na ayon sa kanya ay alay niya sa dating kasintahan.


++++++++++
Beginning
(Mokong)

Of all these times you're deeply inside of me,
and you weren't there..

Of all these moments you've shared with me,
and I can't feel you..

Maybe it's time to begin a new life again,
without longing for you..

Maybe it's time to move on and go on,
for my love once again broke and torned…
++++++++++

Monday, July 13, 2009

A Time For Everything

To every thing there is a season, and a time to every purpose under the heaven: A time to be born, and a time to die;

.....I said in mine heart, God shall judge the righteous and the wicked: for there is a time there for every purpose and for every work.

.....All go unto one place; all are of the dust, and all turn to dust again.


ECCLESIASTES 3


--------------------

Mula nang simulan natin ang kwentuhang Licab anim na buwan na ang nakalipas, sari-saring pagbabalik-tanaw, kwentuhan at balitaan na ang ating napag-usapan. Kadalasa'y masaya ang kwentuhan, pero sa tuwina'y hindi maiiwasang may mga malungkot ding usapin. Patunay lamang sa binanggit na talata sa itaas- There is a time for everything.

Hindi iilang beses na nag-anunsiyo tayo dito na mayroon tayong mga kababayang pumanaw na. Sa iba, maaaring mga simpleng anunsiyo lang ito. Pero sa mga taong kakilala, kaibigan at kamag-anak ng namatay, malaking bagay ang mga simpleng patalastas.


--------------------


Kahapon lang ay nakatanggap kami ng balita na isa na namang kababayan natin ang pumanaw. Kaya mula sa LICABBLOG at LICAB.NET, ipinaaabot namin ang aming pakikiramay sa mga naulila, mga kamag-anak, at kaibigan ng kababayan nating si ALVIN PULIDO na sumakabilang-buhay kahapon, July 13, 2009.

--------------------

.....All go unto one place; all are of the dust, and all turn to dust again.

Kunsabagay, sabi nga ng mga kwentuhan sa ilalim ng puno ng manggang kalabaw, una una lang yan. Lahat naman eh diyan papunta. Nanggaling sa alabok, babalik din sa alabok.

Pero isang importanteng bagay na dapat nating maintindihan, eh, saan ba tayo patungo pagkatapos ng buhay sa mundong ito?

Dapat tayong maniwalang hindi nagtatapos ang ating paglalakbay kapag tayo'y pumanaw na. Ang sabi kasi sa bibliya, mayroon pang life after death. Nakagugulat pero nakakatuwang isipin na napaka-basic lang pala ng itinuturo ng bibliya patungkol sa pagkakaroon ng buhay na walang hanggan. Dito ko siguro tatapusin ang artikulong ito... ang sabi sa banal na aklat, at alam kong tayo ay naniniwala dito,

Inibig ng Diyos ang sanlibutan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa Kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.


At kung tayo'y sasampalataya sa Kaniya, may panigurado tayong pag-asa na hindi lang dito sa mundong ito magtatapos ang buhay natin, dahil may tinatanaw pa tayong buhay na mas higit pa sa ating mga pangarap.

Sunday, July 12, 2009

Adobong Bibe Sa Gata















1 barako bibe (mas matanda, mas malasa, ika nga ni Ding Gatmaitan)
3/4 cup sukang iloko
1 piece sliced ginger
1 head of garlic, crushed
1/2 cup soy sauce
4 bay leaves
1 star of anise
1 1/2 tbsp. whole peppercorns
1 tbsp. ground pepper
1 tbsp. sugar
4 tbsp. star margarine
1 tbsp. patis (fish sauce) or salt
1 12-oz. can coconut milk or 1 can evap milk

Linisin ang bibe at lagyan ng asin.
Ihalo ang lahat ng rekado sa isang kaldero/kawali maliban sa coconut milk/gata ng niyog.
Isalang sa mahinang apoy kasama ang karne ng bibe hanggang sa lumambot ang laman.
Ihalo ang gata at pakuluin.


(Salamat kay Ding Gatmaitan at Odessa Caronan sa recipe)

Wednesday, July 8, 2009

Kapalaran



Ano ang magiging kapalaran ng Bibeng ito?


A B A N G A N !



In the meantime, subukan mo namang bumisita sa ating FORUM. Alam mo bang maraming bagong members na nakikigulo na sa ating kwentuhan? Kilalanin sila!


Bumisita, Mag-register, Makipagkwentuhan sa ating Forum: CLICK HERE!!!

Wednesday, June 24, 2009

Times and Season

Tag-ulan ay dumating na
Ang payong ay gamitin
Sa nayon at bukirin
Ito ay kailangan natin.
Tik-tak ng ulan
Ating pakinggan
Sa payong natin
Kay inam.

Sigurado akong kumanta kayo habang binabasa niyo 'yan. Panahon na ng tag-ulan. At kung ang ilan sa atin eh nabubwisit sa madalas na pag-ulan, alalahanin nating importante ang tag-ulan lalo na sa mga kababayan nating magsasaka. Kailangan kasi natin ang tubig para sa ating mga pananim.

--------------------

Ano'ng bago sa Licab.net?


• Bagong Article: Alamin ang isang mabisang tip kung paanong nakakatipid ang mga nangaganak sa pamamagitan ng RENO LIVER SPREAD! I-click ito: WANTED: HELPING HANDS!

• At alam ninyo ba na Comments enabled na ang Licab.net? Ibig sabihin, pwede na tayong maglagay ng ating mga comments sa mga articles na naka-post. I-click lang ang COMMENTS sa ilalim ng bawat article.


• Mga bagong Pictures ng Manggahan, Simbahan, atbp.

--------------------


+++++Nakikiramay ang LICABBLOG at ang LICAB.NET sa pamilya ng mga naulila ni Beto Milan, Municipal Postmaster ng Licab. Kasalukuyan siyang nakaburol sa kanilang tahanan sa San Casimiro, Licab, Nueva Ecija. Muli, ang aming pakikiramay.+++++

Tuesday, June 16, 2009

Para Ka Na Ring Umwe

Umuwi [Um•we]- o Homecoming sa Ingles. Bumalik sa pinagmulan o tirahan.

Kapansin-pansin na karamihan ng mga bumibisita sa licab blog at licab.net ay iyong mga hindi na talaga nakatira sa Licab- yung mga nasa abroad, nasa maynila, o iyong mga nag-migrate na sa iba't-ibang lugar.

Kaya nga isa sa mga layunin ng mga website na ito ay yung para magkaroon tayong lahat ng feeling na nasa Licab pa rin tayo- sa pamamagitan ng malayang kwentuhan ng mga nagaganap sa Licab, balitaan sa mga bagong kwento (at tsismis), kwentuhan ng mga experiences natin sa Licab, at magkaroon ng komunikasyon iyong mga taong matagal nang hindi nagkaka usap-usap. Dahil eka nga, ginagawang maliit ng internet ang dating malawak na mundo-

Kaya parang andun ka lang kila Aling Intang at humihigop ng sabaw habang nagsasawsaw ng okoy sa sukang me sile. O kaya eh, iniintay mong matusta yung isaw na iniihaw mo kila Mena.

Ano ang mga bagong usapin sa LICAB website?

• Featured sa ating website ang mga Ulirang Licabeño na pinarangalan noong nagdaang ika-115 Foundation Day ng Licab.

• Alamin ang balitang kaso ng Swine Flu sa Licab at ang mga latest advisories ng World Health Organization tungkol sa Pandemic Virus na ito.

Licab at Makati, magkapatid? Basahin ang tungkol dito.

• Siyempre, dumarami na ang mga nagre-register sa ating Kwentuhan (Forum). Magpasensiya po dahil kinailangan naming i-moderate ang mga nagre-register dahil may mga spammers tayong nanggugulo at nagbebenta ng kung anu-ano. At kung hindi ka pa naka-register, aba, ano pa'ng hinihintay mo?!

• May mga bago tayong topics sa forum na pwede nating pag-usapan. Tungkol sa hayskul layp o elementary days natin sa Licab, tungkol sa pulitika at halalan sa 2010, etc, etc. Makialam! Magsalita! Makipag-kwentuhan! (Pwede ring mang abunas).


Abangan ang mga pictures na ipinadala ni Tony- pasensiya na at medyo mabagal mag upload sa site.

Abangan ang mga bagong articles.

At aabangan namin ang pag uwe ninyo sa LICAB.NET!

Monday, June 15, 2009

Influenza A (H1N1 Virus): Things To Know & To Do

The Department of Health is on full alert as the pandemic Influenza A (H1N1 Virus) has now inflicted close to 200 Filipinos.

As many of us know, one case was traced in our very hometown, Licab, but recent news have it that the patient is already cured from the flu.

However, the town of Jaen in our province is also closely being monitored, as Health Officials have declared a community outbreak when many students in Hilera Elementary School tested positive from the flu.

So, really, it is best for us to know what to do about this infamous pandemic Influenza virus.

The United Nations and the World Health Organization recently issued a Handbook about the Pandemic A (H1N1) Virus for the public to be aware about the virus and how to avoid it.

Kindly CLICK HERE to download the Handbook.


As an extra precaution, it is best that we follow personal hygiene to reduce the risk of contracting influenza.

1. Wash hands frequently.

2. Take vitamins.

3. Get enough rest/sleep.

4. Cover the nose and mouth with the sleeve/tissue/handkerchief when coughing or sneezing.


"An ounce of prevention is better than a pound of cure"

Tuesday, June 9, 2009

Nakapanlalaway

Ilan lang ito sa mga dahilan
kung bakit gustung-gusto mong
umuwi sa Licab.......









Thursday, June 4, 2009

Update on the Swine Flu Case In Licab

I received an email today from Malou Calma that the patient (apparently a balikbayan who visited her relatives in Poblacion Sur, Licab), is already cured from the pandemic Influenza A (H1N1) virus. The patient was confined at the Lung Center of the Philippines. Meanwhile, those people to whom she made contact with in Licab are under observation until tomorrow, June 5, 2009.

In other news, our new website, http://www.licab.net/ is continuously being developed, so you might notice lots of changes when you visit the site.

We have added new features, such as Mga Balita (a section where we shall be posting breaking news about Licab), Mga Sanaysay (featuring articles, and success stories being emailed to us by our kababayans).

And, finally, the comments portion in the articles are now enabled, so you can post your comments about the issue!

Of course, there are new members in our forums. Chat and talk with us!

See you at http://www.licab.net/.

Friday, May 29, 2009

Licab, May Kaso Na Ng Swine Flu?

Mainit na mainit na balita pa.

Talk of the town daw ngayon na may kaso ng Influenza A (H1N1) Virus na nakita sa isang balik-bayang umuwi sa Licab kamakailan galing sa US.

Hindi pa kumpirmado kung totoo ang balita ngunit mainam na patuloy tayong maging malinis sa ating mga katawan, maging malinis sa kapaligiran, at laging uminom ng vitamins at kumain ng pagkaing may tamang nutrisyon.

Basahin ang article na ito para sa ilan pang tips upang makaiwas sa sakit.

Coincidence naman na ang kaso ng biktima ng Swine flu ay namataan sa may Pugad Baboy sa Poblacion Sur (hindi joke yan!).

Sana ay patuloy na maging alerto ang ating mga Health Officials sa bayan ng Licab. Gayundin ay magbigay sana ng kaukulang aksiyon ang mga lider ng ating bayan.

Idalangin natin ang kaligtasan at mabuting kalusugan ng ating mga mamamayan.

Thursday, May 28, 2009

Jucier, Tastier, Better Than Ever!

Nakita mo na ba ang New Improved LICAB Website?

Maraming salamat muna sa mga kababayan natin na nagpapadala ng articles, pictures, at suggestions para patuloy na gumanda ang website natin.

Hindi mo na kailangang bumiyahe para lang makita ang bagong mukha ng Munisipyo ng Licab. Maganda, Malinis at Maayos. I-click ang link na ito para makita ang larawan.

Inirerekomenda ko ring basahin natin ang article na pinadala ng isa nating kababayan. Ang Munting Pangarap ay nagpapakita ng katotohanan na bawat isa, mahirap man o mayaman ay kayang makamit ang pangarap at maging matagumpay sa buhay.

Labing-apat na ang nag-register sa ating Forum. May balita akong natanggap- may Grand Alumni Homecoming (yata) sa next year sa Licab. Abangan ang mga balita tungkol diyan sa ating FORUM.

Kilala mo ba si Mao Tse Tsung ng Licab? Eh si Full Moon? Si Bebeng ****? Alam mo ba ang masarap na ka-partner ng buro?

Sino sina Tony, Ding Gat, Oryx, Meanne, Ryan, Stingrae, Joy, Cristy, Lars, Lot, Mapumi, Orek, Reynaldyq, at Seeno? Kilalanin at makipag balitaan sa ating Forum!

Magregister ka na para makasali sa kwentuhan at pagbabalik-tanaw sa bayan ng Licab.

Tuesday, May 26, 2009

Ang Selyo, Si Oryx, Si Sisterhood, atbp.


Have you ever wondered kung ano ang ibig sabihin ng Selyo ng Bayan ng Licab?


It's about time for us to know!



I-click ang link na ito: LICAB upang malaman!


Abangan ang isang bagong article na ipinadala ni kabayang Oryx sa mga susunod na update ng ating website.



Napapanood ninyo ba ang advertisement ni Mayor Binay tungkol sa Makati? Naisip ninyo rin ba na, "Sana, ganito rin sa Licab?"



Posibleng mangyari, kabayan, dahil alam ninyo bang mayroon tayong tinatawag na Makati-Licab Sisterhood? Abangan ang updates ng balitang iyan sa: www.licab.net !!!



Lahat ng 'yan atbp, iisa-isahin nating tutukan at abangan.



Maligaya



Maunlad



Masaya



Yan ang Makati Licab!

Wednesday, May 20, 2009

Handa Ka Ba Kay Kalakian?

Isa itong initiative na ito sa talagang maipagmamapuri natin kay Mayor Willy- ang pagkakaroon ng Kariton Festival sa ating bayan.


Inaasahang taun-taon ay gaganapin na nga itong Kariton Festival (na ayon sa balita ay one of a kind, at kauna-unahan pa sa Pilipinas). At tunay nga namang nakakatuwa dahil dito nabibigyan nang atensiyon ang alagang katuwang natin sa pagsasaka-ang Kalabaw.

Layunin nang Festival na ito na alalahanin din ang malaking kontribusyong ibinigay, partikular ng Kariton, sa istorya ng bayang Licab, kung saan, ayon sa kuwento, ay ginamit daw ni Don Dalmacio Esguerra ang Kariton sa kanilang pagpunta at pagka-diskubre sa bayan ng Licab. Hanggang sa ngayon, patuloy pa ring ginagamit ang Kariton bilang mode of transportation ng ating mga magsasaka.

(basahin ang kumpletong kwento tungkol sa Kariton Festival sa Licab.net)


Nakakatuwa, nakakaaliw pagmasdan ang mga Kalabaw at Kariton na sadyang binihisan upang ipagmalaki sa buong bayan.

Kailan lang ay nakabasa rin ako ng isang parada na katulad nito, ang Carabao Festival sa Pulilan, Bulacan.

Ang nakakagulat, may isang kalabaw na nag-amok, nanggulo sa kasayahan, at nanira nang kung anu-anong bagay.

Makikita sa larawan kung paanong nagkagulo ang mga mamamayan na nanonood sana sa parada:



(photo credits: Sidetrip)

Nai-dokumentaryo ni GMA News Documentarist Howie Severino ang buong pangyayari at nai-feature pa ang balitang ito sa 24 Oras. Maaaring mapanood ang video nito sa blog ni Howie. Gayundin, sa Mayhem in May, inilahad naman ni Howie ang iba pang pangyayari tungkol sa kasiyahang nauwi sa kaguluhan.

--------------------

Sana ay magsilbing paalala ang mga ganitong pangyayari sa Pulilan, lalo na sa Organizers ng Kariton Festival sa Licab.

Nag-uumpisa pa lang tayo sa ating programa, at kagaya ng nabanggit ko na, malamang ay maging taun-taon ang kasiyahang ganito sa ating bayan.

Pero magkaroon din tayo ng sistema upang maiwasan ang mga ganitong trahedya. Mainam na iyong handa tayo, kaysa sa magsisihan kung dumating ang problema.

Tuesday, May 19, 2009

Knock, Knock, Who's There?

Bumalik tayo sa panahon kung saan ang mga babae ay nagpapahabaan ng buhok, habang ang mga lalake naman ay nagpapalakihan ng manggas at kuwelyo ng polo.

Mahuhulaan mo ba kung sino ang binatang nakatayo sa kanan?


I click ito para makita ang larawan.


Upang makakita nang ilan pang larawan ng ating mga kababayan, bumisita sa Licab.net at tingnan ang "Mga Larawan".

Sunday, May 17, 2009

Getting Better

We have now had the time to update our LICAB website.

As promised on my previous post,

Reynaldyq's new article, Sa Isang Sulok ng Puso, is now featured. Please click >>>here to view.



Right now, we have three existing features in our website (found on the top left portion)

Choose:

HOME to read and view the articles.

KWENTUHAN to go to the forum site and chat with our kababayans. Remember to register so that you can join the discussions.

MGA LARAWAN to view pictures of the Prominent (and the not so prominent) people of Licab. You may email us at: licabblog@gmail.com if you want to share photos about Licab.

Always visit LICAB. Website ng Bayan. Website Natin.

Saturday, May 16, 2009

Licabblog Updates

The past week have been a little busy for us, dahil nga inaayos namin iyong bagong site na licab.net. Kaya pasensiya po kung medyo hindi ako nakapaglagay ng mga bagong posts dito sa Licabblog.

Anyway, things are getting better as we have now launched our new website, including of course, our Kwentuhan/Forum. Marami-rami na ring nagregister, and the responses are positive, because this will be an avenue for us, Licabbens, to get to know and interact with one another. We hope you will find time na ipamalita sa ating mga kababayan itong ating Licab site at ang Kwentuhan/Forum. The more, the merrier, ika nga.

Kasalukuyan pa rin po naming pinapaganda ang Licab.net, so please continue to bear with us.

UP NOW: you will get to know about the 1st Kariton Festival held during the 115th Foundation Day of Licab on March 28, 2009, as narrated by Lot.

Also, makikita rin sa Licab.net ang history ng Licab. At kung hindi mo kilala kung sino si Don Dalmacio Esguerra, aba, eh, simulan mo nang magbasa.

Nai-feature din namin doon iyong full article ni Ding Gat tungkol sa makasaysayan niyang pagbarog ng Doggy para gawing kaldereta.


UP LATER:

Abangan ang isa na namang magandang article na ipinadala ni Reynaldyq!

Abangan din ang gallery of pictures nang mga tiga-Licab.


OF COURSE, patuloy tayong dumalaw at makipagkwentuhan sa Forum natin.

Lahat nang iyan, nasa bagong Licab website!

Friday, May 15, 2009

Lipat-Bahay

BATARES.

Parang kapag may bayanihan lang, hane?

Sama-sama, tulung-tulong na nagbubuhat ang mga magkaka-baryo. At pagkatapos, may libreng pa-merienda o pa-tanghalian ang nagpa batares.

Nakakatuwa. Ilang taon din siguro bago ko ulit narinig at nabanggit ang salitang batares. Kadalasan kasi, may mga salitang sadyang sa isang lokal/bayan/probinsiya mo lang madalas marinig.

--------------------

Naglilipat ako ngayon ng mga posts, blogs and articles mula rito sa Licabblog papunta sa Licab.net.

Isa sa mga unang inilapat ko eh yung post ni abay Ding Gat tungkol sa Dekada Sisenta. At gaya nang naipangako ko sa maraming emails na natatanggap ko araw-araw, ipo-post ko po ang mga artikulo ninyo doon sa bagong bahay natin.

At dahil nga nagpapabatares ako ngayon, sama-sama po tayong bumisita sa ating bagong bahay at basahin ang artikulo ni Ding.

Kung may pa batares, may pagkain ding nakahain.

Basahin ang KALDERETANG DOGGY recipe ni Ding Gatmaitan sa Licab.net.

100% Lutong Licab!

Thursday, May 14, 2009

Bagong Bahay

Katulad ng naipangako ng Licabblog, mayroon na tayong bagong Website!

Exclusive para sa mga tiga-Licab, dahil IBA tayo!

Kasalukuyan pang inaayos ang website kaya kakaunti pa lang ang laman nito. Ngunit ikinagagalak naming sabihin na marami itong mas maayos na features, katulad ng mga articles, blogs, gallery of pictures, polls, at forum.


Importante ang forum. Dito kasi tayo nagkakaroon ng mas malayang kwentuhan. Kaya naman hindi tayo papayag na wala ito sa bagong website natin. Paano sumali sa forum? Madaling-madali lang! Kailangan mo lang mag-register! Ihanda ang username, email address, at password at mag-register na!




Kung nais dumalaw sa ating Bagong Bahay, i-click ito: LICAB



Kung nais sumali sa forum: i-click ito: KWENTUHAN



O Paano? Kitakits!

Tuesday, May 12, 2009

Mr. & Ms. Licab 1967

Mahuhulaan mo ba kung sino ang mga nasa larawan?


Presenting, the Mr. & Ms. Licab of 1967!



Ang makakahula, may libreng chocnut!

Friday, May 8, 2009

Dekada Sisenta Kasama Ang Barkada

-------------------------
Mukhang nagkakalabasan na ng mga masasayang ala-ala tungkol sa Licab.

Narito ang 1st part sa 2-part article na ipinadala sa akin ni Ding Gatmaitan tungkol sa nakakaaliw na kwento nang Dekada Sisenta kasama ang Barkada at ang makasaysayang paghuli sa kanilang National Food.

-Licabblog
-------------------------

Dekada Sisenta Kasama Ang Barkada
Ding Gatmaitan


Naaalala kong bigla ang Circa 1966.

At ang Kalederetang doggy.

Alam nyo, ang pinaka exciting sa pagluluto ng doggy eh ang paghuli sa aso kasi hindi naman nabibili sa tindahan yan, at usually, yung ibinibigay na doggy eh yung nangangagat!!!

Kaya ang pagsilo ang pinaka-enjoy. Andiyan na yung masabit ka sa barb wire, madapa, mapitik ng sanga, at maghabulan sa pitak ng bukid. At kung swerte ka, eh makakagat ka pa!

Matapos mahuli, eh magja-jak en poy kayo kung sino ang babarog. Pagkatapos eh sisilaban ang aso sa ginikan at kikiskisin ng walis tingting na ginamit sa banyo. Habang sinisilaban eh sige na kayo sa paghiwa sa balat, sawsaw sa suka at sili, at presto! May kalpukan na maski may dugo pa.

Nagtataka nga ako at wala naman nagkasakit sa amin.

Pero sa totoo lang, mga 1966, 3rd yr high school ako, naninilo lang kami ng doggy sa lansangan, ang matatabang doggy ay nandoon sa bangbangkag. Hehehe.

Hindii puwede manilo sa hulo, kasi kay Antong puko na lahat ang doggy doon (utol ni Ado). Hindi rin pwede sa luwasan, dahil ikaw naman ang babangagin doon.

Ang tagayan namin noon ay sa likod ni Gudiang, yung present police station ngayon. May malaking puno ng acacia doon (buhay pa yata ang puno hanggang ngayon).

Alam ninyo ngayon ko lang natanto- The reason pala kaya nakatalaksan ang cases of beer noon, ay kasi, yung buong konsumo ninyo for the night eh bibilhin nyo na, Kasi after 5pm, sarado na lahat ang tindahan. The same with ice, bili na kayo ng isang bloke kay Karia, lagay lahat sa balde, minsan kasama pa ang ipa!

Diyan ko rin nalaman, lagyan mo ng plastic ng sigarilyo ang balde para mawala ang bula.

Diyan ko rin nalaman paano mandaya sa inom! Kasi isang baso lang ang pangtagay. Pag marami kayo, dalawang baso, counter-ikot yung isa. However, pag naubusan ng yelo, kain ka na ng Halls candy para malamig ang beer.

Kalderetang doggy- our national food. ang cook namin nuon ay si Bongbong Carlos na anak ni sarding.

Ang motto namin: "'Di baleng sumuka, wag lang uuwi".

--------------------
Si Ding Gatmaitan ay naka-based sa Davao at paminsan-minsang umuuwi sa Licab upang bumisita sa pamilya at barkada.

Sa susunod na post, malalaman natin ang special Kalderetang Recipe ni Ding at ng kanyang Barkada- Lutong Licab, para sa mga tiga-Licab!

Abangan!




++++++++++
NOTE: This blog, does not, in any way, encourage people to eat Dog meat, due to the recent studies and news that tend to imply diseases caused by eating such. The article was written and posted in order to describe the writer's personal account of his childhood in his hometown.
-Licabblog
++++++++++

Thursday, May 7, 2009

Bulanglang















Isa sa mga pangkaraniwan ngunit masarap at masustansiyang Lutong Licab ang Bulanglang. Kundangan kasi eh, kadalasang nakikita lang at nakatanim sa likod-bahay ng mga tiga-Licab ang mga sangkap sa pagluluto ng Bulanglang.

Simulan na ang pagluluto!


--------------------

Ingredients:


2 tablespoons oil
½ cup pork (thinly sliced)
1 head of garlic (minced)
1 onion (minced)
3 pieces tomatoes (diced)
2 tablespoons bagoong alamang
1 cup squash (peeled and cubed)
1-bundle string beans (cut to 2″)
1 ampalaya (cut to 1″)
2 pieces eggplant (cut to 1″)
1 bunch pepper (labuyo) leaves

Pour off all but 2 tbsp. of oil in skillet. Saute Pork, garlic, onions and tomato in oil. Add bagoong and water. Let come to a boil.

Add squash, string green beans and ampalaya in that order.

Cover, lower heat to moderate and cook 6 to 8 minutes or until vegetables are done.

Add pepper (labuyo) leaves, remove from heat, cover and let stand for about 5 minutes before serving.

-source: pinoyrecipe.net

--------------------

Dagdag: Perfect na perfect ang bulanglang kung may ka-partner na piniritong tilapia.

Lutong Licab

Likas na mahilig sa pagluluto (at siyempre, sa pagkain!) ang Pinoy. At kung pagluluto rin lamang ang pag-uusapan, patatalo ba naman ang mga tiga-Licab?

Mapa-fiesta, pasko, bagong-taon, birthday, o simpleng tanghalian at merienda, naipakikita ng mga tiga-Licab ang makulay na kultura sa pagluluto ng kung anu-anong putahe.

Kaya dito sa Licabblog, hindi natin maaaring palampasin ang mga lutong sadyang espesyal ang pagkakagawa para sa sikmurang Licabben.

Kung kayo po ay may natatagong hilig sa pagluluto at mayroon kayong mga recipe na nais ninyong ilathala dito sa Licabblog, maaari pong mag email sa: licabblog@gmail.com .

Upang makita naman ang listahan ng mga recipe na nailathala na, paki-click ang:

Lutong Licab

na matatagpuan sa TAGS sa kanang bahagi ng website.

Ano pa'ng hinihintay mo? Maghinaw ka na ng kamay at tayo'y kakain na!

Wednesday, May 6, 2009

Isang Sulyap Sa Nakaraan

--------------------------
First, a big thank you to all of you who are finding time to contribute your articles, stories, and even pictures about Licab.

Today, I am posting another article sent to me by one of our kababayans.

-Licabblog
-------------------------


Isang kwento ng Pakikibaka
Ni Reynaldyq


Parang hindi na sanay ang aking mga kamay na sumulat ng sanaysay-ng mga pakikibaka sa buhay, ng mga samut-saring alalahaning gumugulo sa isipan, mga buhol-buhol na buntonghininga’t hinagpis ng mga nagdaang araw. Pero ayos lang. Basta nabanggit ang LICAB, parang ipu-ipong bumabalik ang kahapon. May saya’t lungkot, may kirot sa dibdib, may pitik ng pag-asa, at may haplos ng pagmamahal.



Kinse anyos ako ng iwan ang bayang Licab. Para sa akin, parang walang anuman. Ano ba naman kasi ang maipagmamalaki ko sa bayang kinagisnan? Maputik kapag tag-ulan, may libreng pulbos kapag tag-araw. Uso pa noon ang kareta, karitela, at kalabaw. Mabagal ang pag-usad ng pag-unlad.

Para sa akin, mas masaya sa siyudad. Maraming tricycle, maraming mapupuntahan.

Kaya madalas, sermon ang inaabot ko kay tatay. Bakit daw napakadalang kong umuwi ng Licab. Ayaw kong sumagot dahil bawal sumagot sa ama. Hindi tamang isaboses ang nararamdaman, lalo pa’t alam kong may masasaktan.

Pero sa loob-loob ko, wala naman akong mapapala kapag madalas akong umuwi. Baku-bako ang daan, mahaba ang biyahe at maalikabok –kaya nga dapat ang pangalan ng bayan natin-LIKABOK. Haaaay.

Isa pa, kapag tag-araw, malayo ang lalakarin mo para umigib ng tubig. Natutuyuan kasi ang mga poso ng tubig. Ang nangyayari, pupunta kayo sa patubig para mag-igib, dala-dala ang mga balde, timba, galon ng mantika at kahit ano pang sisidlan. Haaay na naman.


Gayunpaman, may gintong aral din naman akong natutuhan sa pamamalagi ko sa Licab. Malapit kami sa Diyos, malapit sa simbahan. Naalala ko pa si Ate Dahlia Ventura- siya ang nagturo sa amin na laging magpunta sa Simbahan. May choir noon na binubuo ng kabataan. Matiyaga niya kaming ginagabayan at sinusubaybayan. Usong-uso noon ang Christmas tableau at mga palabas tuwing mahal na araw.


Ngayon, malayo na ang daang aking tinahak. Malayo na rin ang narating ng ating mga kababayan.

Iba na rin ang tanawin sa Licab. Maayos na ang mga kalye, at higit sa lahat may gripo na ang mga bahayan. May daloy na ng tubig sa kabayanan.

Sa pagpasok mo sa Licab, masasamyo mo ang hanging amihan- ang mga butil ng palay na kumakaway, nanghahalina, at nagsasabing- may pag-asa pa. May kinabukasan pa.

Dito sa ibang bansa, lalo mong mami-miss ang manirahan sa Licab. Wala kasi ditong gatas ng kalabaw, inihaw na hito at bulig, bulanglang , bagoong at tuyo. Miss ko na rin ang arroz-de –valenciana ni Nanay.

Sa pag-uwi ko sa Pilipinas, Licab ang una kong pupuntahan.



-Dr. Reynaldo Quilon is currently working at Bahrain Defense Force as Trainor of the American Language Course. He also teaches in AMA International University –Bahrain as a graduate Professor.

Forum #2: Iboboto Ko Si _____________________


Kung papipiliin ako ng taong gusto kong tumakbo sa Licab sa darating na 2010 elections, iboboto ko si ______________________ dahil _________________.


Make your vote count!


Click here to cast your nomination

Sunday, May 3, 2009

2010 Na! Licab, Handa KNB?

Isa sa pinakamaliit na bayan ng Nueva Ecija ang Licab. Binubuo ng 11 barangays (San Casimiro, San Cristobal, Poblacion Norte, Poblacion Sur, San Juan, Sta. Maria, Bubon, Brgy. Aquino, Linao, Tabing Ilog at Villarosa), masasabing simple lamang ang pamumuhay ng mga mamamayan. Katulad ng ibang bayan sa Nueva Ecija, pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ng mga mamamayan. Umiikot halos ang buhay sa pagtatanim at pag-aani.

Pero kapag panahon ng eleksiyon, animo'y biglang nabubuhay ang buong bayan. Panay-panay ang pagdirikit ng mga poster ni konsehal ganito at ni mayoralty candidate na ganoon. Kabi-kabila ang miting de avance. Umiikot ang mga sasakyang walang tigil sa pagpapatugtog ng mga jingle ni kandidatong ganoon at kandidatong ganire.

At dahil halos isang taon na lang ay eleksiyon na naman, paniguradong magsisimula na naman ang makulay na kampanyahan at kasiyahan(at minsa'y awayan) sa buong Licab.

Kung nakasentro man ang mata ng buong bayan sa mga kandidato, wag sanang kalimutan ng mga mamamayan na sila, tayo ang siyang pinaka-importanteng personalidad pagdating ng halalan sapagkat sa ating mga boto nakasalalay ang kahihinatnan ng bayan sa susunod na tatlong taon. Kung sino ang pipiliin natin ay siya ang magpapatakbo ng liderato ng pamahalaan ng bayan.

Nasa ating mga botante ang susi ng ikatatagumpay ng bayan.

Pumili at bumoto ng wasto.

Para sa bayan.

Para sa ating mga mamamayan.

Wednesday, April 29, 2009

Piktyur! Piktryur!

Our kababayan, Mr. Pet Ramos, would like to share photos about his homecoming in Licab on November 2008. He is currently based in the United States.

The photos constitute the Manggahan Resort (owned by Mayor Willy Domingo), the Licab Municipal Hall, a visit to the Catholic Church, etc.

We weren't able to grab the pictures, so we are sharing the link for all of us to see.



Enjoy!

Tuesday, April 28, 2009

Bulok Sa Licab














Bulok Sa Licab
ni Alvin Gino Bautista

--------------------

Naalala ko noong ako ay nag-aaral pa lang sa Cabanatuan , sa ganitong panahon, magkahalong tuwa at inis ang aking nararamdaman.

Tuwa dahil anihan na naman at para akong hari pag nakasakay sa pampublikong sasakyan habang dumaraan ito sa kalsadang nalalatagan ng mga gintong butil ng palay. Inis dahil sa makati sa balat ang gilik mula dito. Pero ayos lang naman, hindi naman ito madalas, at isang paligo lang ang katapat.

Ngunit kamakailan lang ay umuwi ako ng Licab mula sa Maynila. Lungkot ang aking naramdaman at tila isang bangunguot ang aking nakita. Para pa rin akong isang hari ngunit ngayo'y nagbibyahe sa umaalingasaw na singaw mula sa mga nabubulok na butil ng palay, ang iba sa mga ito tinubuan na ng ugat, ngunit ibinibilad pa rin ng mga pobreng magsasaka sa pag-asang mabibili pa kahit sa murang halaga.

Kawawa naman ang mga kababayan ko, hindi napaghandaan ang biglaang pagbabago ng panahon. Wala naman silang masisi dahil kahit mga eksperto ay hindi maipaliwanag ang kasalukuyang lagay ng klima sa bansa.

Malamang ay sa mura nang halaga mabibili ang mga palay na ito. Masakit mang isipin pero baka tanggihan na din ito ng ibang mamimili dahil siguradong lalasa na sa bigas ang amoy at kulay nito.

Nakakalungkot pero hindi ko alam kung papano makakatulong. Sa ngayon ay amoy na amoy ang baho sa Licab.

Panginoon, Kayo na po ang bahala sa mga taong nagdadanas ng pagkalugi ngayon, nawa'y hawakan Ninyo sila sa kanilang mga kamay at bigyan ng malaking pag-asa para harapin ang susunod na sakahan.

Licab… Sinusubok ka ng panahon, ipakita mong isa kang matatag at handang suungin ang ano mang pagsubok na dumadating sa iyong buhay…

--------------------------------

Si Alvin Gino Bautista ay tubong Sta. Maria, Licab, Nueva Ecija. Kung nais makipag-ugnayan, maaaring mag-email sa: zachary_ajie@yahoo.com.

Maaari ring basahin ang iba pa niyang mga katha sa: Living Stain.

--------------------------------

Forum #1: My Licab Experience

(Masyadong limitado po ang blogspot, kaya hindi (pa) ako makapag-add ng official forum site ng Licabblog. Anyway, sabi nga sa atin noong elementary days natin, "Habang maigsi ang kumot, matuto kang mamaluktot". Kung ano ang meron, pagtiyagaan.)

Narito ang simpleng sistema:

Magbibigay tayo ng tanong o kaya ay topic, pagkatapos ay pwede tayong maglagay ng comments, additional information, balitaktakan, o opinyon sa pamamagitan ng pag-click sa COMMENTS button na nasa ibaba ng post.


Para sa unang topic:



WHAT IS MY LICAB EXPERIENCE?



-mga bagay na naaalala ko kapag napag-usapan ang tungkol sa Licab. maaaring tungkol sa mga experience mo noong kabataan mo, tungkol sa pag-aaral sa central, o sa sta. maria, sa saint; pwedeng tungkol sa first love mong nakatira sa tabing palige, etc.



Share your thoughts, comment now!

Click here to post your comment.

Friday, April 24, 2009

Positibong Pananaw sa Licab

----------------------------------------
Nais ko pong ilathala ang isang personal email na ipinadala sa akin ni Seeno Kah, isa sa mga kababayan nating taga-Licab, noong April 22, 2009.

Ang email ay nagpapakita ng positibong pananaw para sa bayan ng Licab.

Kung nais makipag-ugnayan kay Seeno Kah, maaari kayong mag email sa :
seenokah@gmail.com


-licabblog
---------------------------------------


POSITIBONG PANANAW SA LICAB
by: Seeno Kah


Kumusta po kayo diyan?

Aking ninais na makita na sana ay maging postibo ang pananaw ng mga taga Licab.

Ang mga unang bahagi ng aking buhay ay sa Licab uminog at napagtanto ko na bilang itinuturing na pinakamaliit na bayan at siguro pianakamahirap ay maikukumpara bilang Pilipinas sa sambayanan ng Mundo.

Ang kanyang mamamayan ang siyang magbabangon sa kanya sa ganitong kalagayan upang maging maunlad. Huwag nating payagan na hatakin tayo ng takot sa mga negatibong sasabihin ng iba, ang ikaw ay mabansagan ng kung ano ano na nakapangpapahina ng loob, ay ikaw ay isang maging abunas na dahil sa galing mong magsalita at sikat ka sa tumpukan, at ito ang nangyari sa mahabang panahon na nakikita at naoobserbahan ng isang bata na sa bata niyang isipan ay nais niyang higitan pa at ang resulta ay pabababa ng pababa ang ating pangkalahatang kalagayan.

Nagpapasalamat ako sa isang katulad mo at alam kong marami pang iba na nagnanais na mapaunlad ang ating bayan. Simulan natin sa ating mga kabataan sa ating mga paaralan. Ang ano mang dapat simulan na programa ay simulan sa Daycare, Kinder-Grade 6, at ang mas mateknolohiyang programa ay sa Grade 5-4th year HS.

Maganda po ang Fruit Basket Program ni Mayor Willy Domingo at naniniwala ako na sa pamamagitan ng mabuting pamamahala ang lahat ay maisasakatuparan at nawa po ito'y maging simula ng mas marami pang mga programa.

Paumanhin sa po sa inyo ngunit oras po ang aking kalaban. Hatid ng aking dalangin sa nawa ay pagpalain po kayo ng may kapal kasama ng inyong samabahayan.

Makapagdetalye po sana ako ng iba sa inyo at maraming salamat po, hanga po ako sa inyo.

Thursday, April 16, 2009

Iba Pang Kwentong Licab

(continuation ito nang nauna kong post tungkol sa pagbabalik-bayan ko sa licab)

• Umpisa na nang gapasan/anihan ng palay kaya asahang magilik ang mga kalsada. Yayaman na naman si Liweng!

• Sobrang init sa Licab. Bakit kaya? Dapat siguro magkaroon ng initiative ang mga barangay na magtanim ng mga puno para kahit paano ay makabawas sa init ng panahon.

• Bakit nga pala basta na lang parang isinantabi yung bantayog ni Rizal doon sa munisipyo? Naalala ko, noong mga bata pa kami eh si Rizal ang nakagitna doon sa munisipyo. Pero dahil nga sumikat na si Don Dalmacio, eh si Don Dalmacio na ang nakabilad sa araw sa harap ng munisipyo. Si Rizal? Ayun, sumilong sa lilim ng atip ng munisipyo.

• In fairness, talaga namang naging maayos ang Licab Municipal Hall. Maganda! Maganda!

• Sayang at tinanggal na yung mga banners na nakapalibot sa kalsada.

• Ano ba'ng nangyari sa tradisyon ng mga katoliko at bigla atang naging Sabado ng gabi ang Salubong?

• Tuloy ang ligaya ng mga kubrador ng jueteng. May bago palang tawag-STL (Small Town Lottery)

--------------------

+++ Nakikiramay ang Licabblog sa pamilya Dela Cruz sa pagkamatay ni Angel +++

Wednesday, April 15, 2009

NEECO Does Not Satisfy

Akala siguro ng mga tiga-Licab eh Nag Earth Hour na naman.

Kagabi, nalaman ko sa text ni Mama na brown out daw sa amin sa Licab kaya hindi niya alam yung balita tungkol sa pagkakabaril sa asawa ng newscaster na si Ted Failon.

Alas-onse kinabukasan na nang magkaroon ulit ng kuryente.
Eh sino ba naman ang hindi maiinis? Maliban sa hindi ka malalaman ang nangyayari sa Pilipinas, hindi mo rin mapapanood ang mga paboritong teleserye na araw-araw mong inaabangan dahil sa magdamag na pesteng brown out. Idagdag mo pa na summertime ngayon at napakahirap matulog kung walang electric fan o aircon.

Pwede na rin sanang palagpasin kung napakabihirang mangyari na mawalan ng kuryente. Pero kasi, bata pa lang ako eh ganyan na ang serbisyo ng NEECO II (Nueva Ecija Electric Cooperative, Inc.) sa bayan ng Licab.

Lagi nga naming biruan- "siguro eh humangin na naman ng banayad kaya biglang may nadiskaril na kawad ng kuryente".


Katunayan, sabi ngang pabiro ni Mama sa text: "Umulan kasi ng konti kahapon :)"

May lagi pa akong naririnig na reklamo tungkol sa NEECO. Ang sabi kasi sa kwentuhan, madalas silang nagpapatay ng kuryente kapag malapit na ang deadline ng bayaran. Na para bang sinasadya nilang putulin ang serbisyo para paalalahanan ang mga residente na magbayad.

With due respect, mukhang napakamali naman yata ng ganitong klaseng proseso. Hindi naman tayo mga uncivilized para gawan ng mga ganyang klaseng pamamaraan, na kailangan pang putulin ang serbisyo para lang i-remind ang mga tao na magbayad ng serbisyo ninyo.


NEECO, paki ayos naman po ang serbisyo.

Tuesday, April 14, 2009

Onwards To A Fruitful Municipality

(an update on the previous blog post re: Licab being eyed as the Fruit Basket of Nueva Ecija)

--------------------
NE to launch ‘Fruit Basket’ project
Magtanggol C. Vilar
for CENTRAL LUZON DAILY


The 11 barangays of this 4th-class municipality are girding for the launching of the town’s ambitious project, “Fruit Basket of Nueva Ecija.”

The project launching has been set to coincide with the celebration of the town’s 115th Foundation Day on March 28, with a lecture and seminar on fruit tree production with mango and pomelo as the principal products for promotion and propagation in the 11 barangays here.

The project, said Mayor Willy Domingo, is intended to establish for this town a continuing fruit tree industry and permanent means of livelihood for the residents. The affair hopes to have Agriculture Secretary Arthur Yap as the main guest and speaker so he could gauge the needs, hopes, visions, and aspirations of a small town aiming to grow big and looked up to as a solution to the mounting food problems of the country.

The underlying principle behind it all, Domingo said, is that he wants to erase the image of this town as a former “killing fields” during its political heydays. “Those dark days are past. I want my town to be remembered for something productive, fruitful,” he added.

Another highlight of the affair is a lecture/seminar on the proper propagation and culture of seedlings of fruit trees as mango, pomelo, citrus such as calamansi and oranges, rambutan, durian to be undertaken by Dr. Bernardo O. Dizon, more popularly known as “Ka Bernie” to fruit tree fanciers. There will also be ilang-ilang trees to line up the road leading to the town.

Licab gained 4th-class category in the past year during the administration of Domingo, who said the secret for this achievement was simple implementation of the revenue collection efforts which all reverted to the town coffers. He added that the increased revenues were used in supporting the various livelihood projects of the town which consequently produced a domino-effect with the projects earning incomes beyond their expectation.

According to Domingo, the various livelihood projects he had lined up for implementation within his term of office until July 2010, and their visible effects on the economy have served to attract local investments and citizen participation.

The project, the first of its kind in the province, is also intended to serve as a tourism come-on and serve as an eco-tourism destination. With the income to be derived from the above projects, Domingo expects to raise the category of his town to “First Class” within the next three years, when the expected fruiting period of the plantings shall have been reached.

Already, Mayor Domingo’s various innovative approach towards agri-aqua ventures in the town are slowly expanding the town’s independence from the national government budget strings or support for their local agri-business ventures. Domingo has also arrived at a scheme by which the farmers here may reap their palay crop, deposit them to the municipal warehouse, receive an initial amount for his harvest until he is satisfied with a good price for his total harvest then liquidate his entire holdings.

“It takes a little time to make the people believe in the changes I am trying to put up for them, but they are learning, albeit slowly,” Domingo said. “By way of locally devised uncomplicated schemes of gaining credit and utilizing it for greater productivity, we could accumulate our own sufficient funding for local development and livelihood projects. Everybody happy,” Domingo rationalized.

--------------------

We do hope that significant changes shall finally come on our beloved town.

Monday, April 6, 2009

Pinoy Holy Week

Semana Santa, the Filipino's observance of Holy Week, showcases the centuries-old tradition of the crucifixion, death, and the resurrection of Jesus Christ.

Days before the Holy Week, townfolks who belong to the catholic sect setup the Senakulo where the "Pabasa" is being held. Pabasa is a Filipino tradition of singing/reading the long passion of the Christ, which is based on the Catholic bible.

Villagefolks participate by taking turns singing the "pasyon", while others are given the task to provide merienda and or lunch/dinner for the singers.

During Good Fridays, youth and church leaders usually conduct a play or drama to re-enact the suffering of Christ from Getshemane to his crucifixion.


While the others observe penitence through abstinence of food and praying, some conduct their penitence by punishing themselves, either by carrying a cross or by whipping themselves while parading in the streets. This is what the townfolks say, the "Penitensiya".

These people believe that their sins are forgiven after they have suffered from their penitence.


siyetehan describes yet another form of penitence, and that is through the actual nailing of the hands and feet on the cross, to re-enact what Christ has done in calvary.
This has become sensational, that many local and foreign tourists, come every year in a village in San Fernando, Pampanga to witness the real-life nailing on the cross.


(read more >>>here)


While more people are more observant about the activities on Maundy Thursday and Good Friday, may we not forget the important significance of Easter Sunday.

Easter Sunday marks the resurrection of Christ, as the bible says, that on the third day after crucifixion, Jesus Christ rose from death and lives again.

This is the essence of the Holy Week- that our God has sacrificed His own son, Jesus Christ, to die at the cross of calvary for our sins and transgression. But His mission didn't end. On the third day, He rose again, that those who believe in Him and in what He has done on the cross might live and have everlasting life.


Tuesday, March 31, 2009

Balik-bayan

Narito ang ilan sa mga kaalaman, kwento at tsismis na nasagap ko sa aking pagbabalik-bayan sa Licab.



• Mula sa pagiging 5th class municipality, umakyat na (raw) ang Licab at naging 4th class municipality na. Nakakapag-contribute na kasi tayo ng mas mataas na tax. Apparently, may mga ilang mamamayan naman ang medyo sumama ata ang loob kung bakit ang maliit na mga sari-sari store eh kinukuhanan din ng buwis.

• Speaking of taxes, nabalitaan ko rin na kumukulekta na rin ng buwis (bente pesos?) sa bawat isang alagang livestock. Halimbawa, kung mayroon kang alagang limang kambing, may pataw itong buwis na 100 pesos. Pero barangay lamang naman yata ang kumukolekta nito, at hindi ko alam kung ipinapatupad ito sa labing-isang barangay ng Licab.

• Yung dating masukal na daanan ng tubig sa may kanto ni dating Mayor Tommy Villaroman at yung pang susunod na kanto sa may kapilya ay naayos na at pwede nang daanan papuntang Pugad Baboy. Madilim nga lang pag gabi dahil parang wala pang mga poste ng kuryente.

• Nagulat ako nang makita ko yung anak ng isang bakery owner. Nung huli ko kasing makita ang batang iyon, eh, kamukhang kamukha ng tatay niya. Aba'y ngayon, kamukhang kamukha na ng nanay nya! Bakit ka bumigay, ading?

• Nalaman kong ang tawag ng isang kubrador ng jueteng sa Spaghetti ay "Spaketi".

• Pwede rin palang tawaging "Pilhelp" ang "Philhealth".

• Hindi pala fiesta ng Licab noong March 28 & 29. 115 Foundation Day pala.

• Si Rico J. Puno daw ang main guest noong last night sa Plaza. Kasama rin yata si Julia Clarete at si Jimmy Santos.

• Katulad ng naipangako (ang sabi pa nga yata eh, "hindi ito pangako; ito ay isang sumpa!"), naipa-konkreto na ang daan ng mga taga-sta.maria. Pero hanggang sta. maria lang. tumigil ang konkretong daan sa mismong boundary ng sta. maria at san juan. E bakit ba kasi? Eh sa mga taga sta. maria lang naman nanumpa? Hintayin ninyong mangako sa mga tiga san juan!

• Sampung piso ang pasahe sa tricycle-malayo o malapit.

• Nalaman kong hindi ka dapat makipag-break sa boyfriend mo kung sasakay ka ng karosa. Maaari kasing manggulo ang boyfriend mo habang ipinaparada ang beauty mo. Baka magka-demandahan pa.

• Dumarami ang tao sa isang lamayan sa may parteng san juan. Lalung lalo na kung oras na ng pamumudmod ng merienda.

• Tinatawag ding Sanghuwan ang San Juan.

• Walang tindang Coke si Piwa. Virgin Cola ang tinda nila.

• Dumating din noong Foundation day si SASY, o si Agriculture Secretary Arthur S. Yap, para sa ground-breaking ceremony ng imbakan ng tubig sa may tulay papuntang sta. maria.

• Kasali rin sa pagdiriwang sa plaza sila Edno Joson at Edward Joson.

• May mga tumataya pa rin sa sakla at sa beto-beto.

• Katulad ng inaasahan, nagkalat na rin sa plaza ang mga tindang pirated dvd, pirated chargers at pirated t-shirts ni francis m.

(marami pang ibang kwento.... abangan!)

Monday, March 30, 2009

Parada ng Karosa

Pumailanlang na sa ulap ang mga kwitis.
Naririnig na ang tunog ng banda ng musiko.
Nagkalipumpunan na ang mga tao sa kalsada.




Umpisa na ng parada!
Syempre, hindi mawawala ang banda ng musiko sa unahan ng parada, suot ang mga makukulay na kasuotan habang patuloy sa pagbuga ng hangin sa mga torotot at walang humpay na paghampas sa mga tambol.



Kaway, pate, kaway!




Kung nagpapagandahan ang mga muse at escorts na nakasakay sa kani-kanyang sasakyan, iba't iba rin ang bihis at gayak ng mga karosa.







Ang nakadilaw na si chabelita habang tigas ang pagkaway sa mga taong nanonood ng parada.


Eto naman eh, hindi mo malaman kung parada ng karosa, o float na kasali sa Metro Manila Film Festival.



Kayganda lang ng ngiti ni Ateng, habang ang mga bata'y animo umiindak ng tinikling. Matutuwa sa inyo si BF. Pink kung pink!



Panahon pa ni Cory, ginagamit na rin ang hand tractor sa mga karosa. Pangkaraniwan na ang mga hand tractor sa Licab dahil sa mga normal na araw, ginagamit din ito sa bukid.


Presenting the Lowered Karosa....
(Kaya hindi pwedeng dalhin at iikot ang karosa sa buong Licab eh. Baka bumalaho ito sa Ablang pag nagkataon.)








Aba'y ke gwapong bata nire!
Hinteka muna, parang kamukha ata ni Tata Asyong ang damuho.




Hulaan: Ito ba ay karosa? O sasakyan ng Poon?







Sa gitna ng mga parada, nakigulo si Dora The Explorer.




Eto ang malupet. Nang dahil sa pagod at inip, inumpisahan ng lantakan ni ineng ang mangga.









Yan naman ang "da moves"! Ke higpit ng pagkakahapit ni Binatang tareng sa bewang ni Dalaginding oh!




Nagbabago rin pala ang panahon.

Kung dati-rati'y tigmak ng mga artificial flowers na gawa sa papel de hapon at manila paper ang dekorasyon sa mga karosa, ngayon eh gumagamit na rin sila ng mga fresh flowers.

Dati ay tri-bike at top down tricycle at owner ang mga ginagamit na sasakyan. Ngayon eh mga pick up at elf na ang gamit.

Dati ay pinagtityagaan lang na isulat kamay ang mga pangalan ng konsorte at musa sa mga cartolina, ngayon nama'y gumagamit na ng tarpaulin. At may mga pictures pa!


Gayunman, nakatutuwang isipin na ginagawa pa rin ang mga ganitong nakalakihang tradisyon sa ating bayan. Sa pamamagitan kasi nito'y naibabahagi natin ang mga makaluma ngunit mayaman na kulturang Pilipino.