Wednesday, May 20, 2009

Handa Ka Ba Kay Kalakian?

Isa itong initiative na ito sa talagang maipagmamapuri natin kay Mayor Willy- ang pagkakaroon ng Kariton Festival sa ating bayan.


Inaasahang taun-taon ay gaganapin na nga itong Kariton Festival (na ayon sa balita ay one of a kind, at kauna-unahan pa sa Pilipinas). At tunay nga namang nakakatuwa dahil dito nabibigyan nang atensiyon ang alagang katuwang natin sa pagsasaka-ang Kalabaw.

Layunin nang Festival na ito na alalahanin din ang malaking kontribusyong ibinigay, partikular ng Kariton, sa istorya ng bayang Licab, kung saan, ayon sa kuwento, ay ginamit daw ni Don Dalmacio Esguerra ang Kariton sa kanilang pagpunta at pagka-diskubre sa bayan ng Licab. Hanggang sa ngayon, patuloy pa ring ginagamit ang Kariton bilang mode of transportation ng ating mga magsasaka.

(basahin ang kumpletong kwento tungkol sa Kariton Festival sa Licab.net)


Nakakatuwa, nakakaaliw pagmasdan ang mga Kalabaw at Kariton na sadyang binihisan upang ipagmalaki sa buong bayan.

Kailan lang ay nakabasa rin ako ng isang parada na katulad nito, ang Carabao Festival sa Pulilan, Bulacan.

Ang nakakagulat, may isang kalabaw na nag-amok, nanggulo sa kasayahan, at nanira nang kung anu-anong bagay.

Makikita sa larawan kung paanong nagkagulo ang mga mamamayan na nanonood sana sa parada:



(photo credits: Sidetrip)

Nai-dokumentaryo ni GMA News Documentarist Howie Severino ang buong pangyayari at nai-feature pa ang balitang ito sa 24 Oras. Maaaring mapanood ang video nito sa blog ni Howie. Gayundin, sa Mayhem in May, inilahad naman ni Howie ang iba pang pangyayari tungkol sa kasiyahang nauwi sa kaguluhan.

--------------------

Sana ay magsilbing paalala ang mga ganitong pangyayari sa Pulilan, lalo na sa Organizers ng Kariton Festival sa Licab.

Nag-uumpisa pa lang tayo sa ating programa, at kagaya ng nabanggit ko na, malamang ay maging taun-taon ang kasiyahang ganito sa ating bayan.

Pero magkaroon din tayo ng sistema upang maiwasan ang mga ganitong trahedya. Mainam na iyong handa tayo, kaysa sa magsisihan kung dumating ang problema.

1 comment:

  1. Enjoyed the Pulilan Kalabaw Festival! So unique from other fiesta I have been to, kalabaw there are so cool!

    ReplyDelete