Isa sa pinakamaliit na bayan ng Nueva Ecija ang Licab. Binubuo ng 11 barangays (San Casimiro, San Cristobal, Poblacion Norte, Poblacion Sur, San Juan, Sta. Maria, Bubon, Brgy. Aquino, Linao, Tabing Ilog at Villarosa), masasabing simple lamang ang pamumuhay ng mga mamamayan. Katulad ng ibang bayan sa Nueva Ecija, pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ng mga mamamayan. Umiikot halos ang buhay sa pagtatanim at pag-aani.
Pero kapag panahon ng eleksiyon, animo'y biglang nabubuhay ang buong bayan. Panay-panay ang pagdirikit ng mga poster ni konsehal ganito at ni mayoralty candidate na ganoon. Kabi-kabila ang miting de avance. Umiikot ang mga sasakyang walang tigil sa pagpapatugtog ng mga jingle ni kandidatong ganoon at kandidatong ganire.
At dahil halos isang taon na lang ay eleksiyon na naman, paniguradong magsisimula na naman ang makulay na kampanyahan at kasiyahan(at minsa'y awayan) sa buong Licab.
Kung nakasentro man ang mata ng buong bayan sa mga kandidato, wag sanang kalimutan ng mga mamamayan na sila, tayo ang siyang pinaka-importanteng personalidad pagdating ng halalan sapagkat sa ating mga boto nakasalalay ang kahihinatnan ng bayan sa susunod na tatlong taon. Kung sino ang pipiliin natin ay siya ang magpapatakbo ng liderato ng pamahalaan ng bayan.
Nasa ating mga botante ang susi ng ikatatagumpay ng bayan.
Pumili at bumoto ng wasto.
Para sa bayan.
Para sa ating mga mamamayan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
kung sino man po ang gustong magpaendorse saken, tiyak ang panalo... joke joke joke!
ReplyDeletealvin, sino ang manok mo sa sta. maria?
ReplyDelete:D
kasali na ba ang mga kapitan? hindi pa ata db, hanggang Mayor lang muna...
ReplyDeleteif meron man, si kuya Eddie Agustin kaya gusto...
libre na ung site ko! hehehe!
mahirap patakbuhin ang ayaw tumakbo. hehe.
ReplyDeletewala yatang balak tumakbo si kuyang eddie