-------------------------
Mukhang nagkakalabasan na ng mga masasayang ala-ala tungkol sa Licab.
Narito ang 1st part sa 2-part article na ipinadala sa akin ni Ding Gatmaitan tungkol sa nakakaaliw na kwento nang Dekada Sisenta kasama ang Barkada at ang makasaysayang paghuli sa kanilang National Food.
-Licabblog
-------------------------
Dekada Sisenta Kasama Ang Barkada
Ding Gatmaitan
Naaalala kong bigla ang Circa 1966.
At ang Kalederetang doggy.
Alam nyo, ang pinaka exciting sa pagluluto ng doggy eh ang paghuli sa aso kasi hindi naman nabibili sa tindahan yan, at usually, yung ibinibigay na doggy eh yung nangangagat!!!
Kaya ang pagsilo ang pinaka-enjoy. Andiyan na yung masabit ka sa barb wire, madapa, mapitik ng sanga, at maghabulan sa pitak ng bukid. At kung swerte ka, eh makakagat ka pa!
Matapos mahuli, eh magja-jak en poy kayo kung sino ang babarog. Pagkatapos eh sisilaban ang aso sa ginikan at kikiskisin ng walis tingting na ginamit sa banyo. Habang sinisilaban eh sige na kayo sa paghiwa sa balat, sawsaw sa suka at sili, at presto! May kalpukan na maski may dugo pa.
Nagtataka nga ako at wala naman nagkasakit sa amin.
Pero sa totoo lang, mga 1966, 3rd yr high school ako, naninilo lang kami ng doggy sa lansangan, ang matatabang doggy ay nandoon sa bangbangkag. Hehehe.
Hindii puwede manilo sa hulo, kasi kay Antong puko na lahat ang doggy doon (utol ni Ado). Hindi rin pwede sa luwasan, dahil ikaw naman ang babangagin doon.
Ang tagayan namin noon ay sa likod ni Gudiang, yung present police station ngayon. May malaking puno ng acacia doon (buhay pa yata ang puno hanggang ngayon).
Alam ninyo ngayon ko lang natanto- The reason pala kaya nakatalaksan ang cases of beer noon, ay kasi, yung buong konsumo ninyo for the night eh bibilhin nyo na, Kasi after 5pm, sarado na lahat ang tindahan. The same with ice, bili na kayo ng isang bloke kay Karia, lagay lahat sa balde, minsan kasama pa ang ipa!
Diyan ko rin nalaman, lagyan mo ng plastic ng sigarilyo ang balde para mawala ang bula.
Diyan ko rin nalaman paano mandaya sa inom! Kasi isang baso lang ang pangtagay. Pag marami kayo, dalawang baso, counter-ikot yung isa. However, pag naubusan ng yelo, kain ka na ng Halls candy para malamig ang beer.
Kalderetang doggy- our national food. ang cook namin nuon ay si Bongbong Carlos na anak ni sarding.
Ang motto namin: "'Di baleng sumuka, wag lang uuwi".
--------------------
Si Ding Gatmaitan ay naka-based sa Davao at paminsan-minsang umuuwi sa Licab upang bumisita sa pamilya at barkada.
Sa susunod na post, malalaman natin ang special Kalderetang Recipe ni Ding at ng kanyang Barkada- Lutong Licab, para sa mga tiga-Licab!
Abangan!
++++++++++
NOTE: This blog, does not, in any way, encourage people to eat Dog meat, due to the recent studies and news that tend to imply diseases caused by eating such. The article was written and posted in order to describe the writer's personal account of his childhood in his hometown.
-Licabblog
++++++++++
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Masaya ang dekada ninyo buo pa ang mga kabataang licab nuon, ngayon ano na ba ang takbo ng samahan?
ReplyDeleteWant to know more about some licab history? I came upon some legal cases that mention about licab from 1910-1966. just type each GR no. on the search. very enlightening
ReplyDelete1. G.R. No.L-35241
2. G.R. No.L-29893
3. " " " L-8904-5
4. " " " L-8871
5. " " " L-32056
6. " " " L_36199
anonymous:
ReplyDeletesalamat sa mga link na iyan. that must have been very interesting specially sa mga kababayan nating kilala ang ilan sa mga pangalang nabanggit sa mga kuwentong iyan.
daan lang lagi sa licabblog :D
sa gr no.l-36199, lumalabas na taga ablang si gen. manuel tinio, heneral ng katipunan, bayani ng himagsikan. ka apo apohan nila ang mga castro. saan kaya bahay nila sa licab? ang alam ko si epifanio delos santos ay taga licab din. mabuhay tayong mga taga licab!
ReplyDelete