Likas na mahilig sa pagluluto (at siyempre, sa pagkain!) ang Pinoy. At kung pagluluto rin lamang ang pag-uusapan, patatalo ba naman ang mga tiga-Licab?
Mapa-fiesta, pasko, bagong-taon, birthday, o simpleng tanghalian at merienda, naipakikita ng mga tiga-Licab ang makulay na kultura sa pagluluto ng kung anu-anong putahe.
Kaya dito sa Licabblog, hindi natin maaaring palampasin ang mga lutong sadyang espesyal ang pagkakagawa para sa sikmurang Licabben.
Kung kayo po ay may natatagong hilig sa pagluluto at mayroon kayong mga recipe na nais ninyong ilathala dito sa Licabblog, maaari pong mag email sa: licabblog@gmail.com .
Upang makita naman ang listahan ng mga recipe na nailathala na, paki-click ang:
Lutong Licab
na matatagpuan sa TAGS sa kanang bahagi ng website.
Ano pa'ng hinihintay mo? Maghinaw ka na ng kamay at tayo'y kakain na!
Thursday, May 7, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
yung mga may recipe ng licab paki share naman po
ReplyDeleteBaka naman may nakakaalam ng mga sumusunod, yung sariling istilo at sikreto.
ReplyDeletetupig,empanada, istopadong pata. at papaano inilalagay yung matamis na may gata sa ibabaw ng bibingkang kanin?