Pero nakatutuwang isipin, at minsa'y nakamamangha, kung bakit maraming sikat na pulitiko ang sumasadya sa bayang ito. Magtataka ka, A town so small matters big to national political figures, and so they visit our town.
Taun-taon, tuwing undas, nakikita ko si former Senator, and now, Manila Hotel President Joey Lina. Sa public cemetery kasi ng Licab nakahimlay ang tatay niyang si Jose "Pepe" Lina. Dahil dito, madalas din sa Licab si Albert Lina ng Fedex.
High School ako, kasasagsagan ng kampanyahan nang gulatin ni Mayoralty Candidate Teddy Ilagan ang Licab. Naidala niya kasi sa Licab ang noo'y Presidential candidate na si Alfredo "Fred" Lim (ngayo'y Mayor ng Maynila). At panigurado, mapa- Teddy Ilagan o mapa-Noli Co, lumabas nang bahay para umabot at kumamay kay Fred Lim.
Natalo si Fred Lim.
Natalo rin si Teddy Ilagan.
Anyway.........
Kung nagulat ang Licab kay Fred Lim, nagulantang naman ang mga mamamayan nang dalawin sila ni Presidente Erap Estrada. Who would not be charmed by Erap, lalo na kapag nakita mo kung paano niya hapawin ang gatas ng kalabaw sa kanyang pinggan?
Indeed, Erap is one man for the masses.
2001, nagbago ang ihip nang pulitika sa buong Pilipinas. Na-impeached si Erap, naluklok si GMA, and the rest is history, ika nga. Nagbago man ang Political landscape sa bansa dahil sa pagkakatanggal ng ilan at pagkakaluklok nang mga bagong lider, nagpatuloy pa rin ang takbo ng buhay sa Licab.
Natapos ang term ni Mayor Noli Co, kasabay nang pagtatapos ng 3-terms ni Edo Agustin bilang konsehal, at nailuklok sa pwesto si Mayor Willy Domingo.
Natapos ang term ni Mayor Noli Co, kasabay nang pagtatapos ng 3-terms ni Edo Agustin bilang konsehal, at nailuklok sa pwesto si Mayor Willy Domingo.
Nitong 2008, binisita naman ni Mayor Jojo Binay ng Makati ang Licab, at balitang tuwang-tuwa pa nga si Mayor sa pagsakay sa karitelang hila-hila ng kalabaw. Alongside, nai-deklara bilang Sister-town ng Makati ang Licab. At kung anuman ang benepisyo nito para sa mga Licab ay hindi ko alam (may discount ba tayo sa mga sinehan sa Makati?). Basta ang alam ko, nakilala si Mayor Binay sa Licab at sa iba pang rural areas-balita kasing planong tumakbo ni Binay sa mas mataas na posisyon ngayong 2010 (Aaaah... kaya naman pala!).
Hindi ko nabalitaan ito, pero nakita ko lang sa website ni Senator Jinggoy Estrada na nagpunta pala sila ni Dra. Loi sa Licab para mag-conduct ng Medical-Dental Missions. Heto ang dalawa sa mga pictures na napagtiyagaan kong hanapin:
(si Konsehala Myrna Paez ba yung katabi ni Jinggoy? Tsaka si Nene ba 'yung isang nakatayo sa likod?)
(Kung hindi ako nagkakamali, sa Manggahan Resort kuha ang picture na ito. Far behind ay makikita si Mayor Willy. Identified ko rin si Kuya Ambet Liquiran, Konsehal Audi Sawit, Konsehala Myrna Paez at yung nakaupo sa harapan, si Kapitan Alex Ramos)
On with the topic: A Town So Small, bakit sila dumadalaw? Do they intend to help the town? Do they give assistance to small towns to make it progressive?
On with the topic: A Town So Small, bakit sila dumadalaw? Do they intend to help the town? Do they give assistance to small towns to make it progressive?
But if that is what they give, bakit nananatili tayong maliit? Bakit nananatili tayo sa rank na 5th class municipality?
Baka may kailangan tayong baguhin.Baka may kailangan tayong gawin.
+++++++++++++++++++++++++++++
(Bakit nga kaya sa tinagal-tagal nang pananatili ng mga kano sa Pilipinas ay hindi naging progresibo ang bansa?)
waw..taga NE ka din pala..hehe..miss ko na ang nueva ecija grbeh..pero di pa ako nakakapunta ng licab..sa cab kami :)
ReplyDeletepugadmaya, salamat po sa pagdalaw sa licabblog.
ReplyDeletesana ay dumalaw ka rin sa licab. :D
aba binisita ka pala ng maya, ang ganda ng post na ito talagang mapapaisip ka. kaso hinanap ko si Arthur Yap hindi ko yata nabasa, pati ung sexbomb at champoy... lolz...
ReplyDeleteang ganda, the best!
nakarating din ba si arthur yap? ang alam ko kasi, nag back out sya sa pagpunta noong kasagsagan ng rice shortage. pero hindi ko sure kung natuloy siyang pumunta.
ReplyDeleteyung sexbomb, hintayin natin, baka bumalik sa piyesta.
aaawwww!!!!
nyahaha aq tg licab,mssv ko a town that was so small pero so scarry din, meron nnmn bng pinaty jan? las tym n nbalitaan ko is yun vet.n bumibili smin try nyo pasukin licab,kakaiba kmi nga n tg jan takot lumbas s gv xe prng manok lng pg my nptay jan, mrmi npatay pero ni isa wala n solve, and 1 thing maganda n ngayon an kalsada h 2nd term ni noli co bgo napaayos kasi nkabili n xa ng kotse non hehehe
ReplyDeleteyung katabi ni sen jinggoy ay mga guro ng aking Alma Matter San Cristobal High School now Exiquel Lina High School na sina Mrs. Norma Miguel, Enriqueta Gragasin, Nerissa Caraang, Edna Miguel Novena and proud ako kasi kami ang unang batch na graduate sa new building ng San Cristobal High School na located sa main road.
ReplyDelete