Wednesday, April 15, 2009

NEECO Does Not Satisfy

Akala siguro ng mga tiga-Licab eh Nag Earth Hour na naman.

Kagabi, nalaman ko sa text ni Mama na brown out daw sa amin sa Licab kaya hindi niya alam yung balita tungkol sa pagkakabaril sa asawa ng newscaster na si Ted Failon.

Alas-onse kinabukasan na nang magkaroon ulit ng kuryente.
Eh sino ba naman ang hindi maiinis? Maliban sa hindi ka malalaman ang nangyayari sa Pilipinas, hindi mo rin mapapanood ang mga paboritong teleserye na araw-araw mong inaabangan dahil sa magdamag na pesteng brown out. Idagdag mo pa na summertime ngayon at napakahirap matulog kung walang electric fan o aircon.

Pwede na rin sanang palagpasin kung napakabihirang mangyari na mawalan ng kuryente. Pero kasi, bata pa lang ako eh ganyan na ang serbisyo ng NEECO II (Nueva Ecija Electric Cooperative, Inc.) sa bayan ng Licab.

Lagi nga naming biruan- "siguro eh humangin na naman ng banayad kaya biglang may nadiskaril na kawad ng kuryente".


Katunayan, sabi ngang pabiro ni Mama sa text: "Umulan kasi ng konti kahapon :)"

May lagi pa akong naririnig na reklamo tungkol sa NEECO. Ang sabi kasi sa kwentuhan, madalas silang nagpapatay ng kuryente kapag malapit na ang deadline ng bayaran. Na para bang sinasadya nilang putulin ang serbisyo para paalalahanan ang mga residente na magbayad.

With due respect, mukhang napakamali naman yata ng ganitong klaseng proseso. Hindi naman tayo mga uncivilized para gawan ng mga ganyang klaseng pamamaraan, na kailangan pang putulin ang serbisyo para lang i-remind ang mga tao na magbayad ng serbisyo ninyo.


NEECO, paki ayos naman po ang serbisyo.

6 comments:

  1. hindi totoo un. kasi katunayan tuwing mag papatay sila ng kuryente malaki ang nababawas sa kita nila... bawat minuto na tumatakbo ang kuryente pera ang pumapasok sa kanila.. kaya hanggat maari ayaw nila naiinterupt ang serbisyo..

    yun lang po...

    ReplyDelete
  2. kung hindi man totoo, napaka interesanteng malaman kung bakit naman natatapat na madalas mawalan ng kuryente kapag malapit na ang bayaran.

    :D

    ReplyDelete
  3. tnx bonistation. i am not pro neeco and not also connected with neeco. but, you're correct. every minute na mawalan ng serivce ang any establishment, business particularly, losses ang katapat. And bigyan din natin ng benefit of the doubt ang neeco. hindi kaya kung minsan kaya nagbrabrown out ay dahil sa dami ng illegal connections. Let us look at the brighter side naman. Anyway mas madalas naman may juryente kesa wala diba.? Member/consumer tayo ng neeco wala naman ibang elec distributor sa area natin so patronize mo na. diba . anyway, well being din ng consumer ang iniisip nun. saka if wlang current kahit din naman mga employees nila wala din ilaw sa bahay. isipin nalang ntin safety measures. rehabiliation program ang dapat lang paigtingin ng neeco ii inable them to give quality service at all times.

    ReplyDelete
  4. salamat, anonymous sa komento. tama ka, let us look into the brighter side. but i'm sorry i couldn't accept the reason na "anyway, mas madalas naman na may kuryente kesa wala".

    ReplyDelete
  5. Sakit lang ng ulo kung iisipin ninyong maigi ang dahilan ng madalas na walang kuryente. Bakit hindi natin hayaan ang alkalde ang mag-usisa ng diretso sa pamahalaan ng NEECO ng malaman natin ang kanilang panig. Hindi ba isa sa kanyang tungkulin iyon, maglingkod sa bayan.

    ReplyDelete
  6. neeco..... wala ko masabi kelan kaya magiging maayos ang serbisyo nila wala na ko magagawa kung mag brownout lagi baka nga naman talagang may malaking dahilan sila para sa ikabubuti ng serbisyo ng kuryente eh yung serbisyo nila sa opisina nila kelan kaya nila aayusin... pilipinas (neeco) sana ayusin nyo naman kelan tayo magbabago....

    ReplyDelete