Tuesday, April 28, 2009

Bulok Sa Licab














Bulok Sa Licab
ni Alvin Gino Bautista

--------------------

Naalala ko noong ako ay nag-aaral pa lang sa Cabanatuan , sa ganitong panahon, magkahalong tuwa at inis ang aking nararamdaman.

Tuwa dahil anihan na naman at para akong hari pag nakasakay sa pampublikong sasakyan habang dumaraan ito sa kalsadang nalalatagan ng mga gintong butil ng palay. Inis dahil sa makati sa balat ang gilik mula dito. Pero ayos lang naman, hindi naman ito madalas, at isang paligo lang ang katapat.

Ngunit kamakailan lang ay umuwi ako ng Licab mula sa Maynila. Lungkot ang aking naramdaman at tila isang bangunguot ang aking nakita. Para pa rin akong isang hari ngunit ngayo'y nagbibyahe sa umaalingasaw na singaw mula sa mga nabubulok na butil ng palay, ang iba sa mga ito tinubuan na ng ugat, ngunit ibinibilad pa rin ng mga pobreng magsasaka sa pag-asang mabibili pa kahit sa murang halaga.

Kawawa naman ang mga kababayan ko, hindi napaghandaan ang biglaang pagbabago ng panahon. Wala naman silang masisi dahil kahit mga eksperto ay hindi maipaliwanag ang kasalukuyang lagay ng klima sa bansa.

Malamang ay sa mura nang halaga mabibili ang mga palay na ito. Masakit mang isipin pero baka tanggihan na din ito ng ibang mamimili dahil siguradong lalasa na sa bigas ang amoy at kulay nito.

Nakakalungkot pero hindi ko alam kung papano makakatulong. Sa ngayon ay amoy na amoy ang baho sa Licab.

Panginoon, Kayo na po ang bahala sa mga taong nagdadanas ng pagkalugi ngayon, nawa'y hawakan Ninyo sila sa kanilang mga kamay at bigyan ng malaking pag-asa para harapin ang susunod na sakahan.

Licab… Sinusubok ka ng panahon, ipakita mong isa kang matatag at handang suungin ang ano mang pagsubok na dumadating sa iyong buhay…

--------------------------------

Si Alvin Gino Bautista ay tubong Sta. Maria, Licab, Nueva Ecija. Kung nais makipag-ugnayan, maaaring mag-email sa: zachary_ajie@yahoo.com.

Maaari ring basahin ang iba pa niyang mga katha sa: Living Stain.

--------------------------------

3 comments:

  1. alvin, bakit nga pala nangabasa ang mga palay? ano ba'ng naging problema?

    ReplyDelete
  2. saktong anihan sa bukid ng biglang bumuhos ang sunod sunod na mga ulans. hindi naman marahil naibigay ng PAG-ASA ang tamang lagay ng panahon kaya hindi napaghandaan ng mga magsasaka. luging lugi ang mga tao. tinatapon na lang ng iba yung mga palay na bulok kasi kahit baboy hindi talaga kakainin.

    ReplyDelete
  3. Kala ko pa naman ang mga nabubulok na ay yung mga basurang itinatapon sa mga sapa ng LiCAB.Nakung saan ang mga basurang ito ang unti-unting pumapatay sa ating mga sapa at sa mga may buhay na nakatira dito.

    ReplyDelete