(Masyadong limitado po ang blogspot, kaya hindi (pa) ako makapag-add ng official forum site ng Licabblog. Anyway, sabi nga sa atin noong elementary days natin, "Habang maigsi ang kumot, matuto kang mamaluktot". Kung ano ang meron, pagtiyagaan.)
Narito ang simpleng sistema:
Magbibigay tayo ng tanong o kaya ay topic, pagkatapos ay pwede tayong maglagay ng comments, additional information, balitaktakan, o opinyon sa pamamagitan ng pag-click sa COMMENTS button na nasa ibaba ng post.
Para sa unang topic:
WHAT IS MY LICAB EXPERIENCE?
-mga bagay na naaalala ko kapag napag-usapan ang tungkol sa Licab. maaaring tungkol sa mga experience mo noong kabataan mo, tungkol sa pag-aaral sa central, o sa sta. maria, sa saint; pwedeng tungkol sa first love mong nakatira sa tabing palige, etc.
Share your thoughts, comment now!
Click here to post your comment.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Kilala mo ba si Manika? Kung kilala mo si Manika, malamang ay naging teacher mo siya noong kinder.
ReplyDeletePero sayang at hindi ko siya naging teacher. Dahil noong nag-kinder ako, si Onya na ang teacher sa Kindergarten.
Sundan ko lang po ang tungkol sa titser, Si Lolo Iking(nagtuturo ng Katsismo) po ang naalala ko dahil yung turo niya na Ang Tanda ng Sta Cruz - ay ginagawa ko po hanggang sa ngayon tuwing ako ay aalis ng bahay at pasalamat ako dahil napatunayan kong ito'y napakabisa sa paghingi ng awa atpag iingat sa Diyos.
ReplyDeletelumang kaugalian na nga yan, seeno.
ReplyDeletepero sa tingin ko sa mga kabataan ngayon sa licab eh hindi na gaanong mindful sa patungkol sa relihiyon at pagkakilala sa Diyos. ewan ko lang rin :D
Yeheey panalo si Manny Paquiao pero pagka akyat niya sa ring lumuhod siya at nagdasal, pwede na sigurong ibahagi ang halimbawang ito sa mga kabataan natin, tapos eto pa yung naobserbahan ko,yung lola ng mga mayayamang bansa tulad ng america, canada, australia, new zealand ang UK pambasang awit nila ang pamagat ay God save the Queen, masunurin naman yung apo itinatak ng USA sa pera nila IN GOD WE TRUST, tapos ang canada sabi nila sa pambansang awit nila GOD keep our Land.
ReplyDeleteMay naitutulong nga kaya ang banal na pagkilala sa Diyos?
Fr. Ray Gaspar-tulong po sa paliwanag.
seeno:
ReplyDeletemalaki ang partisipasyon ng pagkakaroon ng malalim na pagkakilala sa Panginoon.
sabi nga sa Chronicles: If my people who are called by my name shall humble themselves and pray, and turn from their wicked ways, then will I hear from heaven and will heal their land.
si manika, naging mestra ko sya nung bata ako. kaso, nahuli nya kong nagsulat sa pader ng multi-purpose hall ng simbahan. simula noon, di na ko pumasok ulit. inilipat ako ng nanay ko kay mrs. bote.
ReplyDelete1st/2nd year ako sa Saint, si Father Nietes ang kura paroko noon. Ka batch ko sina Pepe Wong, Sozi Milan, Ado Gatmaitan, Te Perez, Josie Puno, Marilyn Manabat, Donat Dela Cruz, Evelyn dela Cruz....hmm kumusta na kaya sila....
ReplyDeleteTony, maraming salamat sa pagbisita sa Licabblog.
ReplyDeleteKilala ko ang ilan sa mga sinabi mo, nakikita ko pa sila sa Licab kapag umuuwi ako, sila kuya ado, at kuya donat. hindi ko alam kung yung josie puno eh yung naging asawa ni boy amoy?
Walang anuman, si Josie Puno ay anak ni Juaning Puno, hindi ako sigurado kung siya nga ang napangasawa ni Boy Amoy. At halos magkatapat lang ang bahay nila sa San Juan.
ReplyDeleteDadalasan ko ang pagbisita dito kasi miss ko na ang Licab.
Mungkahi ko lang para mas maraming makaalam ng site na ito subukan ninyong ilagay(ipintura) sa mga sasakyan bumibiyahe sa Licab. Anong palagay mo Mayor?
ReplyDeleteanonymous:
ReplyDeletesalamat sa pagbisita.
haha. sana nga, mabasa ni mayor itong mungkahi mo.
:D
keep on visiting
Diyan ako ipinanganak at nag-aral. Naging sakristan pa nga ako ni Father Nietes kasama ko si Ador dela Cruz, Dionisio Barayuga. Naging kaklase ko rin sina Donat at Evelyn dela Cruz (magpinsan yata sila). Nahinto kasi ako ng isang taon. Ang original kong mga ka batch ay sila Delia Mapa, Dodo Fronda, Irma Balibalita, Julieta Santos, Geronimo (Engket) Liquiran, Conrado (Ambal) Fajardo, Honorato Paez, Virgilio Sawit, Rey Danganan, Nap Ventura, Virgilio Alfaro, Rufino Simbulan, Ponciano Casiano, Greg and Presila Jimenez, Romualdo Balincongan, Dela Merced (I forgot the first name) Simplicio Lampa, Eufemia Ramos, etc. Ang teacher naman namin noon ay sila Mrs. Razon, Mrs. Tinio, Mr. Rosete, Mr. Gelilio, Ms. Gatmaitan at ang Principal ay si Mr. Gaspar yata (I'm not sure). Anyway, sino ako?
ReplyDeleteNaalala ko na ang 1st name ni dela Merced, si ANDO na muntik nang maging asawa ni Dodo....
ReplyDeleteasaan na si ador. si ando ba ay de la merced or dimaliwat. kapatid ba nya si ariel dela merced. nakita ko sya last year nag drive ng dump truck ng munisipyo,
ReplyDeleteanonymus, nakita mo ba ritrato ni ador sa. . . . ...Larawan
ReplyDeleteDing, dela Merced si Ando, kapatid siya ng may-ari ng Kono sa luwasan malapit sa simenteryo.
ReplyDeleteah oo, kapatid pala nya si kuya resting, kilala mo din pala si clarito at manny
ReplyDeleteding pag umuwi ka sa Licab kunan mo ng video kung pwede tapos post natin dito.
ReplyDeletecge, pag nakauwi ako, kunan ko ng video, isama ko ba ung pugad-baboy scandal hehehe
ReplyDeletenatatandaan ko pag tag ulan sa Licab laging bumabaha, masarap din ulam ay palaka, sa sampalok o ginisa sa kamatis na may ampalaya, ewan ko kung may ararawan pa nagaling sa bukid adobo sa kamatis.
ReplyDeleteoo, may ararawan pa, may daing na daga pa nga. nasubukan mo ba manghuli ng talangka sa pilapil,abot ung putik sa tenga mo!!! may ibon pa nga, abuhin, pula ang tuka, sarrrap adobo
ReplyDeleteahem, sino po si anonymous?
ReplyDelete:D
ding, baka pwede mong ikwento dito yung pugad baboy iskandal na yan? :D
di po pwde , baka ma charge ako ng "plagiarism", joke3, ask nyo lang ang mga tricycle sa licab, may copy sila!!! (suspens ba). Paano na nga ba iluto ang bibe.
ReplyDelete..batch 97..sana mabago na sistema ng pamumuhay ng taga licab..strive more harder pero walang kwenta.puro tiyaga..walang nilaga..masipag sana licabeno pero walang diskarte..puro sisihan..why dont we try something na kakaiba..like leaving the hometown ..but coming back home with happiness and success in life..hindi puro reminiscing about good old days..request lang po..para po ito sa bayan natin..hindi po balakid ang walang pampaaral..diskarte po para sa mga kabataan na may pangarap umasenso at umahon sa putik ng kahirapan sa ating mahal na licab..puro kayo inom,wala naman pambili,hingi kay nanay,kuha ng palay sa bodega itatakas kay tatay,ano yun joke?!mga ka tropa kong kabataan jan,oks lang ang inom pero kaya mo ba dalhin ang CONSEQUENCES na dala ng alak?proud ka ba na lasing ka? tapos basag-ulo? ulol! mahiya tayo sa mga parents natin..or kung ayaw kahit sa sarili natin..hirap yata manligaw ng pangit ang background?kung may isip ka,gagawa ka ng bagay na makakatulong sa yo,di nakakadagdag pogi ang alak at basag ulo!! mas pogi at mas maganda ang isang tao kung may hiya sa katawan..pogi points pag nanliligaw ka brod kung alam ng magulang ng girl na maayos ka,,in short tayong kabataan ng licab ang pag asa ng bagong imahe ng mahal nating bayang sinilangan.SAKSAK PO NATIN SA ISIPAN NG MGA KABATAAN SA LICAB NA AANHIN ANG PORMA KUNG WALA KA NAMANG PAMPORMA? PURO HINGI SA PARENTS!!TRY SOMETHING BROD!!PURO KAYO PORMA LA NAMAN PERA.HANGGANG PORMA NA LANG WALA NAMANG NG MARARATING KUNDI PURO KAYABANGAN!! MGA BROD BAGUHIN NATIN ANG OLD STIGMA SA LICAB!!GOOD LUCK SA MGA NAKAINTINDI,,SA MGA TANGA AT PURO YABANG ,,AANIHIN NYO DIN ANG MGA MALI NYO..
ReplyDeleteArgghhh! napakasakit kuya eddie, araw araw na lang puro lungkot at galit, pwde naman sana tumawa, makisaya, rumespeto, pero sabi nga masakit ang totoo, eddie magbago!
ReplyDeletearis, salamat sa pagbisita. i can see you have matured a lot, based on your thoughts about our youth.
ReplyDeleteone point, though, that there is nothing wrong with reminiscing "the good old days". as you may observe, karamihan ng mga nagkukwento about their past are "in their 40's or 50's". ( hi ding :D ).
layunin nang mga matatanda na maglahad ng kanilang mga experiences upang sa pamamagitan naman nito ay matuto "tayong" mga mas bata, at lalo na iyong mga kabataan na nakakabasa nito.
maraming salamat sa lahat nang patuloy na bumibisita at nagbibigay ng opinyon sa ating site.
welcome na welcome po kayo!
Fyi, si boy amoy ang naging wife ay si josie manabat. And boy amoy is dead, may he rest in peace.
ReplyDeletegusto ko lang pong ma-contact si leonardo "dodo" razon jr. anak sya ng dating teacher sa licab elementary school. kapatid sya ni gina at eunice razon. salamat po.
ReplyDeleteanonymous, kindly email me sa agustinjkg@yahoo.com.
ReplyDeletepilitin natin makahanap ng contact kay leonardo razon. mag email tayo for any updates.
naghihintay pa rin po... salamat
ReplyDeleteNasa malayo man at kahit sa ibang bansa malaki nagagawa ng website n ito para sa mga karanasan,batian at opinyon ng bawat isa.....
ReplyDeleteNa mi miss ko n po ang burong isda na nabibili nuon sa San Juan...
ReplyDeletehello po sa batch 87 ng Saint Christopher kung saan ako nag high school.....
kaso yung year book sana namin nuon eh na corrupt...
jglkjglkjkjuhuguh
ReplyDeletesa batch 87- alam mo naman kung sino ang ang nangyari sa year book mo- na carma na din yun mga official ns school na SCRHS-
ReplyDeletesa mga nag ko comment naman po sana po maging magalang naman po tayo sa pagbibigay ng comment-para di naman po nabababoy ang site na to-iwasan pa sana natin ang di magandang mga salita- sa pagsasalita po ay nasasalamin ang uri ng tao-kung ikaw ba ay uneducated or prof.or magyayabang lang..or sana breed na ng tao yan or sa invironment niya noong siya ay nasa licab..
ReplyDeletesa maga abusado--ang mga salita di maganda- tulad ng -- ulul-- saksak mo sa utak mo--tanga--tong mga salitang ito,pag binasa mo ang isang artikulo sa taas nito ay makikita mo ang mga words na to- i am very disappointed and upset reading this kind of words found above;now we know what kind of person you are?because of your language choosing ang using..;;;get lost
ReplyDeletesharing of good and bad experience in the past in this website is not the meaning of nagyayabang or walang breeding.... tinamaan siguro ang iba kaya ehemmmm.....as long as the bad words is not mentioned...ok lang....
ReplyDeletekaya nga ang title nito is "licab experience" para you can share your experience before....the problem is so many people before are really tuso that's why people will never forget that experience.dami kasing mapagsamantala....
ReplyDeletecorrect...everybody had bad experienced as well before so you cannot blame people if they want to share to us...their bad experience....nag yayabang at walang breeding paang wrong yata yon....maayos naman ang pagkakasulat....grow up.....
ReplyDeleteyahh!mahirap talaga yung nagmamalinis...ang sharing of experience in licab eh yung di puro maganda...at ok...bec we know in our heart n may pangit tayong experience din and bec of that we become strong and we tired our best to succed in life...
ReplyDeletealam nyo bacth 87 din ako and i remember about the year book na hanggang ngayon ay ni shadow wala...SCRHS---GISING PO!
ReplyDeleteKAHIT NAMAN PO SAAN MAY MGA MANLOLOKO...TAYO NAMAN EH NAGPALOKO....
ReplyDeletehi po sa lahat ng taga licab maganda po ang licab dyan din po ako halos nagbinata
ReplyDeletemarami po akong magagandang karanasan dyan sa licab dati po akong nakatira dyan, dyan po dati ang tambayan namin dyan sa may tulay sa river side hindi po ako taga dyan pero dyan apo ako nag binata dyan po kasi ang anti ko sa tabing paligi nandyan ang mga kabarkada ko na sila Pilo macatbag, Gil soriano musta na kaya sila ngayon matagal na akong hindi napapasyal ng licab naalala ko pa ang mga karanasan ko dyan pag tag araw namimitas ng monggo, pag tag anihan nakikigapas ako at nag girl frien din ako dyan matagal kaming mag on halos 7 years pero hindi nagkatuluyan sayang na mga ala ala kung kami sana nagkatuluyan eh sana lagi akong umuuwi ng licab
ReplyDelete