• Umpisa na nang gapasan/anihan ng palay kaya asahang magilik ang mga kalsada. Yayaman na naman si Liweng!
• Sobrang init sa Licab. Bakit kaya? Dapat siguro magkaroon ng initiative ang mga barangay na magtanim ng mga puno para kahit paano ay makabawas sa init ng panahon.
• Bakit nga pala basta na lang parang isinantabi yung bantayog ni Rizal doon sa munisipyo? Naalala ko, noong mga bata pa kami eh si Rizal ang nakagitna doon sa munisipyo. Pero dahil nga sumikat na si Don Dalmacio, eh si Don Dalmacio na ang nakabilad sa araw sa harap ng munisipyo. Si Rizal? Ayun, sumilong sa lilim ng atip ng munisipyo.
• In fairness, talaga namang naging maayos ang Licab Municipal Hall. Maganda! Maganda!
• Sayang at tinanggal na yung mga banners na nakapalibot sa kalsada.
• Ano ba'ng nangyari sa tradisyon ng mga katoliko at bigla atang naging Sabado ng gabi ang Salubong?
• Tuloy ang ligaya ng mga kubrador ng jueteng. May bago palang tawag-STL (Small Town Lottery)
--------------------
+++ Nakikiramay ang Licabblog sa pamilya Dela Cruz sa pagkamatay ni Angel +++
Ang problema sa koryente ay panahon pa ni Padolina, itanong mo kay Mang Sergio kung ano ang sagot sa problema.
ReplyDeleteKasama ang aking dalangin at pakikiramay sa pagkamatay ni Angel dela Cruz.
ReplyDeletepatay na si padolina, kawawa nga e, walang kuryente ang bahay nila ngayon. sino po ba si seeno?
ReplyDeleteSEENO: sino bang mang sergio? si sergio madrid ba?
ReplyDelete