Tuesday, March 31, 2009

Balik-bayan

Narito ang ilan sa mga kaalaman, kwento at tsismis na nasagap ko sa aking pagbabalik-bayan sa Licab.



• Mula sa pagiging 5th class municipality, umakyat na (raw) ang Licab at naging 4th class municipality na. Nakakapag-contribute na kasi tayo ng mas mataas na tax. Apparently, may mga ilang mamamayan naman ang medyo sumama ata ang loob kung bakit ang maliit na mga sari-sari store eh kinukuhanan din ng buwis.

• Speaking of taxes, nabalitaan ko rin na kumukulekta na rin ng buwis (bente pesos?) sa bawat isang alagang livestock. Halimbawa, kung mayroon kang alagang limang kambing, may pataw itong buwis na 100 pesos. Pero barangay lamang naman yata ang kumukolekta nito, at hindi ko alam kung ipinapatupad ito sa labing-isang barangay ng Licab.

• Yung dating masukal na daanan ng tubig sa may kanto ni dating Mayor Tommy Villaroman at yung pang susunod na kanto sa may kapilya ay naayos na at pwede nang daanan papuntang Pugad Baboy. Madilim nga lang pag gabi dahil parang wala pang mga poste ng kuryente.

• Nagulat ako nang makita ko yung anak ng isang bakery owner. Nung huli ko kasing makita ang batang iyon, eh, kamukhang kamukha ng tatay niya. Aba'y ngayon, kamukhang kamukha na ng nanay nya! Bakit ka bumigay, ading?

• Nalaman kong ang tawag ng isang kubrador ng jueteng sa Spaghetti ay "Spaketi".

• Pwede rin palang tawaging "Pilhelp" ang "Philhealth".

• Hindi pala fiesta ng Licab noong March 28 & 29. 115 Foundation Day pala.

• Si Rico J. Puno daw ang main guest noong last night sa Plaza. Kasama rin yata si Julia Clarete at si Jimmy Santos.

• Katulad ng naipangako (ang sabi pa nga yata eh, "hindi ito pangako; ito ay isang sumpa!"), naipa-konkreto na ang daan ng mga taga-sta.maria. Pero hanggang sta. maria lang. tumigil ang konkretong daan sa mismong boundary ng sta. maria at san juan. E bakit ba kasi? Eh sa mga taga sta. maria lang naman nanumpa? Hintayin ninyong mangako sa mga tiga san juan!

• Sampung piso ang pasahe sa tricycle-malayo o malapit.

• Nalaman kong hindi ka dapat makipag-break sa boyfriend mo kung sasakay ka ng karosa. Maaari kasing manggulo ang boyfriend mo habang ipinaparada ang beauty mo. Baka magka-demandahan pa.

• Dumarami ang tao sa isang lamayan sa may parteng san juan. Lalung lalo na kung oras na ng pamumudmod ng merienda.

• Tinatawag ding Sanghuwan ang San Juan.

• Walang tindang Coke si Piwa. Virgin Cola ang tinda nila.

• Dumating din noong Foundation day si SASY, o si Agriculture Secretary Arthur S. Yap, para sa ground-breaking ceremony ng imbakan ng tubig sa may tulay papuntang sta. maria.

• Kasali rin sa pagdiriwang sa plaza sila Edno Joson at Edward Joson.

• May mga tumataya pa rin sa sakla at sa beto-beto.

• Katulad ng inaasahan, nagkalat na rin sa plaza ang mga tindang pirated dvd, pirated chargers at pirated t-shirts ni francis m.

(marami pang ibang kwento.... abangan!)

1 comment:

  1. the best tawa ako ng tawa... more more more...

    livingstain

    ReplyDelete