Cezar G. Agustin, Public School Teacher
Sumakabilang-buhay na si "Sangko" Cezar noong Biyernes, March 27, 2009. He was 53 years old, at aktibo sa serbisyo bilang guro sa Sta. Maria Elementary School bago siya pumanaw.
Siya ay nakahimlay sa kanilang tahanan sa Sta. Maria, at ililibing sa Sabado, April 4, 2009, ganap na alas nueve ng umaga sa Sta. Maria Public Cemetery.
Ernesto "Boy Amoy" Villaroman
Pumanaw noon ding March 27, 2009, si "Boy Amoy", dating Konsehal ng Bayan ng Licab. Kasalukuyan siyang nakaburol sa kanilang ancestral residence sa San Juan, Licab, Nueva Ecija.
Isang taos pusong pakikiramay po mula sa Licabblog sa lahat ng naulila ng mga yumaong kababayan. Dalangin na bigyan kayo ng Diyos ng kalakasan at katatagan sa panahon ng inyong pagdadalamhati.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Si sir cesar natatandaan ko madalas nya akong pinapabasa sa science namen, madalas hinihila ang patilya ko, sayang wala na pala sya.
ReplyDeletemahilig syang gumawa ng daang tubig mula posa sa school hanggang makarating sa mga mumunting garden ng paaralan.
lagi din yang nagpapadala ng asarol, hindi ko makakalimutan, naggagambol kami gamit ang dalawang kamay, pero sya sobrang bilis gamit ang isang mahaaaaaaabang kamay nya (as in mahaba talaga).
hindi mo pa yan nakikita alam mong nanjan na, madali kasing malaman dahil nauuna pa sa kanya ang amoy ng pamada nya.
hay sir andaming natuto sayo, pano paalam na lang. MARAMI PONG SALAMAT!
kami namang mga dating estudyante mo ang magsasabi sayo ng....

"Sige, Sumige Ka!"
nakakatuwa naman. pero ika nga eh, lahat ng bagay ay may katapusan. salamat na lang at may mga ala alang naiiwan.
ReplyDeletesalamat sa mga magandang kwento.