Ano pa'ng hinihintay mo? Tara na sa plaza!
Narito ang ilan sa mga activities na pwede mong pagkaabalahan kapag piyesta sa Licab:
• Manood ng laban ng liga ng basketball. Maka-Sur ka ba o maka-San Juan? Kahit ano'ng team ang sinusuportahan mo, paniguradong mapapahagalpak ka sa tawa lalo na kapag may tumira nang kapos o may nabutata.
• Sumakay sa Jr. Ferris Wheel kasama ang boyfriend/girlfriend at magyakap kapag nasa ituktok na. Pre, pagkakataon mo na!
• Kung sadyang takot sa Ferris Wheel, pwede rin namang patusin ang Lindy Loop, ang Catterpillar o ang Horror Train. Siguraduhin lang na laging may barya sa bulsa kapag bibili na ng ticket. Maduduga kasi ang mga nagtitinda dahil kapag buo ang ibinayad mo, kendi o bubblegum ang isusukli sa'yo.
• Pwede ring tumaya sa bingo, beto-beto, o sakla. Paganahin ang kahusayan sa pagsu-shoot ng bente singko sa mga maliliit na kwadrado at manalo ng chichiryang sandamakmak ang betsin.
• Kung gusto nang mga mas adventurous na laro, subukan kung magaling kang tu-marget ng lobo o pumutok ng baril para patamaan ang mga tau-tauhan sa istante. Siguraduhin lang na magaling ka talaga dahil maraming kadalagahang nagmula pa sa ablang at bantug na maliit ang nakapalibot at nanonood sa'yo.
• Manood ng sarsuwela (malay mo, nandoon pala ang Porkchop Duo, si Palito, ang Aegis Band at ang paborito mong Sex Bomb Dancers... Aaaaaw!)
• Panoorin kung paanong magtikwasan ang mga balakang ng mga contestants sa Ms. Gay Beauty Pageant!
• Kung may Ms. Gay at sarsuwela, hindi mawawala ang Barangay Night. Dito mo makikita ang mga pinagpipitaganang musa ng bawat barangay. At malamang, may sayawan pa pagkatapos.
• Pwede ka ring mag ikut-ikot sa plaza kasama ang mga kaibigan. Magdala ng sapat na pera pambili ng balot, adobong mani, dilis, popcorn, day old, at de-bote.
• Higit sa anupaman, lalo na sa mga kababayang sumadya lang umuwi para makidalo sa pistahan, sikaping maglaan ng sapat na panahon para sa ating mga pamilya at mga mahal sa buhay.
(photo credits: Roldan Hilario)
Happy Fiesta mula sa Licabblog!
++++++++++++++++++++
Mayor Willy, darating ba si Jose at si Wally?
No comments:
Post a Comment