Thursday, January 29, 2009

Licab? Sa'n Yun?

'Licab? Sa'n 'yun?'

Hindi na bago sa akin kapag tinatanong ako ng ganyan.

Pag binanggit ko kasi kung tiga-saan ako o saan ang bayan na kinalakihan ko, sinasabi ko, 'sa Licab, Nueva Ecija'.

Laging may ibinabalik silang tanong- 'Licab? Sa'n 'yun?'

Lagi rin akong may nakahandang sagot- 'Dulong bayan yan ng Nueva Ecija-katabi na kami ng Tarlac. Kung pupunta ka sa amin galing sa Cabanatuan, kakaliwa ka sa Sicsican, Talavera. Tapos, dadaan ka sa Sto. Domingo at Quezon. Pag diniretso mo pa 'yun, Licab na.

Actually, hindi kataka-taka ang tanong na iyon lalo na kung ang mga magtatanong ay taga-Maynila. Kasi nga naman, kahit na iyong ibang taga Nueva Ecija nga eh, minsan, hindi pa alam kung nasaan ang Licab.

Nasa Internet naman ang Licab. Kumbaga, nakaguhit naman sa mapa. Pero nakakalungkot, sabi kasi sa wikipedia, 5th class municipality lang ang Licab. Gusto kong lokohin ang sarili ko para sabihing mataas pala ang ranggo ng bayan ko pero ito pala ang sinasabi ng internet:

Municipalities are divided into income classes according to their average annual income during the last three calendar years:

1st class P50,000,000 or more.
2nd class P40,000,000 or more but less than P50,000,000.
3rd class P30,000,000 or more but less than P40,000,000.
4th class P20,000,000 or more but less than P30,000,000.
5th class P10,000,000 or more but less than P20,000,000.
6th class Below P10,000,000


Kunsabagay, ang talang sinabi ng wikipedia ay noon pang taong 2000.

May pag-asa pa. At hindi kailanman mawawala iyon habang may mga taong patuloy na mananalig na may pagbabago pa ring magaganap para sa bayan ko. May pag-asa pa. Darating ang panahon, mababago rin ang mga katagang maririnig ko kapag sinabi kong tiga-Licab ako.

Kagaya rin nang pananalig na may pag-asa pa para sa Pilipinas.

Makikilala rin ang Licab bilang isang progresibong munisipalidad.

May pag-asa pa.




3 comments:

  1. yan naman ang gusto ko, huy usap tayo, may YM ka? ipakilala naten ang licab, kaya natin to. zachary_ajie08@yahoo.com

    salamat sa comment mo... hihintayin kita!

    ReplyDelete
  2. pinupuri kita pare, am glad may licabblog tau, sent u my email, lika chat tau, hey_ding

    ReplyDelete
  3. salamat po sa pagbisita, mga kabayan.

    ipagpaumanhin pong hindi ko matanggap ang mga requests for ym/chat dahil naka-block po dito sa opisina.

    livingstain, hinihintay ko yung post mo tungkol sa nangyari sa kapitan ng sta. maria, sana maipost mo.

    licabetc, big time pala kayo, mga pulitiko pala kainuman ninyo. hehe. iwasan ninyo na ang karne ng aso at medyo hindi masustansiya yan.

    ReplyDelete