Umuwi [Um•we]- o Homecoming sa Ingles. Bumalik sa pinagmulan o tirahan.
Kapansin-pansin na karamihan ng mga bumibisita sa licab blog at licab.net ay iyong mga hindi na talaga nakatira sa Licab- yung mga nasa abroad, nasa maynila, o iyong mga nag-migrate na sa iba't-ibang lugar.
Kaya nga isa sa mga layunin ng mga website na ito ay yung para magkaroon tayong lahat ng feeling na nasa Licab pa rin tayo- sa pamamagitan ng malayang kwentuhan ng mga nagaganap sa Licab, balitaan sa mga bagong kwento (at tsismis), kwentuhan ng mga experiences natin sa Licab, at magkaroon ng komunikasyon iyong mga taong matagal nang hindi nagkaka usap-usap. Dahil eka nga, ginagawang maliit ng internet ang dating malawak na mundo-
Kaya parang andun ka lang kila Aling Intang at humihigop ng sabaw habang nagsasawsaw ng okoy sa sukang me sile. O kaya eh, iniintay mong matusta yung isaw na iniihaw mo kila Mena.
Ano ang mga bagong usapin sa LICAB website?
• Featured sa ating website ang mga Ulirang Licabeño na pinarangalan noong nagdaang ika-115 Foundation Day ng Licab.
• Alamin ang balitang kaso ng Swine Flu sa Licab at ang mga latest advisories ng World Health Organization tungkol sa Pandemic Virus na ito.
• Licab at Makati, magkapatid? Basahin ang tungkol dito.
• Siyempre, dumarami na ang mga nagre-register sa ating Kwentuhan (Forum). Magpasensiya po dahil kinailangan naming i-moderate ang mga nagre-register dahil may mga spammers tayong nanggugulo at nagbebenta ng kung anu-ano. At kung hindi ka pa naka-register, aba, ano pa'ng hinihintay mo?!
• May mga bago tayong topics sa forum na pwede nating pag-usapan. Tungkol sa hayskul layp o elementary days natin sa Licab, tungkol sa pulitika at halalan sa 2010, etc, etc. Makialam! Magsalita! Makipag-kwentuhan! (Pwede ring mang abunas).
Abangan ang mga pictures na ipinadala ni Tony- pasensiya na at medyo mabagal mag upload sa site.
Abangan ang mga bagong articles.
At aabangan namin ang pag uwe ninyo sa LICAB.NET!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Sarap umwe, kasi may drama pag umu-umwe di ba? Pwedeng masaya at yung kabaligataran malungkot, nasa iyo na iyon hane, eka nga bahala ka na sa buhay mo kung papaano mo imamaneobra yung mag aabunas o mangangatiyaw sa iyo, basta pikon talo, sabi nitong kakilala ko ganuon ba talaga sa inyo hindi mo alam kung totoo o hindi ang sinasabi sa iyo, kasi ikaw eh ganuon ang porma mukha kang tanga pero meron naman palang ib ubuga, eh kase nga tanga Licab
ReplyDeleteDami na po kami gusto umwe, pwede sana lagay kayo ng pics yung landscape sa Licab, anyaya ko rin po yung mga nasa abroad, USA(conc.)-New York, California,New Jersey, Chicago,Penn,Boston,Seatle, Canada-Vancouver, Toronto, Montreal, Australia, UK-London, Middle East-(UAE)Dubai,Saudi, Israel, New Zealand, Hongkong, Singapore, Mlayasia-Lahat po nabangit ko ay mayroon akong kilalang nakatirang taga Licab at alam kong bumisita sila sa site ninyo.
ReplyDeleteAng hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay di makararating sa paroroonan. Matandang Kasabihan na pwede natinipa uso sa mga tiga Licab
ReplyDeletenaghahanap ako ng palaka saten wala ng gaanong mahuli.
ReplyDeletealvin, baka kasi nalason na ng JOLINA ang mga palaka. :D
ReplyDeletenyay... hindi po nalason ng JOLINA ang mga palaka, katunayan nyan ginawan ko ng blog ang mga palaka. just visit...
ReplyDelete