To every thing there is a season, and a time to every purpose under the heaven: A time to be born, and a time to die;
.....I said in mine heart, God shall judge the righteous and the wicked: for there is a time there for every purpose and for every work.
.....All go unto one place; all are of the dust, and all turn to dust again.
ECCLESIASTES 3
--------------------
Mula nang simulan natin ang kwentuhang Licab anim na buwan na ang nakalipas, sari-saring pagbabalik-tanaw, kwentuhan at balitaan na ang ating napag-usapan. Kadalasa'y masaya ang kwentuhan, pero sa tuwina'y hindi maiiwasang may mga malungkot ding usapin. Patunay lamang sa binanggit na talata sa itaas- There is a time for everything.
Hindi iilang beses na nag-anunsiyo tayo dito na mayroon tayong mga kababayang pumanaw na. Sa iba, maaaring mga simpleng anunsiyo lang ito. Pero sa mga taong kakilala, kaibigan at kamag-anak ng namatay, malaking bagay ang mga simpleng patalastas.
--------------------
Kahapon lang ay nakatanggap kami ng balita na isa na namang kababayan natin ang pumanaw. Kaya mula sa LICABBLOG at LICAB.NET, ipinaaabot namin ang aming pakikiramay sa mga naulila, mga kamag-anak, at kaibigan ng kababayan nating si ALVIN PULIDO na sumakabilang-buhay kahapon, July 13, 2009.
--------------------
.....All go unto one place; all are of the dust, and all turn to dust again.
Kunsabagay, sabi nga ng mga kwentuhan sa ilalim ng puno ng manggang kalabaw, una una lang yan. Lahat naman eh diyan papunta. Nanggaling sa alabok, babalik din sa alabok.
Pero isang importanteng bagay na dapat nating maintindihan, eh, saan ba tayo patungo pagkatapos ng buhay sa mundong ito?
Dapat tayong maniwalang hindi nagtatapos ang ating paglalakbay kapag tayo'y pumanaw na. Ang sabi kasi sa bibliya, mayroon pang life after death. Nakagugulat pero nakakatuwang isipin na napaka-basic lang pala ng itinuturo ng bibliya patungkol sa pagkakaroon ng buhay na walang hanggan. Dito ko siguro tatapusin ang artikulong ito... ang sabi sa banal na aklat, at alam kong tayo ay naniniwala dito,
Inibig ng Diyos ang sanlibutan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa Kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
At kung tayo'y sasampalataya sa Kaniya, may panigurado tayong pag-asa na hindi lang dito sa mundong ito magtatapos ang buhay natin, dahil may tinatanaw pa tayong buhay na mas higit pa sa ating mga pangarap.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Nakikiramay po sa pamilya ng namatayan.
ReplyDeleteim proud to be LICABEÑOS even in my wilders dreams di ko akalain na kahit malayo ako sa aking minamahal na BAYAN nakakabalita pa din ako, and im sure this is the strong points of our dear MAYOR WILLY mabuhay po kayo!!!!!!
ReplyDelete