Friday, May 29, 2009
Licab, May Kaso Na Ng Swine Flu?
Talk of the town daw ngayon na may kaso ng Influenza A (H1N1) Virus na nakita sa isang balik-bayang umuwi sa Licab kamakailan galing sa US.
Hindi pa kumpirmado kung totoo ang balita ngunit mainam na patuloy tayong maging malinis sa ating mga katawan, maging malinis sa kapaligiran, at laging uminom ng vitamins at kumain ng pagkaing may tamang nutrisyon.
Basahin ang article na ito para sa ilan pang tips upang makaiwas sa sakit.
Coincidence naman na ang kaso ng biktima ng Swine flu ay namataan sa may Pugad Baboy sa Poblacion Sur (hindi joke yan!).
Sana ay patuloy na maging alerto ang ating mga Health Officials sa bayan ng Licab. Gayundin ay magbigay sana ng kaukulang aksiyon ang mga lider ng ating bayan.
Idalangin natin ang kaligtasan at mabuting kalusugan ng ating mga mamamayan.
Thursday, May 28, 2009
Jucier, Tastier, Better Than Ever!
Maraming salamat muna sa mga kababayan natin na nagpapadala ng articles, pictures, at suggestions para patuloy na gumanda ang website natin.
Hindi mo na kailangang bumiyahe para lang makita ang bagong mukha ng Munisipyo ng Licab. Maganda, Malinis at Maayos. I-click ang link na ito para makita ang larawan.
Inirerekomenda ko ring basahin natin ang article na pinadala ng isa nating kababayan. Ang Munting Pangarap ay nagpapakita ng katotohanan na bawat isa, mahirap man o mayaman ay kayang makamit ang pangarap at maging matagumpay sa buhay.
Labing-apat na ang nag-register sa ating Forum. May balita akong natanggap- may Grand Alumni Homecoming (yata) sa next year sa Licab. Abangan ang mga balita tungkol diyan sa ating FORUM.
Kilala mo ba si Mao Tse Tsung ng Licab? Eh si Full Moon? Si Bebeng ****? Alam mo ba ang masarap na ka-partner ng buro?
Sino sina Tony, Ding Gat, Oryx, Meanne, Ryan, Stingrae, Joy, Cristy, Lars, Lot, Mapumi, Orek, Reynaldyq, at Seeno? Kilalanin at makipag balitaan sa ating Forum!
Magregister ka na para makasali sa kwentuhan at pagbabalik-tanaw sa bayan ng Licab.
Tuesday, May 26, 2009
Ang Selyo, Si Oryx, Si Sisterhood, atbp.
Wednesday, May 20, 2009
Handa Ka Ba Kay Kalakian?
Inaasahang taun-taon ay gaganapin na nga itong Kariton Festival (na ayon sa balita ay one of a kind, at kauna-unahan pa sa Pilipinas). At tunay nga namang nakakatuwa dahil dito nabibigyan nang atensiyon ang alagang katuwang natin sa pagsasaka-ang Kalabaw.
Layunin nang Festival na ito na alalahanin din ang malaking kontribusyong ibinigay, partikular ng Kariton, sa istorya ng bayang Licab, kung saan, ayon sa kuwento, ay ginamit daw ni Don Dalmacio Esguerra ang Kariton sa kanilang pagpunta at pagka-diskubre sa bayan ng Licab. Hanggang sa ngayon, patuloy pa ring ginagamit ang Kariton bilang mode of transportation ng ating mga magsasaka.
(basahin ang kumpletong kwento tungkol sa Kariton Festival sa Licab.net)
Nakakatuwa, nakakaaliw pagmasdan ang mga Kalabaw at Kariton na sadyang binihisan upang ipagmalaki sa buong bayan.
Kailan lang ay nakabasa rin ako ng isang parada na katulad nito, ang Carabao Festival sa Pulilan, Bulacan.
Ang nakakagulat, may isang kalabaw na nag-amok, nanggulo sa kasayahan, at nanira nang kung anu-anong bagay.
Makikita sa larawan kung paanong nagkagulo ang mga mamamayan na nanonood sana sa parada:
(photo credits: Sidetrip)
Nai-dokumentaryo ni GMA News Documentarist Howie Severino ang buong pangyayari at nai-feature pa ang balitang ito sa 24 Oras. Maaaring mapanood ang video nito sa blog ni Howie. Gayundin, sa Mayhem in May, inilahad naman ni Howie ang iba pang pangyayari tungkol sa kasiyahang nauwi sa kaguluhan.
--------------------
Sana ay magsilbing paalala ang mga ganitong pangyayari sa Pulilan, lalo na sa Organizers ng Kariton Festival sa Licab.
Nag-uumpisa pa lang tayo sa ating programa, at kagaya ng nabanggit ko na, malamang ay maging taun-taon ang kasiyahang ganito sa ating bayan.
Pero magkaroon din tayo ng sistema upang maiwasan ang mga ganitong trahedya. Mainam na iyong handa tayo, kaysa sa magsisihan kung dumating ang problema.
Tuesday, May 19, 2009
Knock, Knock, Who's There?
Mahuhulaan mo ba kung sino ang binatang nakatayo sa kanan?
I click ito para makita ang larawan.
Upang makakita nang ilan pang larawan ng ating mga kababayan, bumisita sa Licab.net at tingnan ang "Mga Larawan".
Sunday, May 17, 2009
Getting Better
As promised on my previous post,
Reynaldyq's new article, Sa Isang Sulok ng Puso, is now featured. Please click >>>here to view.
Right now, we have three existing features in our website (found on the top left portion)
Choose:
HOME to read and view the articles.
KWENTUHAN to go to the forum site and chat with our kababayans. Remember to register so that you can join the discussions.
MGA LARAWAN to view pictures of the Prominent (and the not so prominent) people of Licab. You may email us at: licabblog@gmail.com if you want to share photos about Licab.
Always visit LICAB. Website ng Bayan. Website Natin.
Saturday, May 16, 2009
Licabblog Updates
Anyway, things are getting better as we have now launched our new website, including of course, our Kwentuhan/Forum. Marami-rami na ring nagregister, and the responses are positive, because this will be an avenue for us, Licabbens, to get to know and interact with one another. We hope you will find time na ipamalita sa ating mga kababayan itong ating Licab site at ang Kwentuhan/Forum. The more, the merrier, ika nga.
Kasalukuyan pa rin po naming pinapaganda ang Licab.net, so please continue to bear with us.
UP NOW: you will get to know about the 1st Kariton Festival held during the 115th Foundation Day of Licab on March 28, 2009, as narrated by Lot.
Also, makikita rin sa Licab.net ang history ng Licab. At kung hindi mo kilala kung sino si Don Dalmacio Esguerra, aba, eh, simulan mo nang magbasa.
Nai-feature din namin doon iyong full article ni Ding Gat tungkol sa makasaysayan niyang pagbarog ng Doggy para gawing kaldereta.
UP LATER:
Abangan ang isa na namang magandang article na ipinadala ni Reynaldyq!
Abangan din ang gallery of pictures nang mga tiga-Licab.
OF COURSE, patuloy tayong dumalaw at makipagkwentuhan sa Forum natin.
Friday, May 15, 2009
Lipat-Bahay
Parang kapag may bayanihan lang, hane?
Sama-sama, tulung-tulong na nagbubuhat ang mga magkaka-baryo. At pagkatapos, may libreng pa-merienda o pa-tanghalian ang nagpa batares.
Nakakatuwa. Ilang taon din siguro bago ko ulit narinig at nabanggit ang salitang batares. Kadalasan kasi, may mga salitang sadyang sa isang lokal/bayan/probinsiya mo lang madalas marinig.
--------------------
Naglilipat ako ngayon ng mga posts, blogs and articles mula rito sa Licabblog papunta sa Licab.net.
Isa sa mga unang inilapat ko eh yung post ni abay Ding Gat tungkol sa Dekada Sisenta. At gaya nang naipangako ko sa maraming emails na natatanggap ko araw-araw, ipo-post ko po ang mga artikulo ninyo doon sa bagong bahay natin.
At dahil nga nagpapabatares ako ngayon, sama-sama po tayong bumisita sa ating bagong bahay at basahin ang artikulo ni Ding.
Kung may pa batares, may pagkain ding nakahain.
Basahin ang KALDERETANG DOGGY recipe ni Ding Gatmaitan sa Licab.net.
100% Lutong Licab!
Thursday, May 14, 2009
Bagong Bahay
Exclusive para sa mga tiga-Licab, dahil IBA tayo!
Kasalukuyan pang inaayos ang website kaya kakaunti pa lang ang laman nito. Ngunit ikinagagalak naming sabihin na marami itong mas maayos na features, katulad ng mga articles, blogs, gallery of pictures, polls, at forum.
Importante ang forum. Dito kasi tayo nagkakaroon ng mas malayang kwentuhan. Kaya naman hindi tayo papayag na wala ito sa bagong website natin. Paano sumali sa forum? Madaling-madali lang! Kailangan mo lang mag-register! Ihanda ang username, email address, at password at mag-register na!
Kung nais dumalaw sa ating Bagong Bahay, i-click ito: LICAB
Kung nais sumali sa forum: i-click ito: KWENTUHAN
O Paano? Kitakits!
Tuesday, May 12, 2009
Mr. & Ms. Licab 1967
Ang makakahula, may libreng chocnut!
Friday, May 8, 2009
Dekada Sisenta Kasama Ang Barkada
Mukhang nagkakalabasan na ng mga masasayang ala-ala tungkol sa Licab.
Narito ang 1st part sa 2-part article na ipinadala sa akin ni Ding Gatmaitan tungkol sa nakakaaliw na kwento nang Dekada Sisenta kasama ang Barkada at ang makasaysayang paghuli sa kanilang National Food.
-Licabblog
-------------------------
Dekada Sisenta Kasama Ang Barkada
Ding Gatmaitan
Naaalala kong bigla ang Circa 1966.
At ang Kalederetang doggy.
Alam nyo, ang pinaka exciting sa pagluluto ng doggy eh ang paghuli sa aso kasi hindi naman nabibili sa tindahan yan, at usually, yung ibinibigay na doggy eh yung nangangagat!!!
Kaya ang pagsilo ang pinaka-enjoy. Andiyan na yung masabit ka sa barb wire, madapa, mapitik ng sanga, at maghabulan sa pitak ng bukid. At kung swerte ka, eh makakagat ka pa!
Matapos mahuli, eh magja-jak en poy kayo kung sino ang babarog. Pagkatapos eh sisilaban ang aso sa ginikan at kikiskisin ng walis tingting na ginamit sa banyo. Habang sinisilaban eh sige na kayo sa paghiwa sa balat, sawsaw sa suka at sili, at presto! May kalpukan na maski may dugo pa.
Nagtataka nga ako at wala naman nagkasakit sa amin.
Pero sa totoo lang, mga 1966, 3rd yr high school ako, naninilo lang kami ng doggy sa lansangan, ang matatabang doggy ay nandoon sa bangbangkag. Hehehe.
Hindii puwede manilo sa hulo, kasi kay Antong puko na lahat ang doggy doon (utol ni Ado). Hindi rin pwede sa luwasan, dahil ikaw naman ang babangagin doon.
Ang tagayan namin noon ay sa likod ni Gudiang, yung present police station ngayon. May malaking puno ng acacia doon (buhay pa yata ang puno hanggang ngayon).
Alam ninyo ngayon ko lang natanto- The reason pala kaya nakatalaksan ang cases of beer noon, ay kasi, yung buong konsumo ninyo for the night eh bibilhin nyo na, Kasi after 5pm, sarado na lahat ang tindahan. The same with ice, bili na kayo ng isang bloke kay Karia, lagay lahat sa balde, minsan kasama pa ang ipa!
Diyan ko rin nalaman, lagyan mo ng plastic ng sigarilyo ang balde para mawala ang bula.
Diyan ko rin nalaman paano mandaya sa inom! Kasi isang baso lang ang pangtagay. Pag marami kayo, dalawang baso, counter-ikot yung isa. However, pag naubusan ng yelo, kain ka na ng Halls candy para malamig ang beer.
Kalderetang doggy- our national food. ang cook namin nuon ay si Bongbong Carlos na anak ni sarding.
Ang motto namin: "'Di baleng sumuka, wag lang uuwi".
--------------------
Si Ding Gatmaitan ay naka-based sa Davao at paminsan-minsang umuuwi sa Licab upang bumisita sa pamilya at barkada.
Sa susunod na post, malalaman natin ang special Kalderetang Recipe ni Ding at ng kanyang Barkada- Lutong Licab, para sa mga tiga-Licab!
Abangan!
++++++++++
NOTE: This blog, does not, in any way, encourage people to eat Dog meat, due to the recent studies and news that tend to imply diseases caused by eating such. The article was written and posted in order to describe the writer's personal account of his childhood in his hometown.
-Licabblog
++++++++++
Thursday, May 7, 2009
Bulanglang
Isa sa mga pangkaraniwan ngunit masarap at masustansiyang Lutong Licab ang Bulanglang. Kundangan kasi eh, kadalasang nakikita lang at nakatanim sa likod-bahay ng mga tiga-Licab ang mga sangkap sa pagluluto ng Bulanglang.
Simulan na ang pagluluto!
--------------------
Ingredients:
2 tablespoons oil
½ cup pork (thinly sliced)
1 head of garlic (minced)
1 onion (minced)
3 pieces tomatoes (diced)
2 tablespoons bagoong alamang
1 cup squash (peeled and cubed)
1-bundle string beans (cut to 2″)
1 ampalaya (cut to 1″)
2 pieces eggplant (cut to 1″)
1 bunch pepper (labuyo) leaves
Pour off all but 2 tbsp. of oil in skillet. Saute Pork, garlic, onions and tomato in oil. Add bagoong and water. Let come to a boil.
Add squash, string green beans and ampalaya in that order.
Cover, lower heat to moderate and cook 6 to 8 minutes or until vegetables are done.
Add pepper (labuyo) leaves, remove from heat, cover and let stand for about 5 minutes before serving.
-source: pinoyrecipe.net
--------------------
Dagdag: Perfect na perfect ang bulanglang kung may ka-partner na piniritong tilapia.
Lutong Licab
Mapa-fiesta, pasko, bagong-taon, birthday, o simpleng tanghalian at merienda, naipakikita ng mga tiga-Licab ang makulay na kultura sa pagluluto ng kung anu-anong putahe.
Kaya dito sa Licabblog, hindi natin maaaring palampasin ang mga lutong sadyang espesyal ang pagkakagawa para sa sikmurang Licabben.
Kung kayo po ay may natatagong hilig sa pagluluto at mayroon kayong mga recipe na nais ninyong ilathala dito sa Licabblog, maaari pong mag email sa: licabblog@gmail.com .
Upang makita naman ang listahan ng mga recipe na nailathala na, paki-click ang:
Lutong Licab
na matatagpuan sa TAGS sa kanang bahagi ng website.
Ano pa'ng hinihintay mo? Maghinaw ka na ng kamay at tayo'y kakain na!
Wednesday, May 6, 2009
Isang Sulyap Sa Nakaraan
First, a big thank you to all of you who are finding time to contribute your articles, stories, and even pictures about Licab.
Today, I am posting another article sent to me by one of our kababayans.
-Licabblog
-------------------------
Isang kwento ng Pakikibaka
Ni Reynaldyq
Parang hindi na sanay ang aking mga kamay na sumulat ng sanaysay-ng mga pakikibaka sa buhay, ng mga samut-saring alalahaning gumugulo sa isipan, mga buhol-buhol na buntonghininga’t hinagpis ng mga nagdaang araw. Pero ayos lang. Basta nabanggit ang LICAB, parang ipu-ipong bumabalik ang kahapon. May saya’t lungkot, may kirot sa dibdib, may pitik ng pag-asa, at may haplos ng pagmamahal.
Kinse anyos ako ng iwan ang bayang Licab. Para sa akin, parang walang anuman. Ano ba naman kasi ang maipagmamalaki ko sa bayang kinagisnan? Maputik kapag tag-ulan, may libreng pulbos kapag tag-araw. Uso pa noon ang kareta, karitela, at kalabaw. Mabagal ang pag-usad ng pag-unlad.
Para sa akin, mas masaya sa siyudad. Maraming tricycle, maraming mapupuntahan.
Kaya madalas, sermon ang inaabot ko kay tatay. Bakit daw napakadalang kong umuwi ng Licab. Ayaw kong sumagot dahil bawal sumagot sa ama. Hindi tamang isaboses ang nararamdaman, lalo pa’t alam kong may masasaktan.
Pero sa loob-loob ko, wala naman akong mapapala kapag madalas akong umuwi. Baku-bako ang daan, mahaba ang biyahe at maalikabok –kaya nga dapat ang pangalan ng bayan natin-LIKABOK. Haaaay.
Isa pa, kapag tag-araw, malayo ang lalakarin mo para umigib ng tubig. Natutuyuan kasi ang mga poso ng tubig. Ang nangyayari, pupunta kayo sa patubig para mag-igib, dala-dala ang mga balde, timba, galon ng mantika at kahit ano pang sisidlan. Haaay na naman.
Gayunpaman, may gintong aral din naman akong natutuhan sa pamamalagi ko sa Licab. Malapit kami sa Diyos, malapit sa simbahan. Naalala ko pa si Ate Dahlia Ventura- siya ang nagturo sa amin na laging magpunta sa Simbahan. May choir noon na binubuo ng kabataan. Matiyaga niya kaming ginagabayan at sinusubaybayan. Usong-uso noon ang Christmas tableau at mga palabas tuwing mahal na araw.
Ngayon, malayo na ang daang aking tinahak. Malayo na rin ang narating ng ating mga kababayan.
Iba na rin ang tanawin sa Licab. Maayos na ang mga kalye, at higit sa lahat may gripo na ang mga bahayan. May daloy na ng tubig sa kabayanan.
Sa pagpasok mo sa Licab, masasamyo mo ang hanging amihan- ang mga butil ng palay na kumakaway, nanghahalina, at nagsasabing- may pag-asa pa. May kinabukasan pa.
Dito sa ibang bansa, lalo mong mami-miss ang manirahan sa Licab. Wala kasi ditong gatas ng kalabaw, inihaw na hito at bulig, bulanglang , bagoong at tuyo. Miss ko na rin ang arroz-de –valenciana ni Nanay.
Sa pag-uwi ko sa Pilipinas, Licab ang una kong pupuntahan.
-Dr. Reynaldo Quilon is currently working at Bahrain Defense Force as Trainor of the American Language Course. He also teaches in AMA International University –Bahrain as a graduate Professor.
Forum #2: Iboboto Ko Si _____________________
Kung papipiliin ako ng taong gusto kong tumakbo sa Licab sa darating na 2010 elections, iboboto ko si ______________________ dahil _________________.
Make your vote count!
Click here to cast your nomination
Sunday, May 3, 2009
2010 Na! Licab, Handa KNB?
Pero kapag panahon ng eleksiyon, animo'y biglang nabubuhay ang buong bayan. Panay-panay ang pagdirikit ng mga poster ni konsehal ganito at ni mayoralty candidate na ganoon. Kabi-kabila ang miting de avance. Umiikot ang mga sasakyang walang tigil sa pagpapatugtog ng mga jingle ni kandidatong ganoon at kandidatong ganire.
At dahil halos isang taon na lang ay eleksiyon na naman, paniguradong magsisimula na naman ang makulay na kampanyahan at kasiyahan(at minsa'y awayan) sa buong Licab.
Kung nakasentro man ang mata ng buong bayan sa mga kandidato, wag sanang kalimutan ng mga mamamayan na sila, tayo ang siyang pinaka-importanteng personalidad pagdating ng halalan sapagkat sa ating mga boto nakasalalay ang kahihinatnan ng bayan sa susunod na tatlong taon. Kung sino ang pipiliin natin ay siya ang magpapatakbo ng liderato ng pamahalaan ng bayan.
Nasa ating mga botante ang susi ng ikatatagumpay ng bayan.
Pumili at bumoto ng wasto.
Para sa bayan.
Para sa ating mga mamamayan.