Tuesday, March 31, 2009

Balik-bayan

Narito ang ilan sa mga kaalaman, kwento at tsismis na nasagap ko sa aking pagbabalik-bayan sa Licab.



• Mula sa pagiging 5th class municipality, umakyat na (raw) ang Licab at naging 4th class municipality na. Nakakapag-contribute na kasi tayo ng mas mataas na tax. Apparently, may mga ilang mamamayan naman ang medyo sumama ata ang loob kung bakit ang maliit na mga sari-sari store eh kinukuhanan din ng buwis.

• Speaking of taxes, nabalitaan ko rin na kumukulekta na rin ng buwis (bente pesos?) sa bawat isang alagang livestock. Halimbawa, kung mayroon kang alagang limang kambing, may pataw itong buwis na 100 pesos. Pero barangay lamang naman yata ang kumukolekta nito, at hindi ko alam kung ipinapatupad ito sa labing-isang barangay ng Licab.

• Yung dating masukal na daanan ng tubig sa may kanto ni dating Mayor Tommy Villaroman at yung pang susunod na kanto sa may kapilya ay naayos na at pwede nang daanan papuntang Pugad Baboy. Madilim nga lang pag gabi dahil parang wala pang mga poste ng kuryente.

• Nagulat ako nang makita ko yung anak ng isang bakery owner. Nung huli ko kasing makita ang batang iyon, eh, kamukhang kamukha ng tatay niya. Aba'y ngayon, kamukhang kamukha na ng nanay nya! Bakit ka bumigay, ading?

• Nalaman kong ang tawag ng isang kubrador ng jueteng sa Spaghetti ay "Spaketi".

• Pwede rin palang tawaging "Pilhelp" ang "Philhealth".

• Hindi pala fiesta ng Licab noong March 28 & 29. 115 Foundation Day pala.

• Si Rico J. Puno daw ang main guest noong last night sa Plaza. Kasama rin yata si Julia Clarete at si Jimmy Santos.

• Katulad ng naipangako (ang sabi pa nga yata eh, "hindi ito pangako; ito ay isang sumpa!"), naipa-konkreto na ang daan ng mga taga-sta.maria. Pero hanggang sta. maria lang. tumigil ang konkretong daan sa mismong boundary ng sta. maria at san juan. E bakit ba kasi? Eh sa mga taga sta. maria lang naman nanumpa? Hintayin ninyong mangako sa mga tiga san juan!

• Sampung piso ang pasahe sa tricycle-malayo o malapit.

• Nalaman kong hindi ka dapat makipag-break sa boyfriend mo kung sasakay ka ng karosa. Maaari kasing manggulo ang boyfriend mo habang ipinaparada ang beauty mo. Baka magka-demandahan pa.

• Dumarami ang tao sa isang lamayan sa may parteng san juan. Lalung lalo na kung oras na ng pamumudmod ng merienda.

• Tinatawag ding Sanghuwan ang San Juan.

• Walang tindang Coke si Piwa. Virgin Cola ang tinda nila.

• Dumating din noong Foundation day si SASY, o si Agriculture Secretary Arthur S. Yap, para sa ground-breaking ceremony ng imbakan ng tubig sa may tulay papuntang sta. maria.

• Kasali rin sa pagdiriwang sa plaza sila Edno Joson at Edward Joson.

• May mga tumataya pa rin sa sakla at sa beto-beto.

• Katulad ng inaasahan, nagkalat na rin sa plaza ang mga tindang pirated dvd, pirated chargers at pirated t-shirts ni francis m.

(marami pang ibang kwento.... abangan!)

Monday, March 30, 2009

Parada ng Karosa

Pumailanlang na sa ulap ang mga kwitis.
Naririnig na ang tunog ng banda ng musiko.
Nagkalipumpunan na ang mga tao sa kalsada.




Umpisa na ng parada!
Syempre, hindi mawawala ang banda ng musiko sa unahan ng parada, suot ang mga makukulay na kasuotan habang patuloy sa pagbuga ng hangin sa mga torotot at walang humpay na paghampas sa mga tambol.



Kaway, pate, kaway!




Kung nagpapagandahan ang mga muse at escorts na nakasakay sa kani-kanyang sasakyan, iba't iba rin ang bihis at gayak ng mga karosa.







Ang nakadilaw na si chabelita habang tigas ang pagkaway sa mga taong nanonood ng parada.


Eto naman eh, hindi mo malaman kung parada ng karosa, o float na kasali sa Metro Manila Film Festival.



Kayganda lang ng ngiti ni Ateng, habang ang mga bata'y animo umiindak ng tinikling. Matutuwa sa inyo si BF. Pink kung pink!



Panahon pa ni Cory, ginagamit na rin ang hand tractor sa mga karosa. Pangkaraniwan na ang mga hand tractor sa Licab dahil sa mga normal na araw, ginagamit din ito sa bukid.


Presenting the Lowered Karosa....
(Kaya hindi pwedeng dalhin at iikot ang karosa sa buong Licab eh. Baka bumalaho ito sa Ablang pag nagkataon.)








Aba'y ke gwapong bata nire!
Hinteka muna, parang kamukha ata ni Tata Asyong ang damuho.




Hulaan: Ito ba ay karosa? O sasakyan ng Poon?







Sa gitna ng mga parada, nakigulo si Dora The Explorer.




Eto ang malupet. Nang dahil sa pagod at inip, inumpisahan ng lantakan ni ineng ang mangga.









Yan naman ang "da moves"! Ke higpit ng pagkakahapit ni Binatang tareng sa bewang ni Dalaginding oh!




Nagbabago rin pala ang panahon.

Kung dati-rati'y tigmak ng mga artificial flowers na gawa sa papel de hapon at manila paper ang dekorasyon sa mga karosa, ngayon eh gumagamit na rin sila ng mga fresh flowers.

Dati ay tri-bike at top down tricycle at owner ang mga ginagamit na sasakyan. Ngayon eh mga pick up at elf na ang gamit.

Dati ay pinagtityagaan lang na isulat kamay ang mga pangalan ng konsorte at musa sa mga cartolina, ngayon nama'y gumagamit na ng tarpaulin. At may mga pictures pa!


Gayunman, nakatutuwang isipin na ginagawa pa rin ang mga ganitong nakalakihang tradisyon sa ating bayan. Sa pamamagitan kasi nito'y naibabahagi natin ang mga makaluma ngunit mayaman na kulturang Pilipino.



Sunday, March 29, 2009

Banners! Banners!

Our beloved town, Licab, celebrated its 155th Foundation Anniversary last March 28 & 29, 2009.

It is such a delight to see many new things to commemorate this special event. Balikbayans never failed to notice the various colorful banners posted in every street light posts along Don Dalmacio Street.

Organizers moved away from using the usual "banderitas", but instead provided eye-cathing banners that showcase love for the town and some of the foundation day's activity highlights .







Certainly, we give a V positive approval for Mayor Willy Domingo and the rest of the people who continue to design better ways to make the ocassion worth celebrating.

Proud to be LicabeƱo!

(More of Licab's 115th Foundation Day Celebration highlights on my upcoming blog/s).



Obituaries

Cezar G. Agustin, Public School Teacher

Sumakabilang-buhay na si "Sangko" Cezar noong Biyernes, March 27, 2009. He was 53 years old, at aktibo sa serbisyo bilang guro sa Sta. Maria Elementary School bago siya pumanaw.

Siya ay nakahimlay sa kanilang tahanan sa Sta. Maria, at ililibing sa Sabado, April 4, 2009, ganap na alas nueve ng umaga sa Sta. Maria Public Cemetery.


Ernesto "Boy Amoy" Villaroman

Pumanaw noon ding March 27, 2009, si "Boy Amoy", dating Konsehal ng Bayan ng Licab. Kasalukuyan siyang nakaburol sa kanilang ancestral residence sa San Juan, Licab, Nueva Ecija.


Isang taos pusong pakikiramay po mula sa Licabblog sa lahat ng naulila ng mga yumaong kababayan. Dalangin na bigyan kayo ng Diyos ng kalakasan at katatagan sa panahon ng inyong pagdadalamhati.

Wednesday, March 25, 2009

Halina't Makisaya

Inaanyayahan ang lahat na makisaya sa Pagdiriwang ng ika-115 Pagkakatatag ng Bayan ng Licab sa Marso 27-29, 2009.

Tara Na!

Monday, March 9, 2009

Anim Na Taon

Marso.

Hindi ko masyadong narinig ang sinabing dahilan ni ma'am dahil nasa may bandang likod naka-pwesto ang upuan ko.

Basta ang narinig ko lang ay kailangan naming magdala ng kani-kanyang upuan kinabukasan para daw sa praktis.

Ga-gradweyt na pala kami.

Angbilis talaga ng panahon. Tanda ko pa nang inihatid ako ni Nanay at ipinakilala sa titser ko sa grade 1. Nahihiya pa akong sumagot sa mga tanong ng titser. "What's your name? How old are you? Who are your parents?" Parang kailan lang pala ang anim na taon.

Anim na taon din pala akong nanatili sa pampublikong paaralang ito. Anim na taon din pala akong namalagi sa Licab Central School. Anim na taong puno ng iba't-ibang alaala ng kamusmusan.

Sino ang makakalimot sa Flag Ceremony, camping, intrams, at sa halos tuwing hapon na pagbubunot ng mga damo sa mga garden, pagtatanim ng kamote sa kani-kaniyang plot, pagdidilig ng mga bonsai, pag-iigib ng tubig gamit ang mga galon ng Shell Rimula X, at ang pagiging "cleaners" ng kwarto?

Matapos ang mga ritwal na gawain ay maaari nang maglaro. Kampi-kampi, grupo-grupo habang naglalaro ng football, baseball, agawang-base, at patintero.

Ngunit higit sa anupaman, hindi pwedeng malimutan na dito sa pampublikong paaralang ito nahubog ang utak at pagkatao ng bawat mag-aaral. Sa pangunguna ng mga magulang bilang mga unang guro ng mga anak, sila'y ipinagkakatiwala sa mga guro upang turuang magsulat, magbasa, kumanta, tumula, sumagot ng mga mathematical problems, magdiskubre ng kaalaman sa science, aralin ang history, at matuto ng mga kabutihang-asal.

At habang kami'y nangakahilerang nakaupo sa harap ng stage ng paaralan suot ang aming mga toga, nasasalamin at nakikita namin sa mata ng aming mga guro at magulang ang pag-asang kanilang nakikita sa aming mga buhay.

Para naming naririnig ang matinis ngunit naghuhumiyaw na tinig na nagsasabing handa na kami para sa susunod na lebel ng buhay namin.

Pawawalan kami sa pampublikong paaralang ito dala ang pag-asang balang araw ay babalik kaming nakamit ang katagumpayan sa buhay.

Tuesday, March 3, 2009

Pista Po Sa Amin


Licab Town Fiesta na sa March 29, 2009!

Ano pa'ng hinihintay mo? Tara na sa plaza!


Narito ang ilan sa mga activities na pwede mong pagkaabalahan kapag piyesta sa Licab:

• Manood ng laban ng liga ng basketball. Maka-Sur ka ba o maka-San Juan? Kahit ano'ng team ang sinusuportahan mo, paniguradong mapapahagalpak ka sa tawa lalo na kapag may tumira nang kapos o may nabutata.

• Sumakay sa Jr. Ferris Wheel kasama ang boyfriend/girlfriend at magyakap kapag nasa ituktok na. Pre, pagkakataon mo na!

• Kung sadyang takot sa Ferris Wheel, pwede rin namang patusin ang Lindy Loop, ang Catterpillar o ang Horror Train. Siguraduhin lang na laging may barya sa bulsa kapag bibili na ng ticket. Maduduga kasi ang mga nagtitinda dahil kapag buo ang ibinayad mo, kendi o bubblegum ang isusukli sa'yo.

• Pwede ring tumaya sa bingo, beto-beto, o sakla. Paganahin ang kahusayan sa pagsu-shoot ng bente singko sa mga maliliit na kwadrado at manalo ng chichiryang sandamakmak ang betsin.

• Kung gusto nang mga mas adventurous na laro, subukan kung magaling kang tu-marget ng lobo o pumutok ng baril para patamaan ang mga tau-tauhan sa istante. Siguraduhin lang na magaling ka talaga dahil maraming kadalagahang nagmula pa sa ablang at bantug na maliit ang nakapalibot at nanonood sa'yo.

• Manood ng sarsuwela (malay mo, nandoon pala ang Porkchop Duo, si Palito, ang Aegis Band at ang paborito mong Sex Bomb Dancers... Aaaaaw!)

• Panoorin kung paanong magtikwasan ang mga balakang ng mga contestants sa Ms. Gay Beauty Pageant!

• Kung may Ms. Gay at sarsuwela, hindi mawawala ang Barangay Night. Dito mo makikita ang mga pinagpipitaganang musa ng bawat barangay. At malamang, may sayawan pa pagkatapos.

• Pwede ka ring mag ikut-ikot sa plaza kasama ang mga kaibigan. Magdala ng sapat na pera pambili ng balot, adobong mani, dilis, popcorn, day old, at de-bote.

• Higit sa anupaman, lalo na sa mga kababayang sumadya lang umuwi para makidalo sa pistahan, sikaping maglaan ng sapat na panahon para sa ating mga pamilya at mga mahal sa buhay.


(photo credits: Roldan Hilario)


Happy Fiesta mula sa Licabblog!

++++++++++++++++++++
Mayor Willy, darating ba si Jose at si Wally?


Sunday, March 1, 2009

March is Fire Prevention Month

Marso na naman, mga 'sangga! Panigurado, marami na namang nagtitinda ng halu-halo diyan sa Licab. Sa halagang bente pesos, patid na ang uhaw mo. Madali lang namang mag set-up ng tindahan ng halu-halo sa Licab. Basta' maglagay ka lang ng isang table o istante sa labas ng bahay, tsaka mo ihihilera yung mga garapon na may lamang makapuno, kaong, nata de coco, nilagang camote cubes, beans, halaya, pati siyempre yung isang latang evap na binili kila Piwa, isang bloke nang yelo na binili sa may papuntang Villarosa, solb na! Mas okay syempre kung meron pang leche flan panglagay sa ibabaw.

At dahil nga tag-init na, idineklarang Fire Prevention Month ang buwan ng Marso, sa bisa ng Presidential Proclamation Number 115-A. Layunin nito na itaas ang antas ng kaalaman ng mga mamamayan sa mga pamamaraan upang maiwasan ang sunog at mapangalagaan ang buhay at mga ari-arian. Ang tema sa taong ito, 2009, ay "Prevent Fire: Be Informed, Get Involved".

Ewan ko lang kung totoo, pero naging biruan dati diyan sa Licab yung bahay diyan na ang may-ari eh, bumbero. Dahil bumbero, naglagay siya ng streamer na may nakalagay na "Fire Prevention Month" sa may harapan ng bahay nila, supposedly, para maging aware nga naman ang mga kababayan natin sa Licab na mag-ingat laban sa sunog. Ang siste, yung bahay nila ang nasunog! (Yun ata yung tinatawag na irony).

Narito ang ilan sa mga simpleng tips galing sa website ng Philippine Information Agency upang maiwasan ang sunog:

++++++++++
Candles and Lamps: Do not set the lamp too close to the curtain; never read in bed by candle or lamp; do not leave a burning candle unattended;

Vehicular fires: Do not smoke or use an open flame while refueling and when inspecting the gas tank, the radiator or the battery; install a portable fire extinguisher in your vehicles; check wiring insulation frequently to avoid short circuit;

Cigarettes and Matches: Never smoke in bed; do not allow cigar and cigarette butts into the waste basket. Always have ashtray available in your home; crush your cigarette thoroughly before discarding them; strictly obey "no smoking" sign; keep matches and lighter away from the reach of children.

Electrical Equipments and Appliance: Unplug electrical appliance after use; avoid octopus connections; don't replaced blown fuse with tin foil, wire or metal to short circuit the current. Use only approved standard fuse; don't leave electric iron with the current on; never let electrical cords trail across floors or under rugs; don't hang electrical wiring cover pipes, nails, etc.; avoid the use of illegal electrical connections.


When your clothes catch fire, do not run. Running fans the flame; drop to the ground; roll over and put out the flame, cover your face with your hands for protection; the victim can be helped by covering with any heavy woolen cloth to smother the flame.
++++++++++