Tuesday, December 28, 2010

Isidro "Ding" Gatmaitan, Jr: A Tribute

It is with sadness to post here that our co-Licabeño, Isidro "Ding" Gatmaitan, Jr. passed away last December 18, 2010 due to heart complications at Tucson, Arizona, USA.

His remains will be cremated sometime within this week, after which, might possibly be brought back home in Licab, Nueva Ecija at a later date.


Meanwhile, we encourage everyone to take a look and visit the website,


A TRIBUTE/OFFER TO ISIDRO GATMAITAN, JR., MY DAD....

a dedicated website set-up by Ding's son, Dindo, in memory of his beloved father.

If anyone of us has been encouraged and touched by Ding's life, kindly leave a message at DING'S WEBSITE.

Again, from Licabblog, our condolences to the family of our Kabayang Ding Gatmaitan.

Monday, December 20, 2010

Ding Gatmaitan: Tatak Licabeño

Isa sa mga unang nakaalam na may website o blog na pala na specifically dedicated para sa ating mahal na Licab ay si kabayang Isidro "Ding" Gatmaitan (o mas kilala ng Licabblog sa pangalang ding_gat. Katunayan, kaila sa iba nating kababayan ay na-inspire ding gumawa ng sariling blog si kabayang Ding_Gat, subalit maaaring sa dami ng ibang pinagkakaabalahanan ay hindi na niya nasundan ang kaisa-isang article na kanyang nasimulan.

Sa kanyang blog na LICAB .ETC, sinulat ni kabayang Ding_Gat ang mahikli ngunit makabuluhang artikulo na siyang patunay na siya isang tunay na Tatak Licabeño:

----------

Republic of Licab

ako si ding gatmaitan , i love my hometown, i see to it that i go there once a year, sarap makipag inuman sa mga kababata mo like ver villaroman, ambal fajardo, kap ambet at iba pa. at sino hindi makakakilala kila dany lucas hahaha. and who wud not 4get . . our nationl food. .adobong doggy. luto ni pareng kiko. lalo na pag may bday, binyag, kasal or istambay lang kay baby pwet. pakilala mo nga ung gumawa ng licabblog, pinupuri kita, isa kang tunay na abay. ano ba latest issue sa bayan natin. pag may nagtatanong sakin san ang licab, eka ko capital ng republic of nuevaecija un!!!
----------

Hindi nagtagal, sinumulang makipag-ugnayan ni ding_gat sa Licabblog sa pamamagitan ng email upang makapag-contribute ng articles at suggestions para mas lalo pang mapaganda at mapaigi ang simpleng website ng Licabblog. At nang lumaon at mag-set up na nga nang isang pormal na dedicated site, ang LICAB.NET, ay isa rin si Kabayang ding_gat sa mga unang naging aktibong miyembro ng Licab netizens.

++++++++++

Noong Mayo 2009, nailathala sa Licabblog ang contribution ni Ding_Gat, ang Dekada Sisenta Kasama ang Barkada, na nagpapakita ng mga masasayang ala-ala kasama ang kanyang mga kaibigan at kabarkada sa Licab noong panahon ng Dekada Sisenta.

Nailathala rin sa pamamagitan ni Ding_Gat ang recipe ng isa sa mga paboritong pagkain ng mga tomador ng Licab, Ang Adobong Bibe Sa Gata.

++++++++++

Ikinalulungkot ng pamunuan ng Licabblog na hindi man lang kami nagkaroon ng pagkakataon na magkita ng personal; subalit ang Licabblog at ang Licab.net ay patuloy na nagpapasalamat sa mahalagang kontribusyon ng ating mahal na kababayang Ding Gatmaitan sa kung anuman ang narating ng ating simpleng website hanggang sa pangkasalukuyang panahon.

Sa mga kaanak at kaibigan ni ding_gat, nakikiramay po kami.

DING GATMAITAN: TATAK LICABEÑO

Thursday, December 9, 2010

Boy at Baby (Bebe): Pangalang Tunay na Licabeño

Animo'y hindi tumatanda, nananatili sa "Boy" ang pangalan o palayaw nang ilan sa ating mga kababayang Licabeño.

Mantakin mo nga naman. Meron tayong:

• Boy Tita
• Boy Pilising
• Boy Fajardo
• Boy Yango
• Boy Karag
• Boy Pusa
Boy Amoy , at kung sinu-sino pang Boy.

Ilan lang iyan sa maraming "Boy" sa ating bayan. Pero kung marami sa ating mga kalalakihan ang nananatiling "Boy" ang katawagan, hindi naman patatalo ang ating mga kababaihang kababayan.

• Bebeng Jacinto
• Bebeng Agustin
• Bebeng Damaso
• Bebeng Mangungulot
• Bebeng Co
• Bebeng Pwet, at marami pang ibang Bebe (o Baby).

Mahusay, hindi ba? At sa dinami-dami nila, nakatutuwang isipin na madaling mahahanap nang sinuman ang "Boy" o "Bebe" na hinahanap nila.

Sa mga BOY at BABY (BEBE) nang ating munting bayan, mabuhay kayo!

Kayo'y mga tunay na TATAK LICABEÑO


--------------------




Tuesday, November 30, 2010

Piwa: Tatak Licabeño

Kilala mo ba si Pascual Co?

Kung hindi, maiintindihan ka ng mga tunay na Licabeño. Kundangan kasi, mas kilala naman talaga si Pascual Co bilang si PIWA.

Kung paano at kung bakit ang isang dayuhang intsik ay napadpad sa maliit na bayan ng Licab ay ipinagpapalagay natin na isang mahabang istorya na, subalit hindi maikakaila na may lahi mang dayuhan ay isa nang institusyon ang pangalang Piwa sa ating munting bayan.

Nagkamulat at lumaki ang inyong lingkod ay kilala na si Piwa sa Licab. Inabot ko pa na ang tindahan ni Piwa ay naroon sa may malapit kila Mang Pepe Milan (na masasabi ring isang Tatak Licabeño). Nang lumaon ay lumipat sila ng puwesto sa kasalukuyan nilang tindahan ngayon sa Poblacion Sur sa tapat ng bangko at malapit sa tindhan naman nila Ate Liweng Javier.

Dala-dala ang paktura (o listahan ng mga "grocery items" na bibilhin), nilalakad lamang namin ang tindahan ni Piwa. Pagkaabot ng paktura ay maghihintay ka lamang na ibalot (o ikahon) ng mga kasama sa tindahan ang mga pinamili mo.

Mamamangha ka rin sa bilis ng daliri ng mga nasa kahera dahil sa gilas nila sa pagpindot ng calculator, o kung hindi man gumamit ng calculator ay sanay na sanay naman silang magtuos kung magkano ang suma-total ng pinamili mong grocery.

Mula noon, hanggang sa ngayon, ang Tindahan ni Piwa ang masasabi nating pinaka-popular na grocery store sa buong bayan ng Licab. Anupa't dito rin naman kasi kumukuha ng paninda ang mga maliliit na sari-sari stores. Sa buong maghapon ay panay-panay ang mga taong dumadagsa sa Tindahan ni Piwa upang mamili ng mga groceries na siya naman nilang itinitinda sa mga bario na kanilang pinanggalingan.

Marami rin at naging prominente rin sa Licab ang ilan sa kanyang mga anak. Hindi alam ng may akda kung ilan ang naging anak ng mag-asawang Piwa at Nena, ngunit ang ilan sa kanila ay sina Noli (na dating Mayor ng Licab), Dita, Froilan, Resty, Bing, at Arnel.

Kasabay ng pagbabago ng panahon ay nagpasalin-salin na rin ang pagmamay-ari ng tindahan, hanggang sa ngayon nga ay pinangalanan na ito bilang ARJAY STORE (si ARJAY ay bale apo na ni Piwa sa kanyang anak na si Arnel).

Pumanaw na rin si Piwa at ang kanyang maybahay na si Nena, ngunit ang kanyang pangalan ay mananatili pa sa ala-ala ng mga Licabeño sa darating pang maraming panahon.


PIWA: TATAK LICABEÑO

-------------------

Tuesday, November 23, 2010

Carding na Patay: Tatak Licabeño

Ang sinumang Licabeño, lalo na yung mga nanirahan sa Licab noong panahon ng dekada 80 at 90 ay nakakakilala kay Karding na Patay.

Kung bakit Patay ang ikinabit na palayaw kay Karding ay kasalukuyan pang sinasaliksik ng Licabblog, subalit nakatutuwang isipin na tuwing sumasapit ang Kapaskuhan ay himalang nabubuhay si Karding na Patay.

Bakit? Sapagkat si Karding na Patay ang isa sa mga kababayan natin na talaga namang mahusay gumawa ng mga parol. Gawa sa kawayan, plastic na de-kolor, papel de hapon at palara, mahusay na nililikha ni Karding na Patay ang mga parol na siya naman nating isinasabit sa ating mga tahanan tuwing panahon ng Pasko.


Mabuhay! Mabuhay! Mabuhay si Karding na Patay!



KARDING NA PATAY: TATAK LICABEÑO

--------------------



Thursday, November 11, 2010

Edo Agustin, Jr.: Tatak Licabeño




Ipinanganak at lumaki sa Barangay Sta. Maria, Licab, Nueva Ecija noong June 11, 1926, si Alfredo "Edo" Santos Agustin, Jr. ay anak ng mga tatak Licabeño na sina Alfredo Agustin Sr. at Timotea Santos.



• Nagturo sa Sta. Maria Elementary School.
• Naging astig na coach ng Volleyball sa Sta. Maria.
• Makalipas ang ilang panahon ay itinatag ang LIDITAS (Licab District Teachers Association) at naging unang Pangulo nito.
• Namuno sa Non-Formal Education (NFE) sa buong Licab.
• Matapos magretiro, siya ay nanilbihan bilang Sangguniang Bayan sa loob ng siyam na taon.
• Pinarangalan bilang Natatanging Licabeño 2010 sa Larangan ng Edukasyon at Pulitika.



At hindi lang 'yan!




Si Edo Agustin ay gumagamit nang mga salitang Dangkasi, Kampit, Mangyari, at Sulong na naiintindihan nang mga kapwa niya Licabeño!


EDO AGUSTIN, JR: TATAK LICABEÑO


-------------------

Thursday, November 4, 2010

Sa Ilog Ablang


(galing sa mongabay.com ang larawan)
Sa Ilog Ablang
ni George F. Esguerra


Ang Ablang ay isang munting nayon na nasa timog kanluran ng Bayan ng Licab.

Ang batis ng ilog nito ay tunay na dalisay at may sariwang daloy ng tubig na nangagaling sa hilagang silangan ng bundok Sierra Madre.. Tunay na kaaya aya ang daloy ng tubig, na siyang nagiging tulong naman sa kabuhayan ng mga naninirahan sa nayon ng Ablang.

Noon panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig, ang nayon ng Ablang ang naging larangan
ng tagisan ng lakas ng mga dayuhang hapon at ng hukbong Filipino. Totoong marami sa ating mga kababayang tiga-Licab ang nagbuwis ng kanilang buhay, pawis at dugo, sa pakikibaka sa mga dayuhang hapon.

Pagkatapos ng ikalawang digmaang pangdaigdig, ang Batis ng Ablang ay sagana sa mga isdang tabang gaya halimbawa ng hito, dalag, ayungin, gurami, biya, liwalo, banak, hipon, tulya, sulib, kabibi at iba pa. Ang lahat ng mga ito ay naglaho ng tuluyang dahil sa di wastong pagmamalabis na panghuhuli ng mga isdang tabang at sa mga patubig ng mga taga Nueva Ecija.

Ang Ablang noon panahon iyong ay sagana sa mga pagkain na nangagaling sa kabukiran at sa ilog ng Ablang. Ang mga naninirahan dito ay puno ng pag-ibig at pagmamahalan sa isat-isa, kaya't ang mga naninirahan dito ay namumuhay ng maligaya, payapa, at malaya; tanda ng walang sinumang salarin sa nayon ng Ablang. Kabilang dito ay ang mga lipi ng mga Tinio, Santos, Castro, Cote, Ramos, Dela Cruz, Calma, Cunanan, Domingo, Esguerra, Ordonio, Garcia, at marami pang iba.

Noon Junio 17, 1877, si Heneral Manuel Tinio ay ipinanganak sa baryo ng Ablang, (Pulong Samat) na nooy nasasakop pa ng Bayan ng Aliaga. Siya ay ikinasal sa dating Basilia Pilares Huerta. Sila noon ang mga taong tagapagbunsod sa nayon ng Ablang, kasama ang mga lipi ng mga Castro, Santos, Ramos. Dela Cruz, Cote, Rivera at marami pang iba. Noong Febrero 22, 1924 sa gulang na 47 siya’y pumanaw at binawian ng buhay sa Maynila.

Sumonod dito, nanirahan at nagbungkal ng lupa ang ating butihing Mayor na si Manuel Castro, at ang kaniyang maybahay na si Aurora Calderon Castro hanggang sa siya'y pumanaw sa bayan ng Licab. Dito rin nagsimulang magkakilala sina Mario Mamaclay at Nenita Castro. Sila ang nagpatuloy na bumungkal ng kanilang malawak na lupain at umani ng maraming bunga ng
gulay at pakwan dito sa nayon ng Ablang. Sa isang pamantayang buhay, kung iyong
ihahambing sa ibang nayon, ang kabukiran ng Ablang ay hindi nahuhuli sa ibang nayon
sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Ano pa, at ang mga Batang Ablang ay karaniwang nagtutungo sa mababang paaralang ng Licab Central School upang sila'y mag-aral sa unang baytang pa lamang ng kanilang murang kaisipang at sa pagdaraan ng mga araw, pagdating nila sa karampatan gulang, silay nagtutungo sa mataas na paaralan ng Licab High School, o dili kaya’y sa lungsod ng Maynila. Kabilang dito si Venancio Cote, Clarita Ramos, Honorato Domingo, Dorotea Liwag, Erlinda Liwag, Virgilio Gaspar, Adriano Capinding, Eduardo Badua, Estelita Barangang, Ofelia Cunanan, Julieta, at Iraida Milan, at Rodolfo Madrid.

Dito rin sa Baybay Ilog ng Ablang ang siyang naging dahilan ng pagkakaugnayan ng dalawang pusong nagmamahalan na gaya nila Vinancio Cote and Clarita Ramos. Sa una pa lamang nilang pagkikilala sa Licab High School ay namagitan na sa kanila ang isang pagtatangi sa isa't-isa. Simula noon ay naging magkaliyag at magkasuyo ang dalawa at nagkaroon ng makulay na kinabukasan ang nilang pagtitinginan.

Maala-ala mo kaya, noong tayo'y nasa High School pa, maganda ang samahan nating dalawa, ako noon ay nasa ika-apat na taon sa pag-aaral ko sa Licab High School, at sapagkat tayong dalawa ay nagmamahalan sa isa't-isa ay lagi tayong magkasama. Sa tuwing may mga pagtitipon kami’y dumadalo sa inyo, sa kabila ng Baybay-Ilog ng Ablang upang magkakila-kilala tayong lahat.

Samantalang noon mga panahong iyon ay wala pang tulay ang ilog ng Ablang, kaya't hubad-baro naming binabagtas palangoy ng isang kanang kamay ang ilog, at dala naman sa kaliwang kamay ang aming damit sa pagbagtas sa Baybay Ilog ng Ablang. Kasama naming noon sina Honorato Domingo (Honoring), George Esguerra, Eddie Badua (Eddie) Virgilio Gaspar (Vic) Adriano Capinding (Adring) makadalo at makita ka lamang sa pagtitipon ng inyong lipi o familia, mga magulang, at mahal sa buhay. Hindi namin inalintana kung ano man ang mangyari sa amin noon sa Baybay Ilog dahil sa kami’y nasa kasibulan at murang kaisipan. Isang gabi'y doon na kami nagpalipas ng gabi, at sapagkat wala naman matutulugan ay doon sa giniikan ng palay kaming lahat natulog.

Kinabukasan kamiy tumangap ng paanyaya kina Mario Mamaclay at Nenita Castro sa kanilang bahay kubo para mamitas nang kanilang aning gulay at pakwan. Dito rin sa nayong ito nagmahalan sila Mario at Nenita. Nagtanim sila ng palay, gulay at iba pang mga halaman. Namitas kami at kumain ng pakwan hanggang sa aming makakaya, at nag-ihaw kami ng isdang hito at dalag, at sulib, na siya naming ginawang kakteyl, sa pag-inum ng basi sa lumbo at bao ng niyog. Doon na rin kami inabutan ng dilim hanggang ika-siyam ng gabi.

Noon mga panahon iyon ang mga taong namumuhay sa nayon ng Ablang at maging sa bayan ng Licab ay namumuhay ng walang takot, walang sindak, walang pangamba, at laging katahimikan.

Noon gabing iyong dahil sa kaarawan ni Clarita, nagkaroon ng sayawan sa harapan ng kanilang bahay kubo, na may nilupak na taing kalabaw na nagsilbing cemento, at sa saliw ng isang munting phonographo ay naganap ang isang masiglang katutubong sayawan sa harapan ng munting bahay. Ang pagdiriwang ng gabing iyong ay tunay na kasiyahan ang idinulot, at ikinalugod ng lahat ng mga taga nayon ng Ablang.


**********

Nag-isang dibdib sina Venancio Cote and Clarita Ramos at sila'y nanirahan sa nayon ng Ablang. Simula noon, si Clarita ay naging larawan ng tunay at tapat na kawani ng Bahay Pamahalaan ng Licab. Dito rin sa nayon ng Ablang nanirahan ang ating butihing Vice Mayor Felizardo Carlos, at ang kanyang mga anak, at hanggang sa ngayon, sila'y naninirahan dito.

Ano pa at, ang lahat ng mga ito ay nangaling sa nayon ng Ablang, na siyang pasimula at sukatan sa ikauunlad ng isang angkan o lipi sa Nayon ng Licab.

**********


Kaylan pa kaya muling babalik ang matahinik na buhay sa Licab? Ang pamumuhay ng masagana, matiwasay, walang pangamba kaninuman, matahimik, at walang sindak sa buhay, gaya nang mga nabangit sa mga naunang talata- gaya ng mga nakaraan taon na kahit saan ka matulog, kahit saan ka pumaroon, kahit saan ka abutan ng gabi, ay wala kang pinangangambahang mangyayari sa iyong buhay.

Sana'y manumbalik pa muli ang ganitong kaligayahan, kapayapaan, at katiwasayan sa ating mahal na bayan.

Tuesday, October 26, 2010

Buklod




















Hindi ba't ang layunin ng bawat eleksiyon ay ang makapili tayo ng mga lider na magbubuklod sa ating komunidad upang magkaisa ang mga mamamayan at makamit ang pag-unlad at progreso ng bayan?

Bakit tila yata sa halip na magkaisa ay nagiging ugat pa ng hidwaan at alitan ng mga kandidato at pami-pamilya ang halalan sa ating bayan (at sa ating bansa)?

May pag-asa pa ba?



**********


Kapayapaa'y bigyan ng daan
Kapayapaan sa bayan ko
Bakit kailangan pang maglaban,
Magkapatid kayo sa dugo
Kailan kayo magkakasundo,
Kapayapaa'y kailan matatamo
Ng Bayan ko
(Ang Bayan Kong Sinilangan, Asin)

Monday, October 18, 2010

Bayang Payapa





Peace is not the absence of conflict; but the ability to cope with it.


**********


Para sa minamahal kong bayan:



Kapayapaan

Sunday, October 10, 2010

Licab Vice Mayor Shot Dead

Former Councilor and incumbent Vice Mayor Luisito "Chito" Caraang was shot dead by still unknown gunmen last October 9, 2010 at Barangay San Casimiro, Licab, Nueva Ecija.

Initial police investigation reports that Caraang was jogging in San Casimiro at around 5 in the morning when motorcycle gunmen shot him from behind. Reports also say that Caraang was rushed but eventually died at a nearby hospital in Cabanatuan City.

Licabblog & Licab.net are expressing our sympathy and condolences to the family of our Vice Mayor Chito Caraang.

Wednesday, October 6, 2010

Ang Bukas Ay Ngayon

Kung minsan, nakakasawa nang mapakinggan yung laging sinasabi na na ang Kabataan daw ang pag-asa ng bayan.



Noong bata pa ako ay naririnig ko na yan, at ngayong "medyo" nagka-edad na ako at wala na doon sa tinatawag nilang "Kabataan" eh naririnig ko pa rin.



Sa haba nang panahon na nilakbay ng bansang Pilipinas mula ng isulat ni Rizal ang katagang iyan, nakalulungkot isipin na hanggang sa ngayon ay umaasa pa rin tayo sa mga kabataan upang sumulong ang bansa. Nasanay tayong tumingin at umasa sa Bukas ngunit hindi natin napapansin na importante ring ayusin at baguhin ang Ngayon.



Sa Oktubre 25, 2010, muling binibigyan ng pagkakataon ang mga kabataan upang pumili ng mga kabataang lider ng Sangguniang Kabataan.

May magagawa ngayon ang ating mga kabataan. Ito ang panahon upang pumili at gumawa ng tama para sa ikauunlad ng bayan at bansa.

Kabataang Licabeño, ngayon na!


"The duty of youth is to challenge corruption."
- Kurt Cobain-

Thursday, September 23, 2010

Isang Kuwento, Isang Tula

Si Mang Joe
Kuwentong Likha ni Kabayang Joy Agustin


Minsan ay naisipan kong biruin si Mang Joe kung bakit naman sa dinami-dami ng maititinda eh yung cheap at street food pa ang napili niya.

"Oy, Dong, wag mong iniismol ang pisbol ko! Alam mo bang kahit pisbol lang ang tinda ko eh me anak ako sa UP?", mayabang niyang sagot.

"Talaga ho?!", pagulat kong sabi.

"Oo, Dong, pero yung anak ko, nagtitinda rin ng pisbol sa UP!", tsaka siya tumawa ng malutong.

Read More>>>>>





Ginto, Tao at Likas na Yaman
Hinabing Tula ni Kabayang Alvin Bautista



Andaming sisi sa tao’y binabato
laging sinisira kalikasang hapo
bakit hindi mapigil, puso ba nya’y bato
o baka pagbabago ay hindi nya gusto

Read More>>>>>


Suportahan po natin sila sa kanilang muling paglahok sa Ikalawang Taon ng Saranggola Blog Awards. Bisitahin po natin ang kanilang mga blogsites at mag-iwan tayo ng comments sa kanilang kuwento at tula.

Marami pong salamat.

Sunday, July 11, 2010

SK Registration

Comelec Spokesperson James Jimenez confirmed on twitter that the Barangay Elections and the Sangguniang Kabataan (SK) Elections will push thru this October 2010.


So for all you young people out there who would like to participate on the coming October 2010 SK elections, the registration period will be from July 15-25, 2010. Jimenez, in his website, explains a couple of things concerning the SK Elections registration:
1. Eligible to participate are young people with age range of 15 to 18 years old.
2. There are no biometrics when you register for the SK Elections.
-----------------------------------
The Sangguniang Kabataan is a great way for our young people to go out and participate on what is happening around us. Moreover, the SK is a good training ground for the future leaders of our country.

Saturday, June 26, 2010

Mangarap Ka

Sa buwang ito ng Hunyo kung saan nagsisimula ang panibagong pagsabak ng mga mag-aaral sa kani-kanilang eskuwela, itinatalaga ng LICABBLOG, LICAB.NET, kabilang ang ating mga kababayan ang panalangin na pagpalain nawa ang ating mga Kabataan sa kanilang pag-aaral.





Kabataang Licabeño, may kakayahan kayong mangarap at may kakayahan kayong abutin ito sa tulong ng Panginoon!




Mabuhay ang mga Kabataang Licabeño!

Monday, May 24, 2010

Pamatid Uhaw Sa Tag-Araw

Ang common thinking ng marami, para daw makaramdam ng lamig ngayong tag-init eh umuwi ka sa probinsiya para makalanghap ng sariwang hangin.

Ang problema, pag-uwi mo sa probinsiya, ganoon din pala kainit. Sa kaso ng Licab, mukhang mas mainit pa nga sa Licab kaysa sa Maynila.

Ngayon, kung nasubo ka nang umuwi sa Licab at talaga namang tumatagaktak ang pawis mo dahil sa alinsangan, bakit hindi mo subukang maghanap o gumawa ng pamatid-uhaw?

Maraming nagtitinda ng halo-halo sa mga kanto-kanto, pero pwede rin namang gumawa nito sa inyong sariling bahay kung gugustuhin mo (eka nga eh, may personal touch).

Ano ang mga kailangan para sa paggawa ng Halo-Halo?

• Ginadgad na yelo. Maaaring bumili ng katamtamang laki ng bloke ng yelo sa may daan na papunta ng Villarosa. Siguraduhin lang na tanggalin muna ang ipa bago gadgarin.

• Minatamis na saging

• Kaong

• Langka

• Nata De Coco

• Minatamis na Beans

• Kinayod na Melon

• Kinayod na Buko

• Ube

• Leche Flan

• Evaporated Milk na binili sa Intsik o kay Piwa o kay Arnel sa tapat ng SME Bank.

Paraan ng pagprepara:

1. Maglagay ng katamtamang dami ng saging, kaong, langka, melon, nata de coco, buko at beans sa baso.

2. Maglagay ng ginadgad na yelo sa ibabaw.

3. Lagyan ng Evaporated Milk.

4. Ipatong sa ibabaw ang Halaya at Leche Flan.


Patok na patok na pamatid uhaw! Mapapapalatak sa sarap, pati si Kuya Ding_Gat!

Sunday, May 16, 2010

Tuesday, April 27, 2010

Bilog Na Hugis Itlog

Malapit nang dumating ang Mayo a-diyes.
Handa ka na bang bumoto?
Handa ka na ba sa Automated Elections?

Handa ka na bang i-shade ang bilog na hugis itlog?

Tara na, suriin natin ang laman ng Official Ballot na gagamitin natin sa ating pagboto sa Mayo 10, 2010!


(i-click lang ang larawan upang makita ang mas malinaw na imahe)



Hanapin ang bilog sa tapat ng pangalan
Ng kandidatong napupusuan................




Itiman, i-shade
Loob ng Bilog!
Ang Loob ng Bilog
Na Hugis Itlog!
Awww!




(maraming salamat kay kabayang livingstain sa link ng official ballot ng comelec)

Thursday, April 22, 2010

Kariton Festival: Licab, Nueva Ecija

2nd Annual Kariton Festival
Licab Town Fiesta
28 March 2010
Licab, Nueva Ecija































Tuesday, April 13, 2010

Dalawang Mukha Ng Progreso

Sa murang isipan namin dati, mayaman silang mga may sariling sasakyan. Iilan lang kasi ang may sariling sasakyan sa Licab noong mga bata pa kami. Ang natatandaan ko ay iyong nagmamay-ari ng kotseng kuba (volkswagen) na kulay dilaw na nakatira doon sa may daan papunta sa may pugad baboy/katuga. Mayroon ding mga may auner-type jeeps na rumaragasa sa kalsada. Kaya naman kapag may mga kotseng naliligaw sa Licab dati, talagang sinisino at pinagtitinginan ng mga binatang nangakatambay sa mga kanto-kanto.


Noon, kapag may sarili kang jeep-mayaman ka na rin (E paano pa kaya kung ikaw si Tolentino na nagda drive ng Tames noong araw?).


Status quo nga ba ang pagkakaroon ng sariling sasakyan? Siguro nga, dahil hindi nga naman maliit na halaga ang kakailanganin mo para makabili nito.




(photo originals taken during the Licab Kariton Festival 2010 by licabblog and may not be copied or used without the written authorization from the owner)



Subalit patuloy sana nating alalahanin na kung ang epekto ng progreso ay ang pagkakaroon ng mas magagandang bahay, sasakyan at modernong kagamitan, mananatiling matibay na kaagapay ng ating bayan ng Licab ang kalabaw tungo sa pag-unlad.

Agrikultura- pagtatanim at pagsasaka ang pangunahing ugat yaman ng ating bayan.

Ito sana ang pagsikapang paglinangin at payabungin ng ating mga lider ng bayan at ng ating mga mamamayan.

Sunday, April 4, 2010

Parada Ng Mga Karosa- Licab, Nueva Ecija

Ipagpaumanhin ang kakaunting larawang nakalap ng LICABBLOG at LICAB.NET sa parada ng mga karosa noong Marso 27, 2010 para sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Bayan ng Licab.

Silipin natin ang mga.....

Silipin natin ang mga kaganapan sa parada.

Nasilip ninyo ba ang namamalikaskas na mga paa ni totoy habang pumapadyak sa kanyang bisikleta?

Eto, naisip ko lang dito sa mga musikero:

Una: sponsored ba sila ni Bayani Fernando kaya kulay pink ang mga costume nila?
Pangalawa: bakit ba ang hilig hilig nilang magsuot ng mga costumes na parang sobrang init sa katawan?

At kung ayaw ninyong maniwala na hindi sila naiinitan, pansinin ang pangatlong lalaking ito mula sa kaliwa na hindi magkamayaw sa paglilis ng manggas ng damit niya.



Umpisa na ng mga karosa, ipakita ang natatanging kagandahan at kaguwapuhan ng ating mga kababayang Licabeño.


Karosa #1: Panatang makabayan ang hirit ng konsorte



Karosa #2: Noynoy supporters ata sila. Dilaw kung dilaw.




Karosa #3: Wala lang. Basta masaya si kuya. Ngiti, ngiti, ngiti kahit bungi.




Karosa #4: May potential ka, hijo. Mas magaling ka pang kumaway kaysa sa reyna.


Karosa #5: Ito namang si amang, may baston pang kasama. Ingat kayo at baka majikin kayo!

Karosa #6: Colorful ang korona ng hari. Naisasangla ba ang mga bato bato nyan?



Karosa #7: Talaga bang dapat eh may poster ng kandidato sa karosa?




Karosa #8: Babala- huwag magpahid ng panyo. Hindi po si Mama Mary ang nakasakay sa karosa.




Kudos para sa mga organizers ng parada ng mga karosa. Sana ay magpatuloy ang ganitong mga kaugalian sa ating bayan.

Iyan po muna ang ilan sa mga pictures at kuwento. Marami pang susunod.


Abangan!

Tuesday, March 30, 2010

Licab Town Fiesta 2010 Teaser


Abangan ang mga kuwento at larawan sa mga susunod na posts.

Tuesday, March 16, 2010

Huling Pista

Patuloy ang pagsikip ng kalsadang natatahak habang papalapit sa plaza kung saan nagtatanghal ang mga artistang sarswela na inarkila para sa piyesta.

Gumawa na ng kani-kanyang kubol ang mga nangagtitinda ng damit sa magkabilang parte ng kalsada. Sumusunod naman ang mga nagtitinda ng mga laruang plastik na pinagkakaabalahan ng mga bata. Hindi nawawala ang mga water gun, baril-barilan, manika, kaba-kabayuhan, ahas na gawa sa ratan, at kung anu-anong action figures nila batman, superman at bioman.

Sa bungad ng kantong nagsilbing improvised plaza ay nangakabungad ang mga nagtitinda ng popcorn, balut, penoy, piniritong spicy dilis, fishballs, day old, pop cola at sago't gulaman. Hindi naman pahuhuli ang mga nagtitinda ng adobong mani at mais na kung makailang beses na atang ipinainit sa naglalawang mantika.

Sa di kalayuan ay mabibingi ka sa mga nagtitinda ng pirated casette tapes ng Eraserheads, Introvoys, Rivermaya, Skid Row, Bon Jovi, Metallica at April Boy Regino. Hindi pa uso noon ang mga cd at dvd.

Sumasabay naman sa nakabibinging kantahan ang announcer ng binggo. Dito'y nangakapalibot naman ang mga taong may kani-kanyang hawak na bingo cards na umaasang masungkit ang premyong batya, bisikleta, o isang kabang bigas.


Sa gilid-gilid naman ng binggohan ay nangakapalibot ang kung anu-anong tayaan at laruan. May color game, may beto-beto, may mga itsahan ng beinte singko, at may saklaan. Dito'y hindi magkamayaw ang mga tao sa pagtaya ng pa piso-piso o palima-limang piso.

Nangakapila naman ang mga binata't dalaga para maghintay ng turno nila sa pagsakay sa Jr. Ferris Wheel (Ruweda) at sa Catterpillar. Lagi na'y pinapaalalahanan ang lahat na magbayad lamang ng sakto kung ikaw ay bibili ng ticket dahil kung buo ang pera ay malamang na Wrigley's Juciy Fruit Gum ang maisukli sa pera mo.

Sa loob naman ng pinaka-plaza ay maraming taong nanonood ng sarsuwela. Karamihan sa kanila ay grupo-grupong nangaka umpok at matamang nangakatanga habang nakatunghay sa pinaka stage kung saan sumasayaw, kumakanta at nagpapatawa ang mga artista.

Patuloy sa pagkapal ang pulutong ng mga taong nakikisaya sa plaza. Ang ilan sa kanila ay nanggaling pa sa mga karatig-barangay at sumadya sa bayan para sa huling gabi ng pista. Sa gilid-gilid ng plaza, sa may tabi ng pampublikong paaralan ay nakaparada ang kanilang mga serbis na handtructor (kuliglig), tricycle, at jeepney.

Sa gitna ng saya, gulo at ingay ng pista ay pumunit sa kalangitan ang isang putok. Na sinundan ng isa pa. Hanggang sa magkakasunod na putukan na nga ang namayani sa paligid.

Nagkagulo na ang mga tao. Kani-kanyang karipas ng takbo, kani-kanyang hanap ng lugar na masisilungan upang makaiwas sa mga putukang hindi alam ninuman kung saan nanggaling.

Natigil na ang mga artistang kanina lang ay masayang umaarte sa stage. Hindi alintana ang sakuna, naglundagan na ang mga nakasakay sa ruweda at sa catterpillar. Ang lahat ay tumatakbo, sukdulang maiwan na ang mga tsinelas sa kalsada, makalayo lamang sa lugar ng gulo.

Kani-kanyang haka-haka, kani-kanyang kwento kung ano ang nangyari at kung bakit may putukang naganap.

Huling pista na pala.