Kung hindi ako nagkakamali (at kung hindi pa nagbabago ang sukatan ng mga lupa sa Nueva Ecija), pangalawa sa pinakamaliit na bayan sa buong probinsiya ang Licab (Nampicuan ang pinakamaliit).Pero nakatutuwang isipin, at minsa'y nakamamangha, kung bakit maraming sikat na pulitiko ang sumasadya sa bayang ito. Magtataka ka, A town so small matters big to national political figures, and so they visit our town.Taun-taon, tuwing undas, nakikita ko si former Senator, and now, Manila Hotel President Joey Lina. Sa public cemetery kasi ng Licab nakahimlay ang tatay niyang si Jose "Pepe" Lina. Dahil dito, madalas din sa Licab si Albert Lina ng Fedex.
High School ako, kasasagsagan ng kampanyahan nang gulatin ni Mayoralty Candidate Teddy Ilagan ang Licab. Naidala niya kasi sa Licab ang noo'y Presidential candidate na si Alfredo "Fred" Lim (ngayo'y Mayor ng Maynila). At panigurado, mapa- Teddy Ilagan o mapa-Noli Co, lumabas nang bahay para umabot at kumamay kay Fred Lim. 
Natalo si Fred Lim.
Natalo rin si Teddy Ilagan.
Anyway.........
Kung nagulat ang Licab kay Fred Lim, nagulantang naman ang mga mamamayan nang dalawin sila ni Presidente Erap Estrada. Who would not be charmed by Erap, lalo na kapag nakita mo kung paano niya hapawin ang gatas ng kalabaw sa kanyang pinggan?
Indeed, Erap is one man for the masses.

2001, nagbago ang ihip nang pulitika sa buong Pilipinas. Na-impeached si Erap, naluklok si GMA, and the rest is history, ika nga. Nagbago man ang Political landscape sa bansa dahil sa pagkakatanggal ng ilan at pagkakaluklok nang mga bagong lider, nagpatuloy pa rin ang takbo ng buhay sa Licab.
Natapos ang term ni Mayor Noli Co, kasabay nang pagtatapos ng 3-terms ni Edo Agustin bilang konsehal, at nailuklok sa pwesto si Mayor Willy Domingo.
Nitong 2008, binisita naman ni Mayor Jojo Binay ng Makati ang Licab, at balitang tuwang-tuwa pa nga si Mayor sa pagsakay sa karitelang hila-hila ng kalabaw. Alongside, nai-deklara bilang Sister-town ng Makati ang Licab. At kung anuman ang benepisyo nito para sa mga Licab ay hindi ko alam (may discount ba tayo sa mga sinehan sa Makati?). Basta ang alam ko, nakilala si Mayor Binay sa Licab at sa iba pang rural areas-balita kasing planong tumakbo ni Binay sa mas mataas na posisyon ngayong 2010 (Aaaah... kaya naman pala!).
But if that is what they give, bakit nananatili tayong maliit? Bakit nananatili tayo sa rank na 5th class municipality?
Baka may kailangan tayong baguhin.
Baka may kailangan tayong gawin.
+++++++++++++++++++++++++++++
(Bakit nga kaya sa tinagal-tagal nang pananatili ng mga kano sa Pilipinas ay hindi naging progresibo ang bansa?)