Napilitang magpawala ng tubig ang 5 malalaking dam sa Luzon na nagdulot naman ng malaking pagbaha sa mga karatig-probinsiya, kasama na ang Nueva Ecija. Isa sa pinakamalaking naapektuhan ay ang ating bayan ng Licab.
Makikita sa larawan sa ibaba ang kanto ng Don Dalmacio Esguerra (formerly Burgos St.) at ng daan papunta ng Villarosa/Tarlac:
Dahil sa malaki at biglaang pagbaha noong madaling araw ng Oktubre 9, napilitang magsilikas ang mga mamamayan at namalagi sa Municipal Gymnasium at sa ilan pang evacuation areas:
(Click Here More Pictures of the Flood in Licab)
Tinatayang 90% ng mga pananim at kabuhayan ng ating mga kababayan ang nasalanta ng bagyo at baha kaya naman umaapela ang ating Punongbayan, Willy Domingo, kasama ang ating Municipal Disaster Coordinating Council, sa bawat isa na magbigay nang anumang maitutulong para sa mabilis na rehabilitasyon ng bayan ng Licab.
Pangunahing kailangan ang makalikom ng pondo na pambili ng binhi ng mga gulay at mga halaman na madaling mamunga o madaling anihin upang magkaroon ng pagkakakitaan ang ating mga kababayan na nawalan o nasiraan ng mga palay at iba pang pananim noong kasagsagan ng bagyo at baha.
Tumatanggap din ng mga pagkain, damit, at kung anupaman ang ating maaaring itulong para sa ating mga kababayan. Maaaring makipag-ugnayan sa mga contact numbers na ating makikita sa sulat na mula kay Mayor Willy Domingo sa ibaba:
++++++++++
Isang apela sa mga kababayan sa buong mundo:
Sa loob ng limang dekada, muling naranasan ng mga taga-Licab ang malalim na pagbaha. Limang dam ang nagpakawala ng tubig sa kasagsagan ng Bagyong Pepeng, 500 metro kuwadrado ang pinakawalan sa bawat 1 segundo na naging sanhi ng mas malalim na baha sa bayang ito. Bagama’t sanay na sa ganitong pagbaha ang mga naninirahan dito. Hindi magiging madali ang pagbangon sapagkat ayon sa tala ng Pambayang Pananakahan ay umabot sa 90% ng Pananim (Agricultural Crops) ang lubhang nasalanata (Zero Production) o 17 Million ang halaga ng pagkalugi sa palay na pangunahing pananim ang idinulot ng bahang ito. Samantalang ang damage sa ibang ari-arian ay humigit-kumulang sa P 5 Million at tinatayang 3, 600 na kabahayan ang nalubog sa baha sa loob ng tatlong araw.
Upang mabawasan ang kagutuman, minarapat ng inyong lingkod na makipag-ugnayan sa NFA upang magsupply ng bigas sa ating bayan. Nang sa gayon ay makabili ang mga may pambili. Ngunit paano naman ang iba na umaasa lamang sa pagsasaka?
Ang calamity fund ng ating bayan ay 1 Milyon lamang at paubos na sapagkat marami na ang nagdaang kalamidad sa taong ito.
Sa kasalukuyan ay nagpupulong sa pangunguna ng inyong lingkod ang Municipal Disaster Coordinating Council upang bumuo ng mga hakbang para sa rehabilitation sa bayan ng Licab. Ang aking mungkahi ay ang pagtatanim ng mga gulay sa lahat ng bakuran upang may makain. Ang inyong lingkod ay ginagawa ang lahat ng makakaya upang matulungan ang ating mga kababayan.
Sa pagkakataong ito, sinuman pong nais magbahagi ng anumang tulong upang makaahong muli ang ating mga kababayan ay mangyaring makipag-ugnayan sa inyong lingkod o sa website na ito. Mayor Willy S. Domingo Contact Nos. 0917-811-5978, Admin Ariel J. Antonio (0063-927-443-8880), Sec. Raffy Borjal 0063-928-769-2350, Malou Calma (0063-921-507-9900).
Maraming Salamat at Pagpalain kayo ng Panginoon.
Para sa mga mamamayan ng Licab,
WILFREDO S. DOMINGO
Punong Bayan
++++++++++
also posted in: www.licab.net
Bangon, Licab!
VIVA LICAB, kahit anong pagsubog kaya naten yan....
ReplyDelete-livingstain
tama ka jan, livingstain!
ReplyDeletemakakaraos din tayo.
ayon sa aking ginawang pag akyat sa bahay pamahalaan,plano ni yorme na maglunsad ng malawakang pagtatanim ng ibat ibang gulay para maibsan ang malawakang kagutuman, sanhi ng pagkalusaw ng mga panananim ng ating mga kabayan.
ReplyDeleteSa ngayon, ang pinakamalaking problema sa ating bayan ay ang pagkalat ng LEPTOSPIROSIS. sa oras na ito ay inaabot na ng 29 ang biktima ng naturang sakit na dulot din ng baha, at 2 na ang kumpirmadong namatay, na dahil sa LEPTOSPIROSIS. Ang malungkot, hindi kasama ang bilang na ito sa estatistikang binabanggit ng DOH sapagkat sa Metro Manila lang nakafocus ang reporting nila. Ang resulta yong libreng gamot na inginangawngaw ng lintek na si duque ay wala pa sa ating bayan ni sa lalawigan ng nueva ecija.
Hindi malayong tumaas pa ang bilang ng mga biktima ng nasabing sakit, dahil sa kalagayan ng ating mga kababayan na naghaharimunan na maisalba ang ano mang maaring pakinabangan sa kanilang mga bukid na sinalanta at binabad sa ihi ng daga na umagos mula sa panggasinan, lupao, guimba at nanatili ng 4 na araw sa ating bayan.
Kabayan kung may kilala ka o may paraan ka na maparating ang kaalamang ito sa DOH, tulungan natin ang ating mga kababayan na maka avail ng gamot upang maagapan ang pagkalat ng sakit. Sumulat na rin ako sa DOH upang iparating ang njasabing problema pero wala pang reaksiyon o tugon hanggang ngayon.
Salamat sa inyong pagtitiyaga.
go mayor,you'r the best of the best
ReplyDelete