'Licab? Sa'n 'yun?'
Hindi na bago sa akin kapag tinatanong ako ng ganyan.
Pag binanggit ko kasi kung tiga-saan ako o saan ang bayan na kinalakihan ko, sinasabi ko, 'sa Licab, Nueva Ecija'.
Laging may ibinabalik silang tanong- 'Licab? Sa'n 'yun?'
Lagi rin akong may nakahandang sagot- 'Dulong bayan yan ng Nueva Ecija-katabi na kami ng Tarlac. Kung pupunta ka sa amin galing sa Cabanatuan, kakaliwa ka sa Sicsican, Talavera. Tapos, dadaan ka sa Sto. Domingo at Quezon. Pag diniretso mo pa 'yun, Licab na.
Actually, hindi kataka-taka ang tanong na iyon lalo na kung ang mga magtatanong ay taga-Maynila. Kasi nga naman, kahit na iyong ibang taga Nueva Ecija nga eh, minsan, hindi pa alam kung nasaan ang Licab.
Nasa Internet naman ang Licab. Kumbaga, nakaguhit naman sa mapa. Pero nakakalungkot, sabi kasi sa wikipedia, 5th class municipality lang ang Licab. Gusto kong lokohin ang sarili ko para sabihing mataas pala ang ranggo ng bayan ko pero ito pala ang sinasabi ng internet:
Municipalities are divided into income classes according to their average annual income during the last three calendar years:
1st class P50,000,000 or more.
2nd class P40,000,000 or more but less than P50,000,000.
3rd class P30,000,000 or more but less than P40,000,000.
4th class P20,000,000 or more but less than P30,000,000.
5th class P10,000,000 or more but less than P20,000,000.
6th class Below P10,000,000
Kunsabagay, ang talang sinabi ng wikipedia ay noon pang taong 2000.
May pag-asa pa. At hindi kailanman mawawala iyon habang may mga taong patuloy na mananalig na may pagbabago pa ring magaganap para sa bayan ko. May pag-asa pa. Darating ang panahon, mababago rin ang mga katagang maririnig ko kapag sinabi kong tiga-Licab ako.
Kagaya rin nang pananalig na may pag-asa pa para sa Pilipinas.
Makikilala rin ang Licab bilang isang progresibong munisipalidad.
May pag-asa pa.
Thursday, January 29, 2009
Monday, January 19, 2009
Ang Simula
Nagsimula ang lahat sa kwentuhan.
"May mga pictures ng Licab sa internet, ah. Pag nakita mo nga 'di mo aakalaing sa Licab pala 'yon."
"Pa'no mo makikita?"
"I-search mo lang yung Licab sa yahoo or sa google."
"Ok 'yun 'no? Pwede kang gumawa nang blog tapos ipo-post mo yung mga pictures sa Licab. Or gagawa ka ng mga articles tungkol sa Licab tapos pwede mo i-invite yung ibang tiga-Licab na mag contribute ng articles."
"At least makikilala yung Licab."
"Pwede. Tapos ang Title..... LICABBLOG."
"May mga pictures ng Licab sa internet, ah. Pag nakita mo nga 'di mo aakalaing sa Licab pala 'yon."
"Pa'no mo makikita?"
"I-search mo lang yung Licab sa yahoo or sa google."
"Ok 'yun 'no? Pwede kang gumawa nang blog tapos ipo-post mo yung mga pictures sa Licab. Or gagawa ka ng mga articles tungkol sa Licab tapos pwede mo i-invite yung ibang tiga-Licab na mag contribute ng articles."
"At least makikilala yung Licab."
"Pwede. Tapos ang Title..... LICABBLOG."
Subscribe to:
Posts (Atom)