Monday, May 24, 2010

Pamatid Uhaw Sa Tag-Araw

Ang common thinking ng marami, para daw makaramdam ng lamig ngayong tag-init eh umuwi ka sa probinsiya para makalanghap ng sariwang hangin.

Ang problema, pag-uwi mo sa probinsiya, ganoon din pala kainit. Sa kaso ng Licab, mukhang mas mainit pa nga sa Licab kaysa sa Maynila.

Ngayon, kung nasubo ka nang umuwi sa Licab at talaga namang tumatagaktak ang pawis mo dahil sa alinsangan, bakit hindi mo subukang maghanap o gumawa ng pamatid-uhaw?

Maraming nagtitinda ng halo-halo sa mga kanto-kanto, pero pwede rin namang gumawa nito sa inyong sariling bahay kung gugustuhin mo (eka nga eh, may personal touch).

Ano ang mga kailangan para sa paggawa ng Halo-Halo?

• Ginadgad na yelo. Maaaring bumili ng katamtamang laki ng bloke ng yelo sa may daan na papunta ng Villarosa. Siguraduhin lang na tanggalin muna ang ipa bago gadgarin.

• Minatamis na saging

• Kaong

• Langka

• Nata De Coco

• Minatamis na Beans

• Kinayod na Melon

• Kinayod na Buko

• Ube

• Leche Flan

• Evaporated Milk na binili sa Intsik o kay Piwa o kay Arnel sa tapat ng SME Bank.

Paraan ng pagprepara:

1. Maglagay ng katamtamang dami ng saging, kaong, langka, melon, nata de coco, buko at beans sa baso.

2. Maglagay ng ginadgad na yelo sa ibabaw.

3. Lagyan ng Evaporated Milk.

4. Ipatong sa ibabaw ang Halaya at Leche Flan.


Patok na patok na pamatid uhaw! Mapapapalatak sa sarap, pati si Kuya Ding_Gat!

9 comments:

  1. oo nga pinaakamagaling pamatid uhaw yang halo2, naalaa ko tuloy si nana gundang, the best halo2 in the hole phil.

    ReplyDelete
  2. san po ba ang lugar ni nana gundang? pamilyar ang pangalan pero mukhang hindi ko na siya inabutan.

    ang inabutan ko na kasing nag hahalu-halo eh si nida felix

    ReplyDelete
  3. mr. admin, ako ok n sa kin ung ice kende o ung ice skrambol ni nana Maya at ni Kambal basta maraminh brangkaw at klim!- bubule

    ReplyDelete
  4. bubule, panalong panalo yung brangkaw at klim ng skrambol ni nana Maya.

    pwede rin naman yung sago na tinitinda ni monse roman at ni ate doyet.

    ReplyDelete
  5. gus2 ko un mr. admin! ung sago! pero mas matamis ung kay johnny... kila oic tabi ng paradahan ng dyip! "WALANG ANU ANO'Y BUMILI NG PALAMIG" in inglis " NOTHING WHAT WHAT BUYING COLDY"ika nga ni paRE NICK!

    ReplyDelete
  6. oo, sikat na sikat yung walang anu-ano'y. tska mukhang mas malinis kasi talagang de takal. hehe. may mga pangsukat pa talaga at yung sago eh maliliit.

    yung kila ate doyet kasi parang maga yung mga sago. hehe

    ReplyDelete
  7. mr syete, ang pwesto dati ni nana gundang ay ung ofis ngaun ng DA, ung kanto ng exit ng munisipyo, sya lng ang beerhaus nuon, sa likod ang inuman namin, sa ilalim ng acacia, yang police station ngaun

    ReplyDelete
  8. Noong araw that was after 1975 my elementary life nasubukan kong magtinda ng ice candy na iba iba ang flavour sisigaw ng ice candy!!nakakaipon pa ako but nowadays meron pa ba nito? youngster this days ay marami ng devices no time for any work like this. noon kasi walang gano tirador gagamba ano pa? ang libangan. Ate hulyana. nana gundang i know this people. Any one remember Ka mundang she is my lola who sell mam.

    ReplyDelete
  9. mr. admin may isa pang matinding pamatid uhaw ang mga kababayan natin! sa mga nagbibiliad ng mga palay at sa mga nglalaro ng basketball ay nakow! isa lng nito ayus n! ang ICE WATER...
    he he he...

    ReplyDelete