Tuesday, April 13, 2010

Dalawang Mukha Ng Progreso

Sa murang isipan namin dati, mayaman silang mga may sariling sasakyan. Iilan lang kasi ang may sariling sasakyan sa Licab noong mga bata pa kami. Ang natatandaan ko ay iyong nagmamay-ari ng kotseng kuba (volkswagen) na kulay dilaw na nakatira doon sa may daan papunta sa may pugad baboy/katuga. Mayroon ding mga may auner-type jeeps na rumaragasa sa kalsada. Kaya naman kapag may mga kotseng naliligaw sa Licab dati, talagang sinisino at pinagtitinginan ng mga binatang nangakatambay sa mga kanto-kanto.


Noon, kapag may sarili kang jeep-mayaman ka na rin (E paano pa kaya kung ikaw si Tolentino na nagda drive ng Tames noong araw?).


Status quo nga ba ang pagkakaroon ng sariling sasakyan? Siguro nga, dahil hindi nga naman maliit na halaga ang kakailanganin mo para makabili nito.




(photo originals taken during the Licab Kariton Festival 2010 by licabblog and may not be copied or used without the written authorization from the owner)



Subalit patuloy sana nating alalahanin na kung ang epekto ng progreso ay ang pagkakaroon ng mas magagandang bahay, sasakyan at modernong kagamitan, mananatiling matibay na kaagapay ng ating bayan ng Licab ang kalabaw tungo sa pag-unlad.

Agrikultura- pagtatanim at pagsasaka ang pangunahing ugat yaman ng ating bayan.

Ito sana ang pagsikapang paglinangin at payabungin ng ating mga lider ng bayan at ng ating mga mamamayan.

4 comments:

  1. i doubt if people there in Licab will be adaptable to change and modernization. Honestly the prime reason why LicabeƱos are still in the pit of mud is the way they think. Ano ba namam masama sa konting pagbabago ng isip para umunlad. ang mga dating nkaugalian na hindi na dapat pa ginagawa at iniisip ay dapat nang kalimutan. Let's all crave for success. Kulang tayo ng driving factor kasi e. yung iba sasabihin pa na magsasaka siya nabuhay e magsasaka siya mamamatay. Ayos yun kung gusto niya na ganun talaga. Pero ang nakakatawa e galit siya pagkasabi niya nun..ilan kaya ang tinamaan.

    ReplyDelete
  2. bakit hindi na lang ginamit na taniman ang damn daanang iyan para wala nang mayama at wala nang mahirap...:(

    ReplyDelete
  3. wow !!! I really learned some details in here ..
    Almost all the answers is in these site ... :)
    THANK YOU SO MUCH !!!
    It really helps me !!!

    ReplyDelete