Monday, November 16, 2009

Purok Siyete




Humigit kumulang ay 80 na ang miyembro ng Licab Forum. Nakakatuwa dahil iba't-ibang kwento, iba't-ibang opinyon na ang narating ng mga simpleng kuwentuhan.


Isang post ang hindi man masyadong napansin sa kainitan ng kuwentuhan, ang nais kong ipabasa sa inyo ngayon dahil alam ko na kung tutuusin, ay isa itong bagay na dapat bigyang-pansin at bigyang-solusyon sa lalong madaling panahon. (Galing kay kabayang mhariz ang post na ito):




"Sa purok 7, Sta Maria Licab...
wala pa rin pong kuryente...
kasi mga estudyante po roon
may mga angking talino at
nagliliwanag na pangarap,
ngunit lumalabo
pagka't sa dilim nang paligid
librong binabasa ni hindi makita..."




Nakakalungkot (at nakakagulat isipin) na may lugar pa pala sa Licab na wala pang linya ng kuryente. Tama ang poster, maraming estudyante ang dapat sana'y mas natututo at mas nabibigyan ng tamang edukasyon kung kaakibat ng kanilang kagustuhang matuto ay maayos ang mga pasilidad ng paligid na ginagalawan nila.


Bakit nga ba walang kuryente sa Purok Siyete?


Nais sana naming maliwanagan.....

1 comment:

  1. kuya may purok syete ba? naman taga sta maria ako pero hindi ko pa yan nakikita. isang katunayan na kahit kami doon ay hindi namin sila kinikilala. well yun ang katotohanan, pero kami yon, kaming mga ordinaryong mamamayan lamang, pero hindi kami pulitiko diba, silang may mga katungkulan ang dapat nagbibigay ng pansin dyan. si mayor, kayang kaya nya yan.

    ReplyDelete