Sa murang isipan namin dati, mayaman silang mga may sariling sasakyan. Iilan lang kasi ang may sariling sasakyan sa
Licab noong mga bata pa kami. Ang natatandaan ko ay iyong nagmamay-ari ng kotseng kuba (volkswagen) na kulay dilaw na nakatira doon sa may daan papunta sa may pugad baboy/katuga. Mayroon ding mga may auner-type jeeps na rumaragasa sa kalsada. Kaya naman kapag may mga kotseng naliligaw sa Licab dati, talagang sinisino at pinagtitinginan ng mga binatang nangakatambay sa mga kanto-kanto.
Noon, kapag may sarili kang jeep-mayaman ka na rin (E paano pa kaya kung ikaw si Tolentino na nagda drive ng Tames noong araw?).
Status quo nga ba ang pagkakaroon ng sariling sasakyan? Siguro nga, dahil hindi nga naman maliit na halaga ang kakailanganin mo para makabili nito.
(photo originals taken during the Licab Kariton Festival 2010 by licabblog and may not be copied or used without the written authorization from the owner) Subalit patuloy sana nating alalahanin na kung ang epekto ng progreso ay ang pagkakaroon ng mas magagandang bahay, sasakyan at modernong kagamitan, mananatiling matibay na kaagapay ng ating bayan ng Licab ang kalabaw tungo sa pag-unlad.
Agrikultura- pagtatanim at pagsasaka ang pangunahing ugat yaman ng ating bayan.
Ito sana ang pagsikapang paglinangin at payabungin ng ating mga lider ng bayan at ng ating mga mamamayan.