Ang common thinking ng marami, para daw makaramdam ng lamig ngayong tag-init eh umuwi ka sa probinsiya para makalanghap ng sariwang hangin.
Ang problema, pag-uwi mo sa probinsiya, ganoon din pala kainit. Sa kaso ng Licab, mukhang mas mainit pa nga sa Licab kaysa sa Maynila.
Ngayon, kung nasubo ka nang umuwi sa Licab at talaga namang tumatagaktak ang pawis mo dahil sa alinsangan, bakit hindi mo subukang maghanap o gumawa ng pamatid-uhaw?
Maraming nagtitinda ng halo-halo sa mga kanto-kanto, pero pwede rin namang gumawa nito sa inyong sariling bahay kung gugustuhin mo (eka nga eh, may personal touch).
Ano ang mga kailangan para sa paggawa ng Halo-Halo?
• Ginadgad na yelo. Maaaring bumili ng katamtamang laki ng bloke ng yelo sa may daan na papunta ng Villarosa. Siguraduhin lang na tanggalin muna ang ipa bago gadgarin.
• Minatamis na saging
• Kaong
• Langka
• Nata De Coco
• Minatamis na Beans
• Kinayod na Melon
• Kinayod na Buko
• Ube
• Leche Flan
• Evaporated Milk na binili sa Intsik o kay Piwa o kay Arnel sa tapat ng SME Bank.
Paraan ng pagprepara:
1. Maglagay ng katamtamang dami ng saging, kaong, langka, melon, nata de coco, buko at beans sa baso.
2. Maglagay ng ginadgad na yelo sa ibabaw.
3. Lagyan ng Evaporated Milk.
4. Ipatong sa ibabaw ang Halaya at Leche Flan.
Patok na patok na pamatid uhaw! Mapapapalatak sa sarap, pati si Kuya Ding_Gat!
Monday, May 24, 2010
Sunday, May 16, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)